Chapter VIII- Journey to the Jasmine town

14 5 1
                                    

Bago ako pumunta ng train station ay napadaan muna ako sa isang maliit na eskenita at walang ka tao-tao doon.

Habang palabas ako ng eskenita ay biglang nagsitayuan ang balahibo ko at parang may malamig na bagay ang lumalapit sakin. Pero imbis na matakot ako ay nakangiti akong tumalikod.

"Night!" Tawag ko ng palapit siya sakin.

"Hindi mo ako hinintay." He's glaring at me.

"Malay kong uuwi ka pa pala, teka saan ka ba pumunta?" Tanong ko sakanya.

"Sa bahay nila Lucia." Kinilig ako ng marinig ko iyon.

"Yiieee malapit na nga pala kayo ikasal, galingan mo ah."

"Saan?"

"Sa panliligaw." Nakangiting sambit ko, pero hindi man lang siya kinilig o ano wala lang siyang reaksyon. "Hoy!"

"Ano?" Tanong niya. Gara naman nito kausap, pumunta-punta pa siya dito.

"Ano ba gagawin mo at nandito ka?" Imbis na sagutin niya ako ay niyakap niya ko, I hugged him back.

Nang maghiwalay kami ay nakita kong namumula yung mukha niya. "I don't want to show them that I hugged you." Nagtaka ako sa sinabi nito.

"Bakit naman?"

"Kase, malay mo, ano.." Di ko maiintindihan ang pinagsasabi nito -_- "Baka kasi pagkamalan tayo."

"Bakit naman tayo pagkakamalan? Diba magkaibigan lang naman tayo?" Tanong ko sakanya.

"Yeah you're right." Ngumiti siya sakin. "Ingat ka." Kumaway siya sakin at umalis na. Lah gara naman non kausap ang weird.

~

Pagkaupo ko sa loob ng tren ay nagsimula na itong umandar, habang umaandar ang tren ay naghubad muna ako ng sapatos dahil kanina pa talaga sumasakit paa ko.

Nang biglang huminto ang tren may isang lalaking pumasok sa loob at tumabi sakin, he smiled at me kaya ngumiti din ako.

Nang makita niyang hindi ako nakasapatos at naka-indian seat pa sa upuan ay lalo siyang lumapit sakin.

"Are you new here?" Pabulong na taning niya sakin.

"O-Oo." Nahihiyang sagot ko dahil sobrang lapit ng mukha niya sa tenga ko.

Binaba niya ang paa ko sa upuan at isinuot sakin yung sapatos ko, Nagtaka naman ako sa ginawa niya.

"What are you doing?" Tanong ko sakanya.

"You should put your shoes on in public places nakaka-disrespect kase sa mga Irreverenians ang nakalabas ang paa." He said then sumandal sa upuan.

Nahihiya naman ako sa mga taong nakatingin samin.

"Grabe naman iyang babaeng yan si sir Lawrence pa ang pinagsuot niya ng sapatos niya." Sabi nung babaeng katapat namin.

"Oo nga eh hindi man lang nahiya." Ok ate tama na nahihiya na nga ako eh huhuhu.

"Just ignore them, after all you're new here right?" Tumango ako at sumandal nalang din sa upuan. "I'm Jacob Lawrence." Inabot niya ang kamay niya saken.

"Arielle de Guzman." Nakangiting nagkamayan kami.

"Saan ka nga pala papunta?"

"Sa kabilang bayan lang." Sagot ko nang hindi na nakatingin sakanya at sa bintana na ang tingin ko.

"Oh, sino pupuntahan mo doon?"

"Si Princess Daniella." Nakangiti kong sagot. Saglit siyang tumahimik.

The Lost Princess of Irreverence [COMPLETED]Where stories live. Discover now