Halos dalawang linggo na akong nage-ensayo sa likod ng tavern kasama ang papa ni Jamie, nafefeel ko naman na gumagaling nako sa paggamit ng isang tabak. Champion rin kaya ako ng arnis sa school ko.
Pagkatapos namin magensayo ni tito ay bumalik na kami sa tavern, halos madami naring customers ngayong araw kaya nagiging busy na rin si tito Gabby (dad ni Night).
"Arielle, hija." Tawag sakin ng papa ni Jamie. "May surpresa ako sayo bukas hija." Sabi niya at pumunta ng kwarto nila sa taas.
Bakit pinalapit niya pa ko? Iyon lang naman pala sasabihin, di niya pa sinabe kaninang nage-ensayo pa kami.
Kumain ako ng hapunan bago pumunta sa kwarto ko. Napansin ko ding hindi pa umuuwi si Night saan kaya napadpad yon?
Pagkapasok ko sa kwarto ko ay nagpalit lang ako ng pantulog at nahiga na sa kama, maya-maya lang nakatulog na ako uli.
"Arielle, anak mag-ingat ka sa paglalakbay mo ha? May tiwala ako sayo anak, lahat kami dito may tiwala sayo." Nakangiti si mom ng sabihin niya yon, halos araw-araw napapanaginipan ko siya at sanay na ako don.
"Bukas na ang una mong paglalakbay papunta sa kabilang bayan, Arielle magiingat ka anak."
Pagkatapos ko mapanaginipan si mom ay nagtulo-tuloy na ang pagtulog ko. Minsan nagigising nalang ako ng basa talaga ang unan ko, minsan naman ay natuyo na ang luha ko sa unan.
Pagkagising ko ng umaga ay nakita ko na nakahanda na ang almusal sa hapag pero wala sila doon, pero dahil gutom ako ay kumain muna ako bago sila hanapin.
Pagkatapos kong kumain ay inilibot ko ang buong tavern pero wala silang lahat sa loob kaya lumabas ako.
Nagpunta ako sa labas at nagtanong-tanong kung nakita ba nilang lumabas ang mga tao sa loob ng tavern. Pero puro uling lang ang nakuha kong sagot.
Pumasok ako sa loob ng tavern at hinanap sila uli doon pero wala talaga. Napahawak ako sa noo ng malamang di ko pa pala tinignan ang likod.
Pagkapunta ko doon ay nakita ko silang lahat nakatayo at nakangiti sa akin. "Ang tagal mo naman makapunta dito sa likod." Si Jamie.
"Hinanap ko pa kase kayo eh." Hinihingal na sambit ko.
"Ha? Hindi mo ba nakita yung post-it note sa ref?" Umiling ako. May nakadikit pala sa ref nila kanina. "Ok lang yan atleast nandito kana."
"Tara kain na tayo." Ani mama ni Jamie. Napansin ko ding madaming nakahanda, bakit kaya?
"Para saan po yung mga handa?" Tanong ko sakanya.
"Good bye party to para sa atin." Sabad ni Jamie. Nagtaka ako sakanya, mamatay na ba kami?
"Anong good bye party?"
Sasagot na sana si Jamie ng biglang sumulpot sa harap ko ang dad ni Jamie at may inilahad siyang scabbard saken.
"Ano po ito?" Tanong ko pero ngumiti lang siya.
"That will be your first sword." Turo ni Jamie sa hawak kong scabbard. "Si dad ang gumawa niyan para sayo."
Binuksan ko iyon at isang mahaba at mabigat na espada ang bumungad saken. Ang handle niya ay kulay pula at may naka-ukit na dragon katabi non ay may nakasulat na 'The Wrath'.
Sobrang ganda non kaya halos hindi ko na bitawan pa. Nabalik ako sa ulirat ng mag tawagin ako ni Jamie.
"Arielle." She's snapping her fingers. "Alam kong maganda ang espadang ginawa ni dad pero hindi mo naman kailangan titigan yan hanggang matunaw. Try it."
Nakita ko naman ang tatay ni Jamie at Night sa harap ko na may hawak ding espada.
Nginitian ko sila at sinubukan nila akong tamaan pero sinangga ko yon, di ko namalayan na nasa likod ko na pala ang tatay ni Jamie kaya dali kong sinangga ang tabak niya at tinadyakan siya sa binti kaya natumba siya.
YOU ARE READING
The Lost Princess of Irreverence [COMPLETED]
FantasyJoin Arielle on her adventure in the Land of Irreverence to search for her sisters and their bracelets. Not just to search for them, they will use it against their father who is holding the souls of their mothers. Thank you so much for making my bo...