"Night.." Pabulong kong sinabi.
Ibinaba niya ang makapal na kahoy na hawak niya at nagsimulang humakbang papalapit sakin.
Akala ko ay sisinghalan niya ako sa katangahang ginawa ko, pero imbis na sigawan niya ako ay tumingin siya ng mariin sa mata ko at niyakap niya ako ng mahigpit.
Wala akong ginawa kundi ang tumayo lang doon, hindi ko siya niyakap pabalik o kahit anong galaw hindi ko ginawa.
Pagkahiwalay niya ng yakap sakin ay tumingin uli siya sa mga mata ko, wala akong ginawang kahit anong emosyon, kung galit siya edi galit siya.
That's the reason why I don't want to make a move or talk to him, because it will only make our situation more complicated.
"Still don't want to talk huh?" Nagpamewang ito at nagkagat ng babang labi. "Ok if that's what you want." Nagtaas ito ng kamay kaya napakunot ang noo ko. "I surrender. I don't want to fight with you anymore." Nag-iwas to ng tingin. "Parang ang daya para sakin kasi.. hindi ko kaya." Hindi parin ako sumagot sa halip ay nag-iwas ng tingin.
"Tch." Napakamot ito sa ulo niya. "Ang hirap, kasi sa tuwing iisipin kita sa kabilang mundo, parang gusto kong pumunta agad dito para tignan kung maayos pa ba ang lagay mo." Anito.
"Hindi ko kaya makipag-away sayo kase alam ko sa simula pa lang talo na ako." Dagdag niya. "Hindi ko kayang awayin ka kase ikaw yung nagpapasaya sakin."
"At sa unang pagkakataon akong sumaya sa piling ng iba, ganon ka kaimportante sakin na mas pipiliin kong.. sana ako nalang yung mapahamak kesa na ikaw ang mapahamak." I started crying. Is that a confession?
"Kasalanan ko bang nasasaktan ka ngayon dahil sakin?" Sagot ko habang lumuluha. "Kasalanan ko ba na dapat ibuwis mo yung buhay mo dahil sakin?" Dagdag ko.
"H-Ha?" Maluha niya ring sambit.
"Gaya ng sabi mo nung nasa Irreverence pa kami, sabi mo na problema namin to kaya dapat kami ang lumutas, ngayon problema mo yan kaya ikaw ang lumutas." Sarkastikong sambit habang Dinuro-duro ko ang dibdib niya.
"Ako nagpapasaya sayo? Pero kung makapagsalita ka nung nakaraan parang ang laki ng galit na kinikimkim mo sakin." Tuloy-tuloy ang pag-iyak ko. "Tapos sasabihin mo madaya pa ko? Aba'y sumosobra ka naman yata." Sabi ko. "Umalis ka na lang." Bulong ko at parang narinig niya iyon agad kaya naramdaman kong wala na siya doon.
Isang salita at limang letra lang ang gusto kong marinig. Ang sorry niya..
~
Pagkabalik ko sa mga kapatid ko ay ngumiti sila sa akin, batid kong nakahanap na sila ng matutulugan.
Pagkagising namin ay naghanda na kami uli para maaga naming makita si Madame Star.
Nagtanong-tanong pa kami sa madaming pero wala padin, hanggang may nakausap kaming isang babae.
"Oo may alam akong malapit na carnival, pero bilisan ninyo dahil malapit na matapos ang festival." Binigay niya ang address kung saan ang carnival kaya agad kaming sumakay uli ng jeep at nagpunta doon.
Tanghali kami nakapunta sa carnival kaya wala masyadong tao. Pagkapasok namin ay agad kaming naghagilap ng maliit na kwarto.
Halos ilang oras na kaming naghahagilap pero wala parin, nabaling naman ang attensyon ko sa isang lalaki na naka-stripes na coat at mahabang sombrelo na kasing kulay ng coat niya.
"A boogie man?" Basa ko sa sign ng booth niya.
"Hi ladies!" Bati niya sa amin. "Wanna know something about yourself? Well step right in." Pinaupo niya kami sa tapat niyang lamesa at pinabunot kami ng tatlong baraha.
YOU ARE READING
The Lost Princess of Irreverence [COMPLETED]
FantasyJoin Arielle on her adventure in the Land of Irreverence to search for her sisters and their bracelets. Not just to search for them, they will use it against their father who is holding the souls of their mothers. Thank you so much for making my bo...