Chapter XXX- Summoning The Sacred Power

7 1 0
                                    

"Dalhin mo na iyan sila sa testing room." Utos nung hari kaya agad kaming binitbit ng mga lalaki.

"Walang hiya kayo!" Sigaw ni Faye. "Lalo ka na Gwyneth!" Nakita kong yumuko lang si Gwyneth.

Pinasok kami sa isang medyo may kadilimang kwarto at pinasok ang katawan namin sa tig-iisang machine. Pinaandar iyon ng lalaki kaya kinabahan kami ng bigla itong nagvibrate.

"Bwisit kayo!" Sigaw parin ng sigaw si Faye. "Paalisin niyo kami dito!"

Kanina pa sigaw ng sigaw si Faye, hanggang sa makaramdam siya ng pagod.

"Ate pano na tayo dito?" Lumuluhang sabi ni Daniella.

May pumasok sa loob kaya napunta ang attensyon namin doon.

"Kamusta naman ang mga prinsesa kong walang laban?" Nang-iinis na tanong ng hari.

"Pag sinapak kita wala kang laban." Banta ko dito.

"Talaga? Gawin mo nga." Madilim na tinignan ko ito sa mata. "Hindi eepekto sakin ang pag-iiba ng kulay ng mata mo, bata." Tumawa ito at kumaway. "Balikan ko nalang kayo mamaya." Anito at pinasunod sakanya ang mga alagad niya.

Kaming magkakapatid na lang ang nasa loob ng kwarto at hindi makagalaw. Habang dine-drain ng machine ang enerhiya namin ay nagulat kami ng may pumasok sa loob galing sa bintana.

"Wag kayo ma-ingay." Naka-hush sign pa si Cassie. Binuksan niya ang machine gamit ang susi na dala niya.

"Ate Cassie ang sama pala ni Ate Gwyneth." Naiiyak padin si Daniella.

"Ha? Paano siya naging masama eh siya ang nagbigay sakin nitong mga susi." Nagtatakang tanong niya.

"Pero nakita namin siyang kasama ang hari.." Sabad ni Faye.

"Ah.. planado iyon." Sagot ni Cassie.

"Nagplano kayo ng hindi namin nalalaman?" Pagalit na tanong ko.

"Mamaya na natin pag-awayan iyon, lumabas na tayo rito." Aniya at naunang lumabas kasunod kami.

"Kunin niyo ito." Binigay ni Cassie ang mga porselas namin. "Iyan ang duplicate ng porselas niyo dahil ang mga totoo ay hawak ng hari, pero wag kayo mag-aalala parehas lang naman ng lakas iyan tsaka yung sa totoo."

"Kailangan na nating bilisan papunta sa border. Dahil gagamitin daw ng hari ang kinuha niyang lakas sa inyo para sunugin ang lupa sa labas ng Irreverence." Dagdag niya.

"Eh nasaan si Gwyneth?" Tanong ko.

"Siya ang nagdidistract ng mga guards sa loob ng palasyo."

Lumabas na kami ng gate at nagsimulang tumakbo, huminto kami ng may huminto ring lalaking naka-kalesa sa tapat namin.

"Sakay na kayo." Sambit ni Lawrence na mukhang nagmamadali.

Pagkapunta namin ng border ay nagsisimula na ngang mag-sunog ng lupa ang hari habang tumatawa ng pang-demonyo.

"Pano natin yan pipigilan?" Tanong nila. Kung tutuusin parang x20 ang lakas ng hari ngayon habang sinusunog ang lupa.

"Hoy tigilan mo yan!" Sigaw ko at nakita ko namang lumingon siya sakin.

"Paano ka nakalabas?" Pagalit na tanong nito at sa amin itinapat ang kamay niti at naglabas ng apoy. Tumakbo kami. "Huliin niyo iyon." Utos niya sa mga alagad niya habang nakaturo sa amin.

Huminto si Lawrence sa pagtakbo kaya huminto rin kami. "Takbo na! Ako na bahala dito." Tumango at ngumiti ako sakanya.

"Gawin na natin ang Sacred power." Sabi ni Eloisa at hinawakan ang kamay namin.

