Pagkatapos ng napakahabang biyahe bumaba kami sa isang gubat at nagtungo sa isabg balon.
Nauuhaw ba sila? "Dapat kase uminom muna kayo sa bahay eh." Sabi ko sakanila nagtaasan naman ang mga kilay nila. "What?"
"Anong pinagsasabi mo diyan?" Sagot ni Night.
"Ano ba kase ginagawa natin dito?" Tanong ko sakanila.
"Dito tayo papasok." Sagot niya tinignan ko balon na punong puno ng tubig.
"Ha? Edi mababasa tayo."
"Tara nga dito ang ingay mo." Hinila niya ako malapit sa balon at..
"Aahhhh!!" Sigaw ko ng itulak niya ako sa sa loob ng balon. Napatakip ako sa bibig ng makita kung gaano kaganda ang tanawing nakikita ko ngayon. Sinilip ko muna kung nasaan sila Night, nakita ko silang dalawa ni Jamie na lumabas galing sa lawa at nginitian ko sila.
"Ang ganda naman dito."
"Sabi ko na nga ba sayo Arielle maganda dito." Si Jamie.
"Uhm.. wala kang sinabe saken." Sabad ko.
"Ay! Nakalimutan ko." Napahawak pa siya sa bibig niya.
"Ok lang." Ani ko. "So.. saan kayo nakatira?" Tanong ko sakanila.
"Doon pa kame sa loob ng Irreverence nakatira." Nagtaka ako sakanila.
"Hindi ba ito yung Irreverence na sinasabe niyo?" Umiling lang siya.
"Ito yung labas ng Irreverence hindi ito sakop ni Lord Natos."
"Eh sino ang may-ari nito?"
"Wala." Sagot nilang dalawa.
"Bakit parang walang tao dito masyado?"
"Kase hindi sila pinahihintulutan lumabas." Sagot ni Jamie siya lang talaga ang sumasagot sa mga tanong ko.
"Pano kayo nakalabas?"
"I'm the grim reaper of course I'm allowed to go out." Sagot ni Night.
"Eh ikaw?" Turo ko kay Jamie.
"Tumakas lang ako kasama si kuya Night, kase kailangan ka po talaga namin dito." Sabi niya habang nakatungo.
"Ano naman magagawa ko dito?, kung tingin niyo kaya ko yung mga naiimagine niyo, well I can't." Babalik na sana ako sa lawa ng dukutin kami ng isang lalaking may malalaking armas.
Inilagay kami nung lalaki sa isang sasakyan at maya-maya lang ay narinig naming umandar na ang sinasakyan namin. Sumilip ako sa maliit na butas para makita ang labas ng sinasakyan namin.
Nakita kong papasok ang sasakyang ito sa loob ng isang malaking pader na gawa sa bato. Nang huminto ang sinasakyan namin agad akong tumingin sa pintuan at nakita ko kung paano buksan nung lalaki ang pinto at nakita ko namang nakatulog si Night kaya lalo akong kinabhan sa mangyayari.
Hinila ako nung lalaki palabas kaya napa-aray ako. Dahil nakatali ang kamay ko sa likod hindi na ako gumalaw pa.
Pumikit ako at nagdasal na sana walang mangyaring masama sa amin nina Jamie. Nagulat ako ng may tumumba, kaya agad akong nagmulat at nakita kong tumba na yung lalaking dumukot sa amin at wala na sa tali si Night.
Tinanggal niya ang pagkakatali sa akin. "Ok ka lang?" Tumango lang ako. Tinggal niya naman ang tali ni Jamie at saka kami tumakas.
Nang makalayo kami sa lalaking humahabol samin ay may sinabi si Jamie sa akin.
"Arielle, Welcome to The Land of Irreverence." Sabi niya habang nakaturo sa isang malaking sign na nakakabit sa sa may poste.
Hindi ganoon kaganda pero hindi naman ganoon kapanget parang isang probinsya, dikit-dikit ngalang ang mga bahay. Sa dulo ng pathway na gawa sa bato ay ang bundok kung saan nakatayo ang malahiganteng palasyo na gawa rin sa bato. Doon siguro nakatira si Lord Natos at ang pitong prinsesa.
YOU ARE READING
The Lost Princess of Irreverence [COMPLETED]
FantasyJoin Arielle on her adventure in the Land of Irreverence to search for her sisters and their bracelets. Not just to search for them, they will use it against their father who is holding the souls of their mothers. Thank you so much for making my bo...