Tanghali nang umalis kami sa bar ni Faye. Pinabantayan niya muna ang bar sa mga tauhan niya at sumama samin.
Nag bangka lang kami patawid sa kabilang bayan dahil mas matatagalan pag nagkalesa kami dahil iikot pa yon ng sirang simbahan bago makapunta ng Carnation.
"Ano ba ang tagal naman ng bangkang to." Mataray na sabi ni Faye, nakakaingit ang ganda parin kahit galit.
"Ito na po." Narinig yata ni kuya, kaya binilisan niya pa ang pagsasagwan. Si Faye naman ay inirapan lang yung lalaki.
~
Pagkababa namin ng bangka ay maglalabas na sana kami ng pera ng pinigilan kami ni kuya.
"Wag na libre ko na yan." Ngumiti si kuya sa amin, pero napunta talaga yung tinggin niya kay Faye tas kumindat pa.
"Edi salamat." Sabi ko at hinila si Faye palayo sa lalaking yon. Makatingin amp*ta kalamo kagwapuhan may pakindat-kindat pa.
"Sino hahanapin natin dito Ate?" Tanong ni Eloisa.
"Si Princess Cassie." Sagot ko at nagsimulang maglakad sa malapit na Inn.
Kumuha kami ng tig-iisang kwarto at nagpahinga muna. Parang ang bilis naman ng paglalakbay ko, nagpahinga muna ako at mamaya kami aalis para hanapin si Princess Cassie.
~
"Ano ba yan Ate, hindi natin makita dito si Princess Cassie." Hinihingal na sambit ni Daniella. Umakyat kami ng isang napakahabang hagdan para i-check kung nandoon si Princess Cassie, pero nabigo kami.
"Pasan ka nalang sakin." Sabi ko sakanya at tumalikod sakanya. Pinasan ko siya habang pababa ng hagdan.
"Sabi ko sainyo magdala kayo ng pagkain niyo eh." Sabad ni Eloisa.
"Gara mo kase eh, alak dinala mo." Si Beth.
"I'm so tired guys." Nanghihina narin si Faye.
"Gusto mo buhatin din kita?" Tanong ko at tumango siya.
Habang pababa kami, si Daniella ay nasa likod ko habang buhat ko sa harap si Faye, si Eloisa ay full of energy. Habang si Beth ay kumakanta habang bumababa ng hagdan.
Pagkababa namin ng napakaahabang hagdan ay agad silang umupo sa sahig ako ay nakatayo parin doon at tumatanaw kung saan pwede makita si Princess Cassie.
"Tumayo na kayo diyan." Utos ko pero hindi sila tumayo.
"Bakit?" Tanong ni Eloisa na nakaupo padinsa sahig.
"Bahala kayo diyan kakain ako sa restaurant na yon oh." Turo ko sa malapit na kainan. Ngumiti ako ng makitang nasa likod ko agad sila.
Umupo kami sa malapit sa pinto at nag-order. Habang kumakain ay may napansin kaming babaeng pumasok ng restaurant, she's wearing black gloves and black hat tas naka-white dress siya, may suot siyang necklace na may pendant na.. serpent.
Nag-iwas ako ng tingin ng tumingin siya sakin. Pagtingin ko uli sakanya ay nakangisi na siya at nakatingin na sa menu.
"Stop staring." Aniya. Nag-iwas uli ako ng tingin at kumain na lang.
Tatayo na sana kami at aalis ng tawagin ako nung babaeng nakatabi namin kanina. "Can we have a drink?" Tanong nito pero nakatingin sa menu, dahan-dahan itong tumingin samin. "Sit." Minuwestra niya ang nasa harap niyang upuan.
Ngumiti siya sa amin. "Halatang hindi kayo taga-dito, taga-saan kayo?"
"A-Ahm.." Di sila makasagot dahil sa ngiti nito na hindi mo malalaman kung peke ba o totoo.
YOU ARE READING
The Lost Princess of Irreverence [COMPLETED]
FantasyJoin Arielle on her adventure in the Land of Irreverence to search for her sisters and their bracelets. Not just to search for them, they will use it against their father who is holding the souls of their mothers. Thank you so much for making my bo...