Chapter X- An Inn in Gardenia

8 2 0
                                    

I felt a warm hands on my forehead when I woke up, pagtingin ko ay si Daniella pala ang naka-hawak sa noo ko.

"Gising kana pala ate." Nag-aalalang sambit niya.

"Anong nangyari?" Tanong ko sakanya dahil ang naalala ko lang ay galit ako noon tas biglang nanghina tas wala na.

"Sa sobrang galit mo, na drain mo lahat ng enerhiya mo sa katawan." Aniya. "But I know what's the best way get it all back."

"Talaga? Paano?"

"Just do things what you like. Like how I get my energy back by dancing." Ano nga ba ang mga paborito kong gawin?

"Marunong ka bang gumamit ng espada?" Tanong ko sakanya.

Umiling siya. "Nope, but you can use the fake body. It is in the storage room in the backstage." Ngumiti siya sakin at tumayo. "Bumaba ka nalang pag nagutom ka ate."

~

Pagkababa ko ay kumain ako ng hapunan, pagtapos ay nagpunta ako ng backstage gaya ng sabi ni Daniella.

I spent hours using my sword on a fake body and it seems that my energy is coming back again. Habang nagpa-practice ako ay naiisipan kong mag-empake na dahil may lima pa akong bibisitahin na prinsesa.

Pagkababa ko ay dala-dala ko na ang napakalaki kong bag. "Oh ate saan ka pupunta?"

"Pasensya pero kailangan ko pang puntahan yung natitirang limang prinsesa."

"Ganon ba edi mag-empake kana Daniella." Ani ng lola niya.

"Ha? Ano po?" Naguguluhang tanong ni Daniella.

"Mag-empake kana bingi!" Singhal ng lola niya.

"Bakit po? Pinapalayas niyo na po ba ako?" Umacting siya umiiyak.

"Tanga, sasama ka sa ate mo, samahan mo siya kay ate Beth mo." Grabe naman to maka-tanga, Attitude sis?

"Ay sige po masaya yan." Anito at umakyat sa taas. Maya lang ay bumaba siyang may dala naring bag.

"Mag-ingat ka hija." Niyakap siya ng lola niya at ako rin ay niyakap niya. "Mag-ingat kayo."

Iniwan ko muna sila para makapag-usap sila.

"Tara na ate." Ngumiti ako sakanya at humawak sa kamay niya.

"Saan nakatira si Princess Beth?" Tanong ko sakanya.

"Sa kabilang bayan pa iyon, pero isang sakay lang ng tren yon." Anito. "She lived in Gardenia town."

Pagkasakay namin ng tren ay puro chismosa na naman ang nakasalubong namin.

"Sino ba iyang babaeng yan at kasama pa si Princess Daniella." Sabi nung babae sa kaliwa.

"Baka naman hinypnotize niya si Princess Daniella." Katabi niya.

Di ko na sila pinansin at nagsimula ng tumakbo ang tren kaya sumandal lang ako sa sandalan at nakatanaw sa bintana, tinignan ko naman si Daniella na nakatulog na.

1 hour passed at nandito na kami sa destination namin.

Ginising ko na si Daniella at sinabi sakanya na nandito na kami sa Gardenia town. "Tara na Daniella." Nagkusot pa siya ng mata bago dumilat.

Pagkababa namin ay bumungad sa amin ang sign doon na may nakalagay na 'Welcome to Gardenia town.'

"Saan nakatira si Princess Beth?" Tanong ko sakanya.

"Doon." Tinuro niya ang isang building na katamtaman lang ang laki.

Pagkapunta namin doon ay isang inn ang nakita namin.

The Lost Princess of Irreverence [COMPLETED]Where stories live. Discover now