"Pero kulang tayo, si Ate Gwyneth pa." Abi Daniella.

"Siya ba ang hinahanap niyo?" Hawak ng hari ang walang malay na katawan ni Gwyneth. Nanlaki ang mata namin ng i-hulog niya ang katawan ni Gwyneth sa nagbabagang apoy. Bigla namang may lumipad papunta doon at kinuha ang katawan nito.

"Dark?" Patanong na sabi ko.

"Gawin niyo na ang Flaming Beast habang hinaharang namin dito ang mga alagad ng hari." May nagsalita sa likod ko ka kaya agad akong lumingon doon.

"Night? Anong ginagawa niyo dito?"

"Dami mong tanong bilisan niyo na." Nauubusan ng pasensyang sambit nito.

"Tara na." Naghawak-hawak kami ng kamay at pinagsasama-sama ang puwersa namin.

Medyo mahirap ang nangyari dahil kulang kami ng isa. Si Gwyneth ay wala paring malay kaya hindi namin magawa ng tama ang Sacred power.

"Argh!" Lahat ng lakas namin ay na-drain dahil anim lang ang humahawak ng puwersa.

Bumagsak ako sa lupa kaya napa-aray ako. "Katapusan mo na mahal kong anak, Arielle." Ngumiti ang hari sa akin at itinapat sa akin ang apoy.

Nagliwanag ang buong paligid at nandito na naman ako sa parang heaven.

"Sabi ko na nga ba hindi mo kaya." Ani ng matandang babae.

"Tama ka nga lola, hindi ko nagawa ng maayos yung responsibilidad ko." Yumuko ako dahil may nagbabadyang luha sa mata ko.

She sighed. "Sinabi ko na sayo na umatras ka na lang sa laban diba?" Aniya.

"Gusto kong gawin iyon pero nakokonsensya ako lola."

"Lahat tayo bumibigay talaga pag konsensya na ang pinag-uusapan." She tsk many times. "Tara na nga."

"Saan tayo lola?" Tanong ko nang tumayosi lola at pumunta sa maliwanag na pinto.

"Tatalunin natin ang hari." Anito at tuluyang pumasok doon.

"Arielle!" Panay tampal ni Faye sa pisngi ko.

"Ha? Anong nangyari?" Tanong ko ng makita kong nasa isang kweba na kami.

"Nag backfire tayo." Sabad ni Beth na sugatan.

Tumayo ako at lumabas ng kuweba. Nakita kong nilalabanan nina Night, Dark at Lawrence ang mga alagad pero ang hari ay nandoon lang at sinisilaban ang paligid.

Nakita kong bumagsak si Night kaya agad akong lalapit doon ng higitin ni Cassie ang kamay ko.

"Wag ka munang lumabas Ate, hindi kaya ng katawan mo." Aniya.

"Hindi pwede, kailangan tayo doon." Sabi ko at nagtangkang lalabas pero hinila nila ako pabalik.

"Hindi nga pwede!" Singhal sakin ni Cassie. "Hindi mo alam kung gaano nasaktan ng sobra si kuya Night ng harangan niya yung apoy na tinutok sayo ng hari." Natahimik ako sa sinabi nito.

Pero sobrang tigas ng ulo ko lumabas ako pero hindi ako dumeretso sa gitna, kundi umakyat ako sa taas ng batong pader. "Ano ba ginagawa mo, Ate?" Hindi ko siya sinagot.

Nandito lang ako sa taas ng mataas na pader at nakatayo. Pumikit ako at ni langhap ang sariwang hangin, para na rin hindi ako matakot, may fear of highs.

"Ganiyan nga, Arielle. Let the energy flow in you." Biglang sumabad ang matandang babae at kasama ko na siya ngayon dito sa taas at nakaupo siya sa harap ko.

Mas lalo akong nagulat ng tumayo ito at... "Lola anong ginagawa m—" Hindi natapos ang sasabihin ko ng tuluyan siyang sumapi sa katawan ko at nawalan bigla ako ng malay.

——

Malapit na po ito matapos HAHA Abang-abang lang po ;)

~ GLOOMAMELA 🌺

The Lost Princess of Irreverence [COMPLETED]Where stories live. Discover now