Chapter XXV- Escaped

4 1 0
                                    

"Ginising mga babae!" Inuga kami ni madam kaya nagising kami.

"Bakit po madam?" Kinukusot namin ang mata namin.

"Magluto na kayo ng agahan." Aniya habang nagaayos ng higaan.

"Eh diba yung mga babae squad ang magluluto ngayon ng umagahan?" Tanong ko dito.

"Ano ba kayo, dagdag sahod nga iyon eh. Tsaka kayo ang gustong paglutuin ng hari."

"Kami?!" Sabay-sabay naming tanong.

"Oo nasarapan saw yung hari kahapon sa niluto niyo, alam niyo first time na naunos ng hari yung hapunan niya." Kwento ni madam at hinila kami patayo. "Dali na!"

"Ito na po." Tumayo kami at nagounta ng banyo. Pagkababa namin ay nakita namin doon si Lawrence na kumakain.

"Morning." Bati namin na walang emosyon.

"Morning din." Ngumiti ito sa amin at pinagpatuloy kumain. Tumuloy kami sa kusina at nagsimulang magluto.

Pagkapasok ng hari sa kusina ay inilabas na ni Beth ang mga pagkain.

"Ikaw ba nagluto nito hija?" Ngumiti ang hari sakanya.

"Hindi iyon totoong ngiti." Sabad ni Cassie sa likod ko.

"Opo." Sagot ni Beth na hindi man lang kinabahan. Bumalik na siya sa loob at tinignan na namin ang hari, pumasok na din si Princess Gwyneth.

"Nasaan na ba ang mga babaeng iyon?" Tanong ni madam sa labas na mukhang hinahanap na kami. Para hindi makita ang mukha namin ay nagtakip kami ng tray sa mukha.

"Teka mga hijas." Pigil nung hari kaya kinabahan ako.

"Bakit po?" Tanong namin na nakatakip padin ang mukha.

"Kayo ba nagluto ng mga ito?"

"Opo."

"Ang galing niyo ah." Nakita namin itong tumango.

"Mauuna na po kami hinahanap na po kami ni madam." Sagot ni Cassie at yumuko sakanya sabay labas.

Inilapag na namin ang mga tray at pinuntahan si madam.

"Madam." Tawag namin sakanya kaya lumingon ito sa amin.

"Ano na nangyari?" Iyon lang pala ang itatanong, pwede namang mamaya nalang siya magtanong.

"Nagustuhan niya daw." Sagot ko.

"Nako maganda iyan." Pumapalakpak niyang sambit. "Tara na't maglaba!" Tinatamad kaming sumunod sakanya.

Habang papunta kami ng labahan ay napadaan kami sa isang hardin nandoon ang hari at may isang lalaki, feel ko nakita ko na yung lalaki.

Tinignan ko ito ng maayos at naalala ko na kung saan ko siya nakita, sa veranda ng tavern siya ang dumukot sakin.

"Dito na tayo maglalaba." Sabi ni madam at binaba ang limang basket ng mga bestida ni Princess Gwyneth.

Habang naglalaba kami ay dumaan din sa likod namin ang hari at ang lalaki.

"Baka po mabilis nakatakas yung prinsesa kaya agad nawala sa palasyo." Sabi nito. Sinong prinsesa kaya iyon sa amin? Pero hindi pwedeng ako dahil walang nakakaalam na ako kundi ang mga tao sa tavern.

"Pero diba mahigpit ang mga guwardiya dito?!" Pagalit na tanong ng hari.

"O-Opo, hahanapin ko nalang uli siya."

"Bilisan mo kailangan na makumpleto ang Flaming Beast hanggang maaga pa."

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay umalis na sila. Tinapos namin ang paglalaba at sinampay iyon, papunta na kami pababa ng makasalubong namin si Princess Gwyneth na nakangiti sa amin.

The Lost Princess of Irreverence [COMPLETED]Where stories live. Discover now