Chapter XII- Abandoned Place in Magnolia

7 1 0
                                    

Sobrang daming tindahan at mga eskenita na ang napuntahan namin pero hindi padin namin mahagilap si Princess Eloisa.

Nagpasya kaming tumigil muna sa paghahanap at naghanap ng matutuluyan. Maayos naman ang Magnolia town pwero nalang sa dulong bahagi ng Magnolia.

Sabi nila ay doon daw nakatira ang mga badjao at mga taong walang ng papatunguhan pa. Grabe nga eh..

Nag-istay kami dito sa isang sikat na inn sa Magnolia. Inilibot namin ang paningin namin doon at maayos naman kung titignan.

Pinatulog ko na ang dalawa kong kapatid at ako ay sumulat na uli ng liham.

"Hi po uli tita! Nandito na po ako sa bayan ng Magnolia, maganda rin naman po pala dito at mabilis din makahanap ng trabaho pero na ngalang doon sa sinasabi niyong abandoned place. Hindi ko pa po nahahanap si Princess Eloisa pero I will try my best to find her. ~Arielle."

Pagkatapos ko iyon isulat ay lumabas ako ng inn at inilagay iyon sa mailbox nila.

~

Maaga kami nagising para maipagpatuloy na ang aming paghahanap kay Princess Eloisa, pero dahil laging gutom si Daniella ay huminto muna kami sa isang tindahan ng pagkain.

"Ate magkano po yung biscuits?" Tanong ni Daniella sa babaeng matanda.

"Siyete lang hija." Magbabayad na sana siya ng unahan kong abutan yung matanda.

"Ano ka ba Ate may sarili akong pera no." Pilit niyang ibinibigay ang pera niya pero pilit ko ding tinatanggihan yon.

Nagpahinga muna kami sa mahabang upuan na malapit lang din sa tindahan ng matanda. Tinignan ko uli yung mapa ng Magnolia pero bawat sulok talaga nalibot na namin.

"May hinahanap ba kayo mga hija?" Biglang nagsalita yung matandang babaeng nagtitinda ng tinapay.

"Opo!" Sabay na sagot ni Daniella at Beth. Tumango ako sakanya.

"May kilala po ba kayong Eloisa?" Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko.

Biglang umalis yung matanda sa harap namin at bumalik sa tindahan niya.

"Sabi ko na nga ba wala siyang maitutulong." Bulong ko pero dinig nung dalawa kong kasama.

Ipinagpatuloy ko ang pag-aaral sa mapa ng Magnolia ng makita ko ang anino nung matandang babae sa mapa kaya nagtaas ako ng tingin sakanya.

"Ito ba siya?" Ipinakita niya sa amin ang isang wanted poster. Wait I remember her, she's the Jail breaker doon sa bulletin board sa tavern. Pero bakit naman siya nakulong?

"Isa siyang kriminal hija, napakagaling niya sa pangungupit ng pera isa siyang magnanakaw." Sagot niya.

"That's so scary." Bulong ni Daniella.

"Maaari mo siyang makita sa abandoned place pero mag-ingat kayo sakanya lalo na sa mga kasama niya." Anito at umalis uli pero iniwan sa amin ang wanted poster.

Habang papunta kami sa dulong bahagi ng Magnolia ay napadaan muna kami sa isang crowded place.

Sobrang dami ng tao kaya hindi rin kami makagalaw ng maayos habang nakikisiksik ay nagulat ako ng may humila ng bulsa ko at pagkapa ko ay wala na yung pera ko doon.

Natanaw ko yung babaeng tumatakbo kaya hinabol ko iyon, sa sobrang bilis ko tumakbo ay nahuli ko agad siya.

"Ilabas mo yung pera ko!" Sinigawan ko siya.

"Ha? Ano bang pinagsasasabi mo? Wala akong dalang pera kaya wag mo akong hold up-in." Aniya kaya binitawan ko siya at bumalik sa mga kapatid ko.

"Nanakawan ako." Sabi ko sakanila kaya natakot sila. Binilisan na namin ang paglakad baka kung ano pa ang mangyari sa amin doon.

The Lost Princess of Irreverence [COMPLETED]Where stories live. Discover now