Bago kami naglakbay para mahanap si Madame Star ay pumasok muna ako sa iskwelahan, sinama ko na din ang mga kapatid ko, baka kung ano ang gawin nila pag wala ako.
Habang nagkaklase ay nakaramdam ako ng antok kaya pumikit muna ako ng saglit.
"Miss de Guzman!" Nagising ako ng teacher namin ang banggitin ang last name ko.
"Po?!" Pagulat na tanong ko.
"Bakit ka natutulog sa klase kko hindi kana nga pumapasok ay matutulog kapa sa oras ko!"
"Pasensya na po." Yumuko ako.
Pagkatapos ng klase ay nagpunta kaming pito sa cafeteria. Sabi ko ay pumili sila ng kakainin nila at ako na ang magbabayad, kaya pumunta na sila sa counter dala ang wallet ko.
Pagkabalik nila ay nagulat ako sa dala ni Daniella.
"M-Mauubos mo ba iyan, Daniella?" Nanlaki ang mata kong nakatingin sa tray niya.
"Yes naman!" Sagot nito.
"Hi Faye!" Ngumiti yung lalaking studyante na hindi ko kilala kay Faye.
Nginitian din ito ni Faye. "Hi." Sabi niya na may pang-akit na mata.
"Ang bilis mo naman magkaroon ng kaibigan." Ani ko sakanya.
"Syempre." Sinawsaw niya ang fries sa ketchup.
"Gusto ko itong iskwelahan na ito." Sabad ni Princess Gwyneth. "Ang daming matututunan."
"Pero ano talaga balak natin sa paghahanap kay Madame Star?" Kumakain si Cassie habang tinatanong niya iyon.
"Una natin siyang hahanapin sa carnival, kaso hindi ko alam kung saang carnival iyon, sila Jamie lang nakakalaam non." Nakapangalumbaba kong sagot.
"Bakit kasi hindi sila sumama?" Ngumunguyang tanong ni Eloisa.
"Feel ko nagalit siya kay Arielle, kasi diba nawala siya tas hinanap siya ni kuya Night sa buong bayan." Sagot ni Cassie. So that's why he's so mad at me, hindi niya naman ako kailangan hanapin ah.
Ngumuso ako. "Let's just try our best to find Madame Star." Ngumiti ako sakanila.
"Yeah, you're right." Sang-ayon ni Beth.
Pagkasabi niya non ay tumunog na ang bell kaya sabay-sabay kaming nagsiakyatan.
*study*
*study*
*study*
Yung totoo hindi naman talaga ako nakinig nakatulala lang ako buong maghapon. Buti pa nga si Princess Gwyneth ay sagot ng sagot sa teacher kaya agad itong nagustuhan ng guro.
Nang marinig namin ang bell ay tumayo na kami.
"Ha? Ayon na yun?" Nagrereklamong tanong ng Prinsesa.
"Ano pong ayun na yun?" Tanong ni Daniella kay Princess Gwyneth.
"Wala nang sunod?"
"Tapos na ang oras ng klase, prinsesa." Sagot ko para matahimik na siya.
"Ah ganun ba." Nag-pout ito at sumama na samin palabas.
"Ok lang yan princess, babalik pa naman tayo bukas diba Ate?" Tanong ni Daniella sakin.
"Hindi." Mabilisang sagot ko.
"Bakit hindi??" Sabad ni Princess Gwyneth.
"Kasi bukas na natin sisimulang hanapin si Madame Star." Sagot ko. Pagkarating namin ng bahay ay agad kaming pumasok, hindi na namin pinansin ang unggol nila Andrea at Manuel at dumeretso na kami sa taas.
YOU ARE READING
The Lost Princess of Irreverence [COMPLETED]
FantasyJoin Arielle on her adventure in the Land of Irreverence to search for her sisters and their bracelets. Not just to search for them, they will use it against their father who is holding the souls of their mothers. Thank you so much for making my bo...