"Teka, teka lang." Dapat ay pupunta kami sa gubat para itesting ang mga bracelets, pero.. "Pano mo nga ba nalaman na kapatid ka namin?"
"I'm an intelligent person that's why." Ngumiti ito.
Tumango nalang ako at sumunod sakanya. Nagpunta kami ng gubat.
"Daniella, baby your first." Anito. Sumunod si Daniella sakanya. Habang nakapikit si Daniella sa gitna ay unti-unti itong lumulutang at nagliliwanag. Wahh ang bilis naman niya matuto.
"Stop." Pinahinto ni Cassie si Daniella kaya nung nagmulat siya ay nahulog siya. "You're draining too much energy."
"Beth you're up."
Halos lahat ay pare-pareho lang ang nangyari pinahinto ni Cassie kase masyadong madaming lakas ang binibigay nila.
Then it's my turn. "Ate, ikaw naman." Kinakabhan ako dahil baka mangyari uli yung una kong practice gamit yung bracelet.
Pagkaupo ko sa gitna ay saka ko naramdaman kung gaano kadaming lakas ang iniipon ko at nilalabas. Naramdaman ko na ang pag-init ng paligid ko.
"Ate Cassie ang init naman." Narinig ko ang tini ni Daniella sa gilid.
"Shh."
I think I'm floating dahil hindi ko na maramdaman ang mga damong nasa balat ko kanina.
"Ang galing." Sambit ni Cassie. "Wait.. stop." Sabi nito, pinilit ko magmulat pero di ko magawa. "Ate stop it!"
"Wait, hindi ko ma-control." Sabi ko pero nakapikit padin.
"Tara na." Narinig kong umalis sila sa gilid ko.
Hindi ko na kaya dahil sobrang dami na ng enerhiyang pumapasok sa akin. I'm hurting, hindi ko makontrol ang ginagawa ko hanggang sa may narinig akong sabog at wala na ang lahat.
"Arielle anak, mag-ingat ka huwag mo masyadong gamitin ang lakas mo. Kontrolin mo ang sarili mo huwag ka magpapadala ng galit, dahil iyon ang sisira saiyo." Narinig ko uli si mommy, it's been a long time since I heard her voice again.
Nagmulat ako ng mata at nakita ko ang isang matandang nakangiti sakin. Wait a minute nasaan ako?
"Hi, Arielle." Ani nung matandang babae. She kinda have an resemblance with mom.
"Nasaan po ako?" Tanong ko dito.
"Nananaginip ka lang, Arielle." Anito at nagsimulang maglakad.
"Nakita ko kung paano mo gamitin ang kapangyarihan mo at hindi ko nagustuhan ang nangyari." Sabi nito. "Hindi mo kinaya ang lakas mo at pinabayaan mo nalang, isa yon sa hindi mo dapat gawin ang iwan ang puwersang inipon mo." Patuloy lang akong nakikinig sakanya.
"Arielle kung hindi mo kaya ang resposibilidad mo, iwanan mo na." Payo ba yon? "Dahil nakakasakit ka lang ng kapwa mo at mga kapatid mo." Nakita ko ang mga kapatid kong sugatan habang buhat ako.
"Hindi ko alam bakit ikaw pa ang napili pero sana isipin mo muna ang taong maaapektuhan sa kasarilihan mo." Dagdag niya.
"Hindi naman po ako makasarili!" Singhal ko pero parang wala lang siyang narinig. "Ginawa ko naman lahat ah, nagpunta ako sa iba't ibang bayan para hanapin sila—"
"Para hanapin sila at pahirapan?" Sabad niya. Bigla akong nagalit sakanya.
"Iyan nga ba ang sinasabi ko kontrolin mo ang galit mo Arielle. Hindi pa nga nagsisimula ang laban ay talo kana agad." Aniya habang di nakaharap sakin.
"Isa lang mapapayo ko, kung hindi mo kaya mabuting huwag mo na gawin pa." Dagdag niya.
"Pero kung kaya mo, mas mabuti yon." Iyon ang sinabi niya bago ako magising at makita ang mga mukhang sugatan ng mga kapatid ko at hinihintay akong magising dito sa gubat.
