Mabilis kaming nakabalik ng Daphne town dahil hindi naman masyadong madaming tao sa train station.
Halos lahat ng parte ng katawan ko ay nakabenda kaya hindi ako masyado makagalaw.
Todo alaga pa nga ni Night sakin bawat aray ko aabutan agad ako ng gamot.
Ngayon ay nandito ako sa kwarto ko sa ilalim ng hagdan at ang mga kapatid ko ay may benda din sa katawan, kasama sina tito at tita.
"Kamusta na kayo ni Lucia?" Tanong ko kay Night na nasa tabi ko at inaayos ang mga gamot ko.
"Ok lang."
"Panong ok?" Hindi talaga to masaya makipag-usap. "Tuloy na kasal niyo?"
Hindi siya umimik pero tumayo siya. "I'll be back." Walang emosyong sambit niya at lumabas.
Ilang oras na ang lumipas at hindi parin nakakabalik si Night kaya nagpasya akong lumabas ng kwarto at pumunta ng veranda.
Kahit masakit ang katawan ko pag naglalakad ay pinilit ko, para makalanghap lang ng malakas na hangin.
Pagkapunta ko doon sa taas ay nakita ko na agad ang veranda kaya dumeretso ako doon.
Kitang-kita dito sa taas kung gaano kaganda ang bayan at kung gaano kalaki ang palasyo.
Nagulat ako ng may maramdaman akong kakaibang enerhiya na naggagaling sa labas.
"Yess!!" Nagsisigawan ang mga tao sa labas.
Pagkababa ko ay nakita ko sina tita doon at may inilalagay na kung anong maliwanag sa isang garapon.
"Ano yan tita?" Tanong ko sakanya.
"Arielle! bakit naman tumayo ka agad?" Aniya at inalalayan ako papasok.
Pagkahiga ko sa higaan ay tumingin ako sa hawak ni titang garapon. "Tita ano po yan?"
"Ito ay enerhiya. Pwedeng gamitin to kahit saang makina."
"Saan mo yan gagamitin tita?"
"Siyempre sa mga ilaw natin dito." Tumayo siya. "Mauuna na ako hija." Sabi niya at lumabas ng kwarto.
Maya-maya lang ay pumasok ng kwarto ko si Night na may dalang bimpo at maliit timba.
"Maligamgam na tubig."
"Ah, pupunasan mo ko?" Tumango siya, at parang nahiya pa kaya yumuko na pang siya.
Pinunasan niya ako braso at noo.
"Ako na nga ang bagal." Sabi ko at inagaw ang bimpo sakanya. Tumalikod siya. "Bakit tumalikod ka?"
"Ano gusto mo tignan kita habang nagpupunas ka diyan?" Anito.
"Pwede." Sabi ko kaya tumahimik siya. "Haha joke, lumabas ka kako." Padabog siyang lumabas.
~
Pagkatapos ko mag punas ay nagpalit na ako ng damit at benda. Lumabas ako ng kwarto ko at nagpunta ng kusina. Nakita ko silang lahat doon na kumakain kaya lumapit ak sakanila at nakikain din.
Habang kumakain ay nagtanong si tito Gabby samin. "Sino nakarami ng kuha diyan?"
"Ng ano po?" Tanong ni Eloisa.
"Ng energy kanina."
"Ako naka sampu." Nagtaas ng kamay si Daniella.
"Ako naka trese." Pagmamayabang ni Beth.
"Bente." Si Eloisa.
"Haha bentsingko." Si Faye.
"Trenta Haha!" Inilabas ni Cassie ang garapon niya.
YOU ARE READING
The Lost Princess of Irreverence [COMPLETED]
FantasyJoin Arielle on her adventure in the Land of Irreverence to search for her sisters and their bracelets. Not just to search for them, they will use it against their father who is holding the souls of their mothers. Thank you so much for making my bo...