Sobrang ganda at sobrang laki ng kwarto ni Daniella dito sa loob ng restaurant. We spend time talking about life and stuffs, kahapon nga ay magkatabi kaming matulog.
Pinakita niya rin sa akin ang closet niya at puro magagandang bestida ang laman non. Nang ipakita ko naman ang laman ng bag ko ay nahiya pa ako dahil hindi ganito ang mga kasuotan dito.
"Wah.. ang ganda naman nito Ate Arielle." She said while hugging my off shoulder top. "Sige na sakin nalang." Grabe naman to wala na nga akong damit, tas ikaw punong-puno ang closet mo.
Dahil mabait ako. "Sige na nga." Take note labag yon sa damdamin ko huhuhu.
"Yeeeyyy." Sabi niya at isiniksik ang off-shoulder ko sa closet niya. Paalam munting kaibigan (T_T).
"So tara na baba na tayo nagugutom na ako." Sabi niya na may paghimas pa sa tiyan niya.
This time sa kitchen kami kumain kasama ang lola niya. "Magandang tanghali mga nag-gagandahang hija." Bati ng lola niya. She said that she's her grandmother from her mother side. Nang itanong ko naman kung nasaan ang mama niya ay hindi na siya nagsalita pa, but it's fine mama ko din ay wala na.
"Hi lola! Kain na po tayo." Ngumiti ako sa lola niya at bumati din.
Habang kumakain kami ay nagsimulang magsalita ang lola ni Daniella. "Kamusta ang kabilang mundo hija?" Nakatingin siya sakin habang tinatanong niya yon.
"Ok naman po."
"Bakit ka nga pala naparito hija? May kailangan ka ba?" Nahihiya ako grabe! Pano ko sasabihin na kailangan ko ang apo niyo at ang kaniyang porselas?
"Ah.. opo."
"At ano naman iyon hija?" Nakangiti parin siya habang nakatingin sakin.
"Lola I think you're scaring Ate Arielle."
"No. I'll answer you questions ma'am." Ngumiti din ako sakanya.
"I came in this world because I have an responsibility here."
"Like what?" Nakangiti parin, so weird.
"Like saving someone from a monster? I mean not just someone, everyone perhaps." Tumango-tango siya.
"Well do you need something to save us from that monster?" Tumango ako. "What is it?" Pinagpapawisan na ako sa kaba kong nararamdaman ngayon.
"Para matapos na. I need your daughter and her bracelet also." Ngumiti siya at ibinaba ang kubyertos sa lamesa.
"Nasabi mo din. Pero ang galing mo, you already said the truth." Ngiti uli, ano ba to hindi napapagod ngumiti.
"Sure you can take her and please take care of her Princess Arielle." Nag-bow siya. Bumaling ako kay Daniella na nahinto sa pagsubo ng pagkain.
"Y-You're a Princess?" Aniya habang nakaturo sa akin.
"Noong una hindi talaga ako naniwala." Sabi ko sakanya.
"T-Then w-we're really s-sisters." Di makapaniwalang sambit niya may pagkurap-kurap pa siya.
Tumayo siya at hinila ako palabas ng restaurant. Bumaling naman ako sa lola niya at nakita kong kumakaway siya sa amin.
"Saan tayo pupunta, Daniella?" Tanong ko sakanya ng kinakaladkad niya ako sa kalsada.
Habang tumatakbo kami ang daming bumati sakanya at nag-bobow pero hindi niya iyon pinapansin.
Huminto kami sa isang sementeryo at pumasok sa loob non. Umupo kami sa isang stone slab habang nakaman-man sa mga batong may nakaukit na kung ano-anong mga letra.
YOU ARE READING
The Lost Princess of Irreverence [COMPLETED]
FantasyJoin Arielle on her adventure in the Land of Irreverence to search for her sisters and their bracelets. Not just to search for them, they will use it against their father who is holding the souls of their mothers. Thank you so much for making my bo...