Panay ang tingin ko sa labas habang nakapangalumbaba. So boring sa heck! Wala bang mag-aaya sakanilang mamasyal o lumabas man lang? 'Pano ko masisimulan tong paghahanap ng prinsesa?' Yan ang lumabas sa isip ko habang nakatingin sa wanted poster.
"Arielle, hija mukhang bagot na bagot ka na ah.." Sabi ng mommy ni Jamie, pinakilala niya ako kahapon pagtapos naming kumain ng hapunan.
"O-Opo hehe tita, kailangan po ba talagang nandito lang ako sa tavern lagi?"
"Hindi naman, tara samahan mo ko mamili sa bayan." Pumayag akong sumama kay tita kesa naman mabulok na ako sa bahay na yon.
Nakasakay kami ngayon sa kalesa at papunta sa sinasabing bayan ni tita. Grabe naman itong lugar na to sobrang makaluma.
Bumaba kami sa isang maliit pero mahabang eskenita at puno iyon ng mga tinda, paranag yung pinuntahan namin ni Jamie nung isang araw kaso mas madami ang nagtitinda dito.
Napanganga ako sa mga tinitinda nila, puro makukulay na bistida, mga makikintab na mga alahas at mga kolorete sa mukha. Ang daming kababaihan ang nagsisipuntahan sa mga ganong klaseng tindahan pero ang pinuntahan namin ni tita ay yung bilihan ng mga hilaw na karne.
"Gusto mo bang tumingin-tingin muna Arielle? May bibilhin pa kase ako para sa kakainin natin mamaya. Bumalik ka nalang dito sa karnihan bago mag-gabi." Tumango nalang ako at nagpunta sa iba't-ibang tindahan.
Imbis na sa mga kasuotan napunta ang attensyon ko sa mga pana, espada at kung ano-ano pang matatalim na bagay doon.
"Ngayon lang ako nakakita ng babaeng napukaw ang attensyon sa mga ganiyang bagay." Nagulat ako sa lalaking biglang sumulpot sa tabi ko kaya bigla din akong umiwas. The way he talk is the same as how Night talks to me.. cold.
"I'm Dark." Aniya habang nakalahad ang palad saken.
"Tss.." Si Night na inagaw ang kamay ko at hinila ako palayo.
"Do you know that guy?" Tanong ko sakanya.
"Yeah.. he's my cousin." Sambit niya na hinihila parin ako.
"Teka nga lang!" Diko napigilang singhalan siya dahil nasasaktan na ako sa pagkakahila niya sakin. Bumitaw siya at tumingin sakin, "Saan ba tayo pupunta?"
"Babalik na tayo sa pub." Sagot niya.
"Eh paano yung pinsan mo?"
"He can go home alone."
"Eh si tita hinihintay pa ako nun sa karnihan."
"Pinauwi ko na siya ako na maghahatid sayo pauwi." Nauna na siyang maglakad, kita mo di man lang ako hinintay. "Bakit ang lungkot mo?" Napansin niya yata ang pagyuko ko.
Tinignan ko siya. "Ha? Hinde ako malungkot." Sagot ko, nakita ko naman na sumabay na siya sakin sa paglalakad at..
"Bakit ka nakahawak sa kamay ko?" I ask when I felt our fingers intertwined.
"Baka mawala ka." That's a lie, hindi ko alam pero feel ko kasinungalingan yon.
"Liar." Tumingin siya sakin. "Hindi yon yung dahilan." And I saw his face blushed. "Don't worry di ko na kailangan malama—"
"To make you feel that you're not alone. Yon ang totoo." I smiled at him. Maybe may pagkakaiba nga sila nung pinsan niya, he's sweeter..
(Tavern)
"Oh nakauwi na pala kayo." Sumilip si tita mula sa kusina.
"Ang gara mo tita bakit mo ko iniwan doon huhuhu." Umakting akong umiiyak.
YOU ARE READING
The Lost Princess of Irreverence [COMPLETED]
FantasyJoin Arielle on her adventure in the Land of Irreverence to search for her sisters and their bracelets. Not just to search for them, they will use it against their father who is holding the souls of their mothers. Thank you so much for making my bo...