Chapter XXII- Lonely Princess

5 1 0
                                    

"Arielle!" Tawag sakin nung prinsesa.

"Po?" Ngumiti ako sakanya ng plastik.

"Kunin mo nga yung mga librong to sa library ko." Anito at binigay sakin yung listahan.

Lumabas na ako ng kwarto niya at nagpunta ng silid-aklatan. Inabot ko sa librarian.

"Para kay Princess Gwyneth ba ito?" Tumango lang ako at naghintay sa kaniya.

Pagkabalik ng librarian ay sobrang dami niya ng bitbit na libro. "Ito oh.." Inabot niya sakin ang mga kumpol-kumpol na libro, halos lumabas na lahat ng ugat ko sa kamay ng buhatin ko iyon.

Binitbit ko iyon hanggang kwarto ni Princess Gwyneth. "Ito po oh." Binaba ko iyon sa desk niya sa loob ng kwarto niya.

Lumabas na ako ng kwarto niya at maya-maya lang ay tinawag niya uli ako.

"Arielle!"

"Po?" Sumilip ako sa kwarto niya.

"Balik mo yan lahat." Anito.

"Hindi niyo pa po yata ito nabubuklat?" Sambit kong hinahawakan ang mga libro.

"Alam ko. Wala diyan ang mga kailangan ko." Tumango na lang ako at binitbit ang mga libro. Umirap ako ng pagkatalikod ko.

Pagkabalik ko ng libro ay bumalik na din ako sa kwarto ni Princess Gwyneth.

"Nabalik ko na po." Sabi ko at umalis na pero tinawag niya uli ako.

"Arielle.."

"Po?" Ngumiti ako uli sakanya ng plastik.

"Hindi ka ba napapagod sa mga pinapagawa ko?" Nagtaka ako si tinanong nito.

"Bakit naman po ako mapapagod?"

"Kase lahat ng pinapagawa ko sayo ay sinasadya ko para bumigay kana." Naiinis ako sa loob-looban ko pero nakangiti parin ako.

"Haha! Hindi naman po ako madalas mapagod."

"Paano mo nakakaya yung mga pinapagawa ko?" Tanong nito.

"Gagawin ko po lahat dahil trabaho ko naman po ito." Ani ko. "Mauuna na po ako." Sambit ko at lumabas, doon ko nilabas lahat ng galit ko at sinuntok ang pader nagcrack pa iyon ng konti.

Pagkabalik ko sa kwarto ng mga katulong ay agad kong sinabi sa mga kapatid ko ang mga pinag-gagagawa ng prinsesang yon.

"Ang sama niya talaga." Naka-pout na si Daniella.

"Sobrang sama grabe." Dagdag ko.

"Wag na muna natin yong isipin, diba Daniella?" Ani Eloisa na kinikiliti si Daniella.

"HAHAHA!" Tawang-tawa si Daniella. "Tama na!" Naiiyak na siya kakatawa.

Sinimulan akong kilitiin nina Faye at Cassie kaya napahalakhak din ako sa tawa. Lahat kami ay nagkilitian na kaya napuno ng tawa ang kwarto.

Natigil kami ng may pumasok sa kwarto. "Prinsesa, may kailangan po kayo?" Tanong kong natatawa pa ng konti.

"Wala na ingayan lang ako." Anito at kinalabog ang pinto pasara.

"Taas talaga ng pride non." Umirap si Cassie.

"Hayaan mo siya." Matawa-tawa paring sambit ko. Pinagpatuloy namin ang kilitian.

Mga alas otso na ng nakalabas na kami ng kwarto at nagpunta sa kusina para makakain na.

Pagkapunta namin doon ay nakita namin si Princess Gwyneth na kumakain mag-isa.

"Magandang gabi prinsesa, hindi pa po pala kayo kumakain." Hindi ito sumagot kaya hindi ko na rin siya pinansin at hinintay siya sa labas ng kusina.

The Lost Princess of Irreverence [COMPLETED]Where stories live. Discover now