Paggising ko ay agad ko rin ginising silang lahat para makapaghanda na sa operasyon namin.
"Bakit ang aga?" Kinukusot ni Faye ang mata niya at humihikab pa.
"Syempre kailangan natin siyang handaan ng agaha." Sagot ko.
Bumangon si Cassie at ngumiti sa amin. "Bilisan na natin." Aniya at naunang pumasok ng banyo, sumunod kami sakanya.
Pagkababa namin ay wala pang mga katulong na nandoon, perp si madam ay nakaupo na sa harap ng hapag.
"Oh, bakit kayo nandito?" Tanong niyang naghubad pa ng salamin.
"Kami na po ang magluluto ng agahan, madam." Sagot ni Faye.
"Mabuti iyon dahil maaga din naman kayo nagising, oh siya bilisan niyo dahil mamaya lang bababa na si Princess Gwyneth." Sambit nito at binalik ang tingin sa diyaryo.
Masaya kaming anim habang nagluluto ng almusal. Ang pancakes na ginawa namin ay naka-smiley kaya kami din ay napapangiti.
Pagkatapos namin magluto ay saktong bumaba na din si Princess Gwyneth.
"Anong almusal madam Agnes?" Ani ng prinsesa na mapungay ang mata, halatang nagmukmok kagabi.
"Iyon na po niluluto na ng mga babae." Sabi ni madam at tumingin samin ng may Ilabas-niyo-na-yung-pagkain look. Tumango kami at lumabas na ng kusina.
Inilapag namin ang mga pagkain sa lamesa at ngumiti kay Princess Gwyneth.
"Good morning, Princess." Sabay-sabay naming sinabi. Tumingin lang siya saamin ng masama at sinimulang kumain. Natawa lang kami sa reaksyon niya at lumabas na ng kusina.
Nag high five kami at naghintay kay Princess Gwyneth na matapos kumain para kami naman ang kakain.
Nakita naming lumabas nabdin ng kusina si madam kaya nagkachance kami na silipin ang prinsesa.
Nakita naming walang gana itong kumain kaya nagpakita ako sakanya at ngumit. "Hindi niyo po ba nagustuhan prinsesa?" Ngiting sambit ko.
"Tss.. bakit smiley to?" Walang emosyong smabit nito.
"Syempre you have to start your day with a smile, Princess." Sabi ko. Umirap lang siya at kumain uli.
"Ate nagugutom nako." Sambit ni Daniella na hinihimas ang tiyan. Lalo akong napangiti sa balak ko.
"Princess Gwyneth." Tawag ko sakanya kaya agad itong lumingon. "Can we join you?" Tanong ko pero hindi siya sumagot.
"Silence means yes." Sabi ko at pinapasok silang lima sa kusina. Wala paring kibo ang prinsesa, umupo kaming lahat sa harap niya kinuhaan silang lahat ng plato at pancakes.
"Those are mine." Biglang nagsalita ito ng may laman ang bibig.
"Ay! Sorry princess." Ngumiti uli ako sakanya kaya nag-iwas ito ng tingin. Sinuli ko ang mga pancakes na nasa plato nila at nagpunta ng kusina para magluto ng saamin.
Pagbalik ko ay nakita ko ang mga kapatid kong nagtatawanan pero si Princess Gwyneth ay tahimik lang, inilagay ko ang heart shaped pancakes sa plato ng mga kapatid ko at nagsimulang kumain.
Habang kumakain ay nakita kong nakatingin ang prinsesa sa pancakes namin kaya tumingin ako sakanya.
"Gusto mo ba nito, princess?" Alok ko sakanya, pero sa halip ay nag-iwas to ng tingin at pinagpatuloy kumain.
Sumulpot si madam sa kusina at nanlaki ang mata.
"Bakit kayo nnandiyan, hindi pa tapos ang prinsesa kumain ah." Naiinis na sambit nito.
YOU ARE READING
The Lost Princess of Irreverence [COMPLETED]
FantasyJoin Arielle on her adventure in the Land of Irreverence to search for her sisters and their bracelets. Not just to search for them, they will use it against their father who is holding the souls of their mothers. Thank you so much for making my bo...