Epilogue

10 1 0
                                    

Princess Gwyneth's POV

Nagising ako ng masakit ang katawan. "Anong nangyayari bakit ako nasa kuweba na to?" Tanong ko sa sarili. Bumalik sa isip ko ang nangyari kanina.

"Princess pinapatawag daw ho kayo ng hari." Ani ng guard. Pagkapunta ko sa kwarto ni dad ay wala namang tao.

Nagulat ako sa lalaking sumulpot sa likod ko at tinakpan niya ng bimpo ang bibig ko. "Magaling princess, pero hindi ganoon kagaling." Anito bago ako mawalan ng malay.

Lumabas ako sa kuweba at nakita ko doon ang mga kapatid ko na nakatingala. Tumingala din ako para malaman ang nangyayari.

Nakita ko doon si Arielle na nakatayo at nakapikit.

"Anong ginagawa niya diyan?" Tanong ko sakanila.

"Hindi nga rin namin alam eh." May pag-aalalang tonong sambit ni Cassie.

"Aba'y ang kulit mo ring babae ka ha." Mukhang napansin na siya ni dad kaya humarap siya kay Arielle at tinutok ang kamay doon.

"ARIELLE!" Sigaw ni Night na halos hindi na makalakad.

Pagkatutok ni dad ng kamay niya kay Arielle ay agad niya itong binalahan ng malakas na apoy.

"Ginamit yata ni dad ang pinakamalakas niyang kapangyarihan." Sabad ko na nakatingin kay dad.

"Ha?" Sabay-sabay nilang tanong.

"Kahit ang buong bayan ay kayang sunugin ng kapangyarihan na iyan." Sagot ko.

Ipinatama na ni dad ang malaking bola ng apoy kay Arielle. Tumingin ako kay Arielle na nakatayo parin at nakapikit. Magpapakamatay ba siya?

Biglang namula ang kalangitan at biglang dumilat si Arielle na may pulang ilaw sa mata. Pagkalapit ng bolang apoy sakanya ay agad niya iyon isinalag at tumama pabalik kay dad.

Lumulutang si Arielle habang may malaking simbolong nakaguhit sa likod niya. "Ang Red Dragon Fighter." Nabasa ko na iyan sa libro ko pero hindi pa ako nakakakita niyan kundi sa litrato lamang ng librong iyon.

Isa iyon sa pinakamalakas na spell bago ang Flaming Beast, ang red dragon muna ang pinakamalakas. Pero ngayon lang ako nakakita ng red dragon na may ganiyang lakas.

Nanlaki ang mata ko sa naisip ko, "Hindi kaya, may sumapi sakanyang past bracelet keeper?" Nakahawak ako sa baba ko ng binulong ko iyon.

"Ano ba ang iniisip mo diyan Gwyneth?" Sabad ni Beth habang kinakalabit ako.

"Kailangan nating tulungan si Arielle." Sabi ko at kumuha ng bato sa loob ng kuweba.

"Anong gagawin mo diyan?" Takang tanong sakin ni Eloisa.

"Gagawa lang ako ng symbol circle." Aniko at nag drawing ng isang bilog sa lupa at ginuhit din ang anim na simbolo, anim lang dahil bukas na ang kay Arielle.

"Tumapak kayo sa mga symbolo niyo. Kagaya ng akin tigre ang simbolo ko kaya doon ako tatapak." Sabi ko at tinapakan ang nakaguhit na tigre.

Pagkatapak nila sa simbolo nila ay naghawak kami ng kamay namin. Maya-maya lang ay umilaw na ang bilog ganon din ang porselas na binigay sa amin ni Cassie.

Night's POV

Pagkatapos namin makipag bakbakan ng pinsan ko at nung general ay napunta ang attensyon namin sa mga prinsesang lumulutang at nagfo-form ng isang simbolo na parang isang halimaw.

Si Arielle naman ay lumulutang na din at unti-unting lumalapit sa mga kapatid niya.

"Woah!" Manghang sambit ni Dark at nakaturo sa simbolo na binubuo ng pitong prinsesa. "Ang daming kulay.." Sabad nung general.

The Lost Princess of Irreverence [COMPLETED]Where stories live. Discover now