Sa sobrang excited ni Eloisa magtravel ay sobrang aga namin pumunta ng dock para makasakay ng bangka, pero dahil maaga nga kami pumunta ay wala pang available na bangka.
Nag-pasya kaming pumunta muna sa malapit na kainan at nag-almusal. Si Daniella at Beth ay panay ang hikab pa.
"Bakit ang aga kasi natin umalis?" Tanong ni Daniella at yumuko sa lamesa.
"Sorry, Dannie. Si Eloisa kasi ay sobrang excited na makaalis dito sa Magnolia." Iniba ko na din ang pangalan ni Daniella, para naman cute diba?
"Sorry girls pero first time ko kasing lumabas sa border kaya napaaga tayo ng alis." Ngumiti siya sa kanila.
"Nagugutom na ako mga Ate wala bang magpapakain?" Si Daniella na nakayuko padin.
"It's my treat." Ani Eloisa at tumawag ng waiter.
~
Pagkatapos namin kumain ay nagpunta na kami sa dock at nakita naming may mga bangka nang nakahilera.
Nagtawag kami ng bangka at sumakay doon. Dahil konti palang ang tao sa bangka ay naghintay muna si kuya ng mga pasahero kaya natagalan kami.
Nang mapuno ang bangka ay nagsimula na itong maglayag. Hindi kami nabagot dahil sobrang linis ng tubig at maraming isda kang makikita doon.
~
Pagkababa namin ay agad nagsilapitan sa amin ang mga tao doon at sinuotan kami ng makukulay na flower crown.
Paglabas namin sa dock ng Lavender town ay nagpunta muna kami ng isang motel dahil kanina pa daw naantok si Beth, grabe katamaran ng babaeng iyon.
Pagkapasok namin ng kwarto ay agad naghubad ng bag si Beth at tumalon ng kama. "Ahh! Excited na ako!" Tumitili pang sambit ni Eloisa.
"Gustong kong lumibot muna sa buong Lavender town, Ate." Ani Daniella.
"Tara." Sabi ko at kumuha ng notebook at bolpen.
Habang naglalakad kami ay nagsusulat ako ng mail para kay nila tita.
"Ate ano una nating puntahan?" Tanong ni Eloisa pero nakatingin parin ako sa sinusulat ko.
"Doon muna tayo sa bazaar oh." May tinuro si Daniella pero hindi ko iyon tinignan dahil abala ako sa sinusulat ko. Nagulat ako ng sabay nila akong hilain.
Habang naglalakad kami ay biglang nawala si Daniella sa tabi ko kaya huminto ako at tinignan kung nasaan siya, pero nakita ko ding wala na rin pala si Eloisa.
Naghagilap ako bawat sulok ng bazaar at nakita ko silang dalawa ng susukat ng bestida. Hays..
Tinapos ko na ang sinulat ko at lumapit sakanila. "Ate bagay sayo to." Ani Eloisa, Ngumiti ako at sinukat iyon.
~
Pagkatapos namin maglibot sa buong bazaar ay umuwi na kami dahil sa sobrang daming binili nina Daniella at Eloisa.
Pagkabukas namin ng kwarto ay nakita namin doon si Beth, iyon bagsak padin. Inilapag namin sa kama ang mga pinamili namin at umupo sa tabi ni Beth.
Nang magising si Beth ay agad niyang sinukat ang binili ni Daniella para sakanya, at grabe nagsakto ang mga binili ni Daniella para sakanya.
"Ate.. pwede mo ba akong samahan." Biglang nag-aya si Eloisa sa tabi ko kaya agad akong kumibo.
"Oo naman, saan ba?"
"Nanghihina kasi ako gusto ko ng alak." I glared at her.
"Bakit alak?" Tanong ko dito.
"Hindi ko alam pero alak talaga nagpapa-energized sakin." Tinarayan ko ito at bumaling kay nila Beth na nag-aagawan na sa bestida.
YOU ARE READING
The Lost Princess of Irreverence [COMPLETED]
FantasyJoin Arielle on her adventure in the Land of Irreverence to search for her sisters and their bracelets. Not just to search for them, they will use it against their father who is holding the souls of their mothers. Thank you so much for making my bo...