Pagkatapos namin bilhin lahat ng kailangan namin ay nagpaalam ako sakanila.
"Mauuna na ako ah." Paalam ko, hays mamimiss ko sila.
"Saan ka pupunta, Ate? Dito ang pauwi ah." Tanong ni Daniella na nakaturo sa daan papuntang tavern.
Ngumiti ako ng may lungkot. "May trabaho kasi ako sa palasyo kaya dito ang punta ko." Turo ko sa daan papuntang palasyo.
"Ha? Eh bakit hindi namin alam na may trabaho ka doon, Ate?" Si Beth.
"Mahabang storya, mauuna na ako." Maglalakad na sana ako ng hilain nilang lahat yung kamay ko.
"Hindi pwede, Ate. Kung aalis ka sasama kami." Lumuluha si Eloisa.
"Hinde din pwede kase delikado doon." Sagot ko.
"Edi sabay-sabay natin harapin iyon." Sagot niya. Tumingin ako sakanila ng maiigi.
"Hindi—"
"Ate! Wag mo naman kaming iwan dito." Si Cassie na umiiyak.
"Pinagkatiwalaan ka ni lola para bantayan ako tas iiwan mo lang ako." Sabad ni Daniella.
"Oo nga nagtiwala din si tito sayo." Si Beth.
"Bahala na nga sumama na kayo, kunin niyo na mga gamit niyo." Talong-talo na ko. "Basta magpaalam kayo kay tita at wag kayo magpapakita kay Jamie mas lalo na kay Night." Tumango sila at nagtakbuhan papuntang tavern.
~
Bumalik sila ng hingal na hingal. "Tara na." Sabi ko at naglakad pabalik ng palasyo.
Pagkabalik namin ay nagulat si madam dahil ang daming kong inuwing babae. "Ano yan Arielle? Bakit ang daming babae dito?"
"Gusto daw nila magtrabaho dito." Sabi ko kaya nagsitinginan silang lahat. Dumating din ang babae from 1 to 4.
"Ay mas mabuti yon, tara na mga hijas." Naglakad si madam papuntang kwarto ng mga maid.
"Arielle!" Tawag ni babae 2 sakin. Lumingon ako dito. "Sino yang mga kasama mo?" Hindi pwedeng malaman nila na kapatid ko sila kaya..
"Mga kaibigan ko." Ngumiti ako at nakita ko ding tumingin lahat ng mga kapatid ko sakin.
"Ah.." Naglakad ako ng mabilis para makasabay sa lakad nilang lahat.
"E-explain ko lahat." Sabi kong pabulong sakanila.
Pagkapunta namin sa loob ng ward ng maids ay agad binigyan ni madam ng tigiisang uniform ang mga kapatid ko.
"Iwan ko muna kayo para makapaghanda kayo." Sabi nito at lumabas.
Dahil kami nalang ang natira dito at ang ibang mga katulong ay naghahanda ng kakainin ng prisesa Gwyneth ay agad kong inexplain sakanila.
"Diba gusto niyong sumama? Iyan magtrabaho kayo." Sabi ko.
"Fair enough." Sambit ni Faye.
"Unfair." Si Beth.
Inirapan ko siya. "The reason na pinakilala ko kayo bilang kaibigan ay dahil may balak pa akong gawin." Ani ko. Nagpatuloy silang makinig sakin. "Binabantayan ko si Princess Gwyneth sa mga galaw niya."
"Sino yun, Ate?" Tanong ni Daniella.
"She's the eldest among us." Sagot ni Cassie.
"Yep. She obeys Lord Natos and she's a spoiled brat." Sabi ko.
"So nakilala mo na pala siya." Tumango ako.
"Hindi pa namin siya nakikilala, kaya kanina pa sumasakit yung birthmark namin." Sagot ni Cassie na nakahawak sa likod niya.
"Papakilala ko kayo mamaya, for now magbihis na kayo." Sabi ko at tinulungan silang ayusin ang kanilang gamit.
After nilang magbihis ay sinamahan ko sila kay madam.
"Wow! Ang gaganda naman ng mga kababaihang to." Madam complimented. "Tara na't maghugas ng pinggan." Ngumiti siyang pamplastik.
Lumingon ako sa mga kapatid ko at nakita kong excited si Faye habang mukhang tinatamad naman si Beth.
"Nagugutom ako, hindi pa ako nakakakain ng mahigit isang oras." Nanlaki ang mata ni madam dito.
"Mahilig ka siguro kumain, hija?" Tanong ni madam kay Daniella.
Tumango si Daniella. "Mahilig po ako sa steak, pork ribs, and ground beef." Lalong nanlaki ang mata ni madam.
"Kung ganoon hindi ka pa ba nakakatikim ng ganon?"
"Ano bang klaseng tanong yan madam, syempre nakatikim na ako non kaya nga paborito ko iyon eh. Araw-araw ako kumakain non sa amin." Natatawang sambit niya.
"Eh bakit di ka tumataba?"
"Lahi po namin yon ni mommy." Ngumiti siya dito, hinila ko na si Daniella papalapi sakin baka kung ano pa masabi niya.
"Wag ka masyadong makwento Daniella." Ani ko at pinagpatuloy maglakad hanggang kusina.
Pagkapunta namin ng kusina ay nakita namin si Princess Gwyneth na nagbabasa sa dining table.
"Princess, bago nating katulong." Tumingin siya sa mga kapatid ko at ngumiti.
"New slaves?" Tanong ni Princess Gwyneth kay madam. Tumango nalang si madam.
Tumayo siya at lumapit samin. Tumingin siya sa amin isa isa.
"Siya ba yung Princess Gwyneth?" Bulong sakin ni Faye.
"Oo." sagot ko.
"Wag kayo mag-alala girls." Sambit ni Cassie. "Mas maganda tayo." Natawa ako doon kaya tumingin sakin ang prinsesa.
"May nakakatawa ba?" Naiiritang tanong sakin ni Princess Gwyneth.
"Masyado ka kasing seryoso prinsesa, try mong ngumiti ng totoo." Sambit ni Cassie.
"Pano mo nasabing hindi totoo yung mga ngiti ko?" Tanong niya dito.
"Bakit? sa tingin mo totoo yung ngiti mo?" Cassie smiled at her genuinely. "This is how you smile."
Inirapan ni Princess Gwyneth si Cassie at kinuha ang libro niya't lumabas ng kusina.
"Told y'all, she's a spoiled brat." Sambit ko.
"I'm kinda feel a little excited na pagsisilbihan natin siya." Nakangiti si Eloisa.
"Yeah, ang taas ng pride niya." Si Cassie.
"Pababain kaya natin?" Natatawang sambit ni Beth.
"Hamunin natin kung tatagal siya sa mga gantong bagay." Si Faye.
"Ayain natin kumain, ang mabilis mabusog talo." Si Daniella.
"That will be fun actually." Pagsang-ayon ko. "Let's do that." Nakangiting sambit ko at nagpunta sa kwarto ni Princess Gwyneth.
——
~ GLOOMAMELA 🌺
YOU ARE READING
The Lost Princess of Irreverence [COMPLETED]
FantasyJoin Arielle on her adventure in the Land of Irreverence to search for her sisters and their bracelets. Not just to search for them, they will use it against their father who is holding the souls of their mothers. Thank you so much for making my bo...