The Lost Princess of Irreverence: The REAL Ending

15 1 1
                                    

Halos nag-iyakan lahat ng tao sa tavern sa narinig nilang balita sa akin.

"Bakit kailangang umalis ka pa Arielle." Humahagulgol na sambit ni Jamie.

"Iyon kasi ang batas niyo dito, Jamie." Ngumiti ako sakanya.

"Kailan ka babalik?" Tanong ni tita na luhaan din.

"Hindi ko po alam, baka.. hindi na." Yumuko ako at naluha.

"Arielle handa na daw si Night." Walang emosyong sabi ni tito Gabby.

Pumunta ako sa likod ng tavern kung saan nandoon si Night na may benda ang katawan at nakahiga sa mga damo.

Humiga ako sa tabi niya.

"Sana maging masaya ka sa desisyon mo, Arielle." Anito na hindi ako tinitignan.

"Sana nga.."

Tumingin siya sa akin. "Handa ka na bang bumalik sa kabilang mundo?" Bumangon siya at tumingin sakin habang nakahiga padin ako.

Nag-thumbs up ako. "Oo."

"Lagi mong tatandaan, na kahit kailan hindi ka nawalan ng taong nagmamahal sayo." Sabi niya.

"Alam ko iyon, alam kong mahal ako ng mga kapatid ko at mga tao dito sa buong bayan."

"Tss.. ang ibig kong sabihin, hindi kita mahal bilang kapatid o kaibigan." Aniya.

"Mahal mo ako bilang ano? Bilang alaga mo?" Kumunot ang noo ko dito.

"Tss.. ang slow mo talaga." Nagpout ako sa sinabi nito. "I like you more than friend." Medyo na gulat ako sa sinabi ni Night, yes I know na may gusto siya sakin halata kaya ghorl.

"You're blushing." Turo ko sa pisngi niya.

"No I'm not." Tinago nito ang mukha niya.

"If you say so.." Ani ko. "I like you too." Tumingin ito sa akin at halatang gulat na gulat sa sinabi ko.

Sobrang titig na titig siya sa akin kaya naiilang ako konti.

"L-Let's get this over with.." Sambit ko kaya agad akong hinawakan ni Night sa batok at.. hinalikan.

Sheyt mah heart..

~

Nagising ako sa isang malambot na kama at parang tumutulo ang luha ko.  "Nasaan ako?"

"Kamusta ka na, Arielle?" Tanong ni mommy sakin.

"Nasaan tayo mom?" Tanong ko na panay luha padin.

"Nasa bahay." Sagot niya na lumuluha na din. "Salamat anak." Ngumiti siya sakin.

"Para saan po?" Tanong ko. Bakit ba ako lumuluha!? Parang tanga..

"Sa pagpili sakin." Ngumiti siya at yumakap ng mahigpit sakin.

(2 years past)

"Happy 18th Birthday, Arielle!" Sigaw ng mga kaibigan ko at si mommy kasama ko din si Belle.

"Thank you everyone." Ngumiti ako sakanilang lahat.

~

"Mom, thank you for making my birthday happy. Ikaw na po bahala sa mga handa ah." Sabi ko sakanya.

"Oo ako na bahala dito, magpahinga ka na." Anito, umakyat ako ng kwarto ko at imbis na matulog ay umiiyak lang ako.

Halos araw-araw akong umiiyak dahil sa mga panaginip ko na hindi ko malamang bakit ganon ang mga lumalabas. Hindi ko malaman kung anong nangyayari sakin, pero gustong-gusto ko malaman ang mga iyon.

Patuloy ang pagtulo ng luha ko, hanggang sa makatulog ako. Ganon kahirap ang dinadanas ko sa buhay ang pag-iyak araw-araw, ang matulog ng malungkot, ang lumuha bawat gabing dumadaan.

Ang sakit sa pakiramdam.

~~~~~~~~~The End ~~~~~~~~~

Hi guys, so this is the ending of the book one of The Lost Princess of Irreverence, sana po nagustuhan sorry po talaga kung hindi ako ganoon kagaling mag sulat ng isang story. I'll do my best next time.

Also abang po kayo sa book two. Maybe next year ko pa ma publish HAHAHA TAMAD KO TLAGA.

The Lost Princess of Irreverence [COMPLETED]Where stories live. Discover now