Chapter XI- The Sloth

9 1 0
                                    

Nilibot ko ang buong inn para naman aliw ako dahil kanina pa ako nababagot dito sa loob ng kwarto. Si Daniella? Nandoon sa labas kasama si Beth gara nga ng mga yon di ako sinama. Pero nung inaya naman nila ako ay tumanggi ako kase baka naiilang pa sakin si Beth.

"Miss Arielle gusto niyo na po ba maghapunan?" Tumanggo ako dito. Promise kanina pa ako nagugutom huhuhu, buti nalang at inaya ako nito ni sir Benjamin.

"Anong oras po ba sila uuwi? Dapat talaga sumama na ako sakanila." I heard him laughing. Nagtataka akong lumingon sakanya. "Bakit?"

"Nakikita ko kase sayo yung ate ko sayo, sana nandito pa siya miss na miss ko na siya." Nakangiti siya habang sinabi niya iyon.

"Nasaan na po ba siya?"

"Wala na." Inilapag niya ang pagkain sa lamesa ko at umalis na.

Nang magsimula ako kumain ay nakarinig naman ako ng pagbukas ng pinto kaya napabaling ang attensyon ko doon.

"HAHAHA sobrang namiss talaga kita Daniella." Ani Beth habang nakahawak sa pisngi ni Daniella.

Natahimik siya ng umubo ako sa harap nila. "Oh ate Arielle kumain ka na agad? Di mo man lang kami hinintay." Aniya.

"Bakit ngayon lang kayo umuwi?"

"Ang dami kase naming pinuntahan ate nako dapat talaga sumama ka na samin." Masayang anito.

"Kakain ka na din ate Beth?" Tanong nito kay Beth.

"Nah.. tinatamad ako." Pati pagkain kinatatamaran niya, grabe tong babaeng to.

Nagmagsimulang kumain si Daniella, tumayo ako at naglibot uli sa loob ng building na ito.

Nakita ko namang nakabukas ang pinto ni Beth kaya sumilip ako doon. Habang sumisilip ay nakita ko si Beth na nakaupo sa kama at hawak ang.. "porselas." Bulong ko.

Ang porselas niya ay kulay lila at may nakaukit doong oso. "Paano kaya kita magagamit?" Panay ang titig niya sa porselas niya.

"Gusto mong turuan kita gumamit?" Bigla akong sumulpot papasok sa kwarto niya kaya nagulat siya ng bahagya.

"B-Bakit marunong kaba?"

"Syempre marunong ako, prinsesa nga ako diba? And I'm older than you little Beth." Tinap ko ang ulo niya kaya nairita siya ng konti. "Haha sorry."

"Tch." (ー_ー)!! Ganyan ang hitsura niya.

"Tuturuan kita bukas ng umaga sa garden niyo." Nakangiti kong sinabi iyon sakanya.

"Hindi ako pupunta." Mataray na sambit niya.

"See yah." Sabi ko at lumabas ng kwarto niya at nagpunta ng kwarto ko.

~

Five in the morning, I woke up para makapaghanda na sa practice ni Beth. Well kung hindi siya susulpot sa garden niya bahala na.

Lumabas ako ng kwarto namin ni Daniella at nagpunta sa kusina. Nakaamoy ako ng mabangong aroma galing sa kusina kaya tinignan ko iyon at nakita ko si sir Benjamin na nagluluto ng.. agahan? Pero para saan?

"Maganda umaga po." Bati ko sakanya. Agad naman itong tumalikod at bumati saakin.

"Magandang umaga din hija, pinaluto ko kayo ng agahan oh." Pinakita niya ang niluluto niya sakin.

"Para saan naman po iyan?"

"Diba mag-eensayo kayo ni Beth kung paano gamitin ang mga porselas niyo?" Teka, he heard us talking about that?

"Paano niyo po nalaman?"

"Naglilinis ako noon ng hallway ng makita kong bukas ang kwarto ni Beth, isasara ko na nga sana ng marinig ko na mag-eensayo kayo sa paggamit ng porselas. Na-excite naman ako kaya agad akong natulog at pinaghanda kayo ng agahan." Tumango nalang ako sakanya habang nginunguya ang isang pirasong toasted bread.

The Lost Princess of Irreverence [COMPLETED]Where stories live. Discover now