Niyakap ko sila.
"Pasensya na. Naging pabaya ako." Nakayukong sambit ko.
"Ano ka ba, Ate. Lahat naman tayo ay nagkakamali." Nakangiti si Daniella ng sabihin niya yon.
"Tatapusin natin tong paglalakbay na ito Ate kahit anong mangyari." Luhaang sambit ni Eloisa.
"Hanggang dulo ng buhay." Si Beth.
"Magkamatayan man." Si Faye.
"Ay magkakasama parin tayo." Si Cassie, at nagyakapan kami.
"Ano bang sinabi ko ha? Diba kontrolin mo yang galit mo." Narinig ko ang tinig ng isang lalaki sa gilid ko.
"Night!" Lumapit siya sakin at niyakap ako. "Bakit kayo nandito?" Nakita kong kasama niya din si Jamie.
"Haha! We are always here." Sabi ni Jamie.
"H-Ha?"
"We are following you all this time." Nakangiti si Jamie sakin.
"Remember that time sa Jasmine town, yung sasayaw na sana si Daniella pero sumakit yung balat niya. Instead na sa backstage niya titignan ay pinapunta namin siya sa bathroom kasi nandoon ka, para magkakilala na kayo." Kwento nito.
"So you're those guys na humarang sakin papuntang backstage." Sabi ni Daniella.
"Wala kaming masyadong natulong nung nasa Gardenia town kayo kase alam na ni Daniella ang papunta doon."
"Pero kayo yung nagsabi sakin na may matututunan ako kay Ate Arielle kaya pumayag akong sumama sakanila." Sabad ni Beth kaya tumango sila.
"And nung nasa Magnolia kayo, binayaran namin yung matandang tinanungan niyo para malaman kung saan nakatira si Princess Eloisa." Patuloy na kwento niya.
"Nung nasa Lavender town naman kayo ay sinadya naming painumin kay Princess Eloisa ang tubig na binigay namin bago niya mahanap yung babaeng nakakakilala kay Princess Faye."
"Bakit tubig?" Tanong ko.
"The water makes her energy drain kaya kinailangan niyong pumunta sa malapit na bar para painumin siya ng alak."
"Grabe kayo nanghina talaga ako don." Sabi ni Eloisa.
"Sa Carnation town naman ay pinilit naming i-upo si Princess Cassie sa tabi niyo para magkakilala kayo."
"That's why panay ang tulak sakin ng waiter kung saan ako uupo." Si Cassie.
"And lastly si Night ang gumagawa ng panaginip niyo." Nagtaka kami sa sinabi nito.
"Paanong siya ang gumagawa?" Nagtatakang si Cassie.
"Kinokonekta niya ang espirito ng mga mommy niyo sa panaginip niyo para masabi ng ina niyo ang gusto nilang sabihin sa anak nila pero hindi nila kayo maririnig, tanging kayo lang ang nakakarinig sakanila."
"Kung ganoon na saan sila?" Nag-aalalang sambit ni Faye.
"Nakita niyo ang scepter ni Lord Natos? Sa may bilog na parte nandoon na nakakulong ang mga magulang niyo."
"So how can we get that scepter?" Tanong nilang lahat. They really love their moms and so as I.
"Defeat your father first then you can have the scepter, once you have the scepter you have to crack it open with you powers."
"Paano namin sisimulan ang laban eh hindi pa nga kami marunong gumamit ng bracelet." Ani Beth.
"Don't worry marami pang time." Ngumiti si Jamie sa amin, halos siya lang ang nagkwento nakatulala lang si Night sa isang tabi. "For now let's go to our town."
Pagkasabi niya non ay agad kaming inalalayan tumayo at pumunta ng Inn kung saan kami ng iistay.
——
~ GLOOMAMELA 🌺
YOU ARE READING
The Lost Princess of Irreverence [COMPLETED]
FantasyJoin Arielle on her adventure in the Land of Irreverence to search for her sisters and their bracelets. Not just to search for them, they will use it against their father who is holding the souls of their mothers. Thank you so much for making my bo...