Chapter VI- The Lost Princess

20 4 0
                                    

"Arielle! Tapos ka na ba kumain?" Pagulat na tanong ni Jamie.

"O-Oo salamat." Sagot ko. "So ano po ba itong kailangan kong malaman?" Nakangiting tanong ko sakanila.

"Ah..uhm..ano kase, upo muna tayo." Pinaupo niya ako sa harap ng lamesa at tumabi siya saken. Hinawakan niya ang kamay ko at tumingin sakin ng may pag-aalinlangan.

"Arielle, hija ganto kase yan.." Si tita. "Hindi ka kase makakalabas dito sa mundong to hanggat hindi mo nagagawa ang responsibilidad mo dito." Nagtaka ako sa sinabe niya.

"Ano po ibig niyong sabihin?"

"May malaki ka kaseng responsibilidad dito kumbaga isa ka sa nakatataas dito." Lalong nagdikit ang kilay ko sa sinabe niya. "Nakita mo ba yung birthmark mo sa likod?"

"Ano pong gagawin niyo sa birthmark ko?"

"Tanda na anak ka ni Natos." Sino yun? Ayun ba yung kinuwento ni Jamie nung nakaraan? Yung may-ari ng lugar na to?

Umiling ako. "Lord Natos? Sino po siya?"

"Siya ang hari ng Irreverence, ang unang hari na hindi biniyayaan ng kabaitan." Kwento ni tita. "Buti na lang at hindi ka nagmana sakanya."

"Bakit naman po ako magmamana sakanya eh hindi naman kame magka-dugo?"

"Arielle, isa ka sa mga anak ni Natos ibig sabihin ay isa kang prinsesa sa lugar na to."

"HAHA! nagbibiro po ba kayo? Kailan pa ako naging prinsesa?" Natatawang sambit ko. "Sige nga po patunayan niyo.."

"Iyang birthmark mo ang simbolo na isa ka sa pitong prinsesa ni Natos." Turo niya sa likod ko. Kaya pala minsan feel ko hindi ko talaga tatay si Manuel.

(A/N: Ganto po hitsura ng birthmark) 👇👇👇

"Kung ganon po, nasaan yung ibang prinsesa?"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Kung ganon po, nasaan yung ibang prinsesa?"

"Iyon ang dapat mong gawin, ang hanapin ang anim mong kapatid at ang mga porselas nila."

"Saan ko po makikita yung prinsesa ng galit?" Iyon ang unang pumasok sa isip ko, baka alam nila pwede ko silang hatian ng perang matatanggap ko.

"Hindi ko alam, kahit sino ay hindi

alam malay mo ay ikaw pala yon isusuko mo ba ang sarili mo sa palasyo?"

"A-Ano po?"

"Alam kong kinuha mong yung poster sa may tabi ng counter kaya alam ko ang balak mong gawin." Ngumiti siya iniwan kami ni Jamie doon sa hapag.

The Lost Princess of Irreverence [COMPLETED]Where stories live. Discover now