Chapter 13: Jealous

1K 46 0
                                    

SETH POV

Hi mga readers!!! Kamusta na kayo?
Ako? Eto okay naman. Gwapo parin. Oh, walang aangal.

BTW, nandito ako sa may gate dahil hinihintay ko yung dalawa. Ang tagal nga ehh. Sabi kasi ni Josh, may gagawin daw kami tapos ang tagal nila. Grabehhhh!!!

"Hi fafa Seth." Napalingon ako ng may biglang nagsalita at humawak sa braso ko. FC din ahh.

"Hi," bati ko din. Grabe naman ang make up nito, nagmuka ng clown eh. At ang damit, kinulang sa tela.

Teka! Bakit ko ba napapansin na ngayon ang mga suot nila ehh dati wala naman akong pake kung anong suot nila ah at tsaka naiinis ako dito landi ehh. Bakit ganun? Nagbabago na nga siguro ako.

"Ahmm, fafa Seth, can you join me in cafeteria. I didnt eat my breakfast eh," pabebeng sabi nito at dinikit pa talaga ang dibdib n'ya sa braso ko. Landiiii!!!!

"Ahmm sure!!" Pumayag na ako dahil 'di pa rin ako kumakain ng breakfast. Bahala na ang dalawa, ang tagal nila ehh.

Napalingon naman ako sa paligid dahil parang may nakatingin sa'kin at 'di nga ako nagkamali dahil nakita ko si Scarlet na masamang nakatitig sa'kin. Alam ko namang may gusto 'yan sa'kin. Halata naman ehh.

"Let's go na fafa Seth," sabi nitong babae at tumayo na. Tumayo na rin ako at hinapit s'ya sa bewang. Tiningnan ko naman ang reaksyon ni Scarlet. Hahaha. Ang sama ng tingin n'ya sa'min. Sabi na ba nga eh, may gusto 'yan sa'kin. Nakita ko naman s'yang naglakad paalis. I'm sure, nagselos 'yun.






SCARLET POV

Morning guyss!!!! Nandito na ako nakasakay sa trycycle papuntang university. Masaya ako dahil wala na akong proproblemahin sa susuutin ko sa ball dahil 'yun kay tita, kaya I'm so thankful to her.

"Kuya, d'yan na lang po sa tabi," sabi ko sa driver kaya tinabi n'ya ang sasakyan. Nagbayad na ako at bumaba na.

Naglakad na ako papasok sa university. Naglinga linga ako baka nandito na si Sam pero iba ang nakita ko. Si Seth habang kausap ang babaeng kinulang sa tela. Nakakapit pa ito sa braso n'ya. Nakakainis at mukang gustong gusto n'ya pa 'yun. Ano bang mgagawa ko ehh 'di naman kami, 'diba? Alam n'yo 'yung feeling na 'yun?? Nagseselos ka kahit wala namang kayo. 'Yung nasasaktan ka pero wala ka namang karapatan. Tsk! Sino ba naman ako para mgustuhan n'ya? Isa lang naman akong schoolar dito at s'ya? S'ya ay isang mayaman, malayong malayo sa akin.

Nakita ko pa s'yang tumingin sa gawi ko bago hapitin sa bewang ng babae papalapit sa kanya. Lumingon muna s'ya bago sila umalis. Siguro nga dapat ko ng pigilan ang damdamin ko para sa kanya. Hindi naman talaga kami bagay ehh, mayaman s'ya mahirap lang ako. Simula ngayon, kaibigan na lang ang turing ko sa kanya. Kahit mahirap, kakayanin ko dahil wala rin namang mangyayari kung ipagpapatuloy ko pa 'toh.

Umalis na ako, sa room ko na lang hihintayin si Sam. Pagdating ko ay iisa pa lang ang tao dun, si Jerico. Tahimik s'ya pero may hitsura naman. Ewan ko nga, dapat s'ya nalang nagustuhan ko kesa sa ugok na 'yun.

Ilang minuto na ang lumipas pero kami pa rin lang ang nandito. Nabobored na ako, kausapin ko kaya s'ya. Pero wala naman akong alam na topic.

"A-ahmm, hi." Napatingin ako sa kanya ng magsalita siya. Hayss salamat nagsalita din siya.

"Hi!" sabi ko rin.

"Bakit 'di mo kasama si Samantha?" tanong nito.

"Ahh, wala pa sya ehh. Ikaw, kanina ka pa ba dito?" tanong ko rin sa kanya.

"Actually, kanina pa akong six dito," sagot din nya. Grabe, ang aga naman n'ya.

"Grabe ka, ang aga mo," natatawa kong sabi.

The Bully meet the Amazona (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang