Chapter 1 : Royal Blue University

1.7K 78 2
                                    

Maaga akong gumising para maghanda. Medyo excited ako dahil papasok na ako sa RBU. Oo medyo lang, kasi balita ko ay marami daw ang maaarte doon at mga bully. Pero oks lang, ako pa. Subukan lang nila akong i-bully makikita talaga nila.

Bumaba na ako para kumain. Pagkatapos kung kumain ay pumasok na ako sa school. Pagdating ko ay nakita ko na ang van na pagsasakyan namin. Nagtungo na ako sa Dean's office dahil sabi ni Ma'am ay pumunta daw ako doon.

"Oh hija, nandito ka na pala. Pirmahan mo muna ito para makaalis na tayo," nakangiti nitong sabi saka binigay sa 'kin ang papel. Pumirma na ako at pagkatapos ay umalis na kami. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami sa Royal Blue University. Medyo malapit rin lang naman kasi ito sa University namin.

Ang ganda talaga dito sa RBU. Dito sana ako papasok kaso nga ayaw nila Mom kasi daw maraming bully dito, baka daw mabully ako. Minsan nga, naiisip ko na walang tiwala sa akin sina Mommy at Daddy. Alam naman kasi nila kaya kong ipagtanggol ang sarili ko. Pero okay lang naman iyon dahil I know nag-aalala lang sila sa akin. We can never stop our parents to worry about us even how brave we are.

Malawak ang buong school. Siguro ay mga four to five hectares ang pinagtatayuan ng University na ito. May anim na building na may apat na floor. Tanaw ko rin ang gymnasium na nasa kabilang side ng field. Maganda talaga.

Nagderitso kami nina Ma'am sa office ng Dean ng RBU. Katabi ng Dean's office ang library at sunod doon ay iyong faculty room. May teacher na nasa labas ng Dean's office. Ngumiti ito ng makita kami ni Ma'am na papalapit.

"Good morning Ma'am. Hinihintay na po kayo ni Ma'am Sandoval sa loob," nakangiting sabi nito ng makalapit kami. Pinagbuksan niya kami ng pinto. Agad namang napatingin sa amin ang isang babaeng may katandaan. Tumayo ito at sinalubong kami.

"Good morning Mrs. Santos," bati ni Ma'am Sandoval at nakipagkamay kay Ma'am.

"Good morning Mrs. Sandoval," nakangiting bati nito. Pinaupo kami ni Mrs. Sandoval sa isang sofa. Nakaupo siya sa single sofa na katapat ni Ma'am Santos.

"Mrs. Sandoval, this is Samantha Claire Ascaro. Siya ang napili namin na maging exchange student," nakangiting pagpapakilala ni Ma'am sa akin. Ngumiti ako ng ipakilala ako ni Ma'am.

"Nice to meet you hija," nakangiti njyang bati at nakipag-shake hand. Tinanggap ko naman ang kamay niya.

"It's a pleasure to meet you Ma'am," balik ko naman. Ngitian  ako nito at tumingin kay Ma'am Santos. Nanahimik lang ako sa gilid dahil hindi naman nila ako kinakausap.

"Thank you for accepting this kind of activity. And I hope we can continue the friendship of the two school," sabi ni Ma'am Sandoval. Actually, maganda naman talaga ang relationship ng school pero dahil sa mga toxic na estudyante, nagkaroon ng hindi magandang ugnayan ang dalawang school. Inggitan kasi ang nangyayari sa mga estudyante. Ayaw malamang ng isa't isa. Pero sila lang naman iyon, hindi ako sumali sa mga kaartehan nila.

"You're welcome Mrs. Sandoval. Aalis na po kami,"  pagpapaalam ni Ma'am Santos. Nagshake hand naman sila at umalis na. Naiwan ako sa Dean's office kasama ang Dean. Ngumiti lang ako ng magtagpo ang mga mata namin.

"Thank you so much hija for doing this. Alam mo naman ang sitwasyon ng dalawang University. Maraming students in both University ang nag-aaway. And I hope that this activity will help the students of both University to stop the unreasonable argument," sabi nito. Totoo lahat ng sinabi ni Ma'am Sandoval. I hope maging way nga ito para magka-ayos na ang mga estudyante. Sila lang naman kasi ang nagpapagulo. May isang papel na iniabot sa akin si Ma'am Sandoval. "Nandiyan na ang section at ang building mo," sabi ni Ma'am Sandoval. Kinuha ko ang iniaabot niya at bahagya itong sinulyapan.

The Bully meet the Amazona (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang