Pinatulog ako ni madam sa isang medyo may kalakihang kwarto kasama ang mga babaeng magkakaparehas ng suot. Nalaman ko din hindi lang sila tatlo o apat kundi mga nasa mahigit bente na kababaihan.
"May bago na kayong kasama. Siya si Arielle." Pinakilala ako ni madam sakanila.
"Hi po." Nginitian ko silang lahat. Ngumiti din sila sa akin yung ibang babae ay may katandaan na din.
Iniwan na ako ni madam sa loob.
"Dito ka nalang humiga Arielle oh, sa tabi namin." Tinapik ni babae 2 ang katabi niyang higaan. Tumango ako dito at doon umupo, dahil wala akong dalang gamit ay wala rin akong aayusin.
Natulog na ako ng nakadress padin.
Kinabukasan ay nagising akong napapagitnaan ng babae 2 at 3 si babae 1 ay katabi ni babae 2 sa kaliwa at si babae 4 ay nasa kanan ni babae 3.l
Gumising na ako maaga para makapaghanda na wala pa namang alas siyete, alas sais palang. Sinuot ko na ang damit na kaparehas sa mga babaeng katabi ko huhuhu babae 5 nako.
Bumaba na ako para makap-almusal sa kusina, sana naman pinapakain din nila dito yung katulong nila noh? Pagkababa ko ay nakita ko doon si Lawrence na kumakain ng tinapay.
Ngumiti ako sakanya. "Magandang umaga." Bati ko.
"Maganda nga ang umaga." Bulong niya pero rinig na rinig ko.
Umupo ako sa harap niya. "Gusto mo?" Inalok niya sakin yung tinapay na hawak niya.
"Salamat." Kinuha ko yung tinapay, wala na akong makitang ibang pagkain dito eh.
"Bagay sayo yung uniform ng maids." Aniya.
"So gusto mo maging katulong nalang ako dito habang buhay?"
"Kung pwede edi sige, basta makasama ka lang." Kumunot ang noo ko dito.
"Pinagsasabi mo diyan?"
"Wala, kumain ka lang." Inabot niya sakin yung tinapay na hawak niya.
~
Pagkatapos kong mag-almusal ay nagpaalam na ako kay Lawrence dahil magpupunas pa ako ng napakadaming libro.
Pagkapunta ko sa silid aklatan ay nakita ko na doon si madam na nakaupo sa isang bangkuan at nagbabasa ng libro.
"Simulan mo na." Anito. Agad kong kinuha ang basahan sa gilid at pinunasan ang libro sa pang unang bookshelf.
Nakakasampung matataas na bookshelves na ako at sampu nalang ang kailangan para matapos na. Hindi ako napapagod nakakabored lang, wala kasi akong kinakausap ang tahimik naman ni madam at abala sa binabasang libro.
I sighed.
"Kung napapagod ka umupo ka muna dito." Sa wakas ay nagsalita narin siya.
"Nakakabagot madam." Umupo ako sa tapat niyang bangko at nagpangalumbaba sa lamesa.
Tinabig niya ang kamay kong nakahawak sa baba kaya muntik ng tumama ang mukha ko sa lamesa.
"Wag kang magpapangalumbaba sa harap ko, nakakasira ng araw." Mataray na sambit nito. "Mauuna na ako may gagawin pa ako, tapusin mo iyan." Anito at lumabas ng tuluyan.
Bumuga ako ng malakas na hangin at pinagpatuloy ang pag-agiw ng mga libro.
~
Pagkatapos kong linisin ang mga libro ay lumabas na ako ng library. Pagkadaan ko sa isang malaking bintana ay saka ko lang nalaman na gabi na pala. Hindi ko naman iyon napansin dahil puro kurtina sa loob.
YOU ARE READING
The Lost Princess of Irreverence [COMPLETED]
FantasyJoin Arielle on her adventure in the Land of Irreverence to search for her sisters and their bracelets. Not just to search for them, they will use it against their father who is holding the souls of their mothers. Thank you so much for making my bo...