Maaga akong gumising kinabukasan kasi pupunta dito si Scarlet. Sinabi ko kasi kahapon na pinapapunta siya ni yaya dito sa. Nagpunta na ako sa cr para gawin ang daily routine ko. Nagbihis ako ng black short at white t-shirt, maluwang s'ya sa 'kin. Ganyan lahat ng t-shirt ko, ayaw ko nung fit na fit.
Bumaba na ako para tulungan si yaya na magluto ng meryenda para kay Scarlet. Naabutan ko si yaya naghahanda ng mga ingedients ng, ewan ko kung anong lulutuin ni yaya.
"Morning yaya. Ano po lulutuin mo?" tanong ko at humalik sa pisngi n'ya.
"Morning din. Magluluto ako ng spaghetti at maruya pati adobo para pang ulam n'yo," sagot naman niya. Ahh, kaya pala may saging. Okay. I know na. Ngumiti ako habang tinitingnan ang ibang ingredients.
"Tulungan na kita Ya. Ano bang pwede kong gawin?" tanong ko habang inaayos n'ya ang ibang gagamitin.
"Gayatin mo na lang ang mga sibuyas. Mag-ingat ka lang at tsaka medyo ilayo mo ang muka mo," paalala ni yaya. Nakangiti akong tumango sa kaniya.
"Okay po," sagot ko at kinuha ang sibuyas at sinimulang gayatin.
Hindi pa ako nakakarami ng nagagayat ng maramdaman ko ang hapdi sa aking mata. Oh my gosh! Ang sakit ng mata ko. Ang hapdi. Lumukuha na ako habang sumisinghot.
"Oh bakit umiiyak ka na diyan?" natatawang tanong ni yaya.
"Paano kasi yaya, pinaiyak ako nitong sibuyas. Hahaha," lumuluhang sagot ko sa kanya. Tinawanan ako ni yaya kaya natawa rin ako.
"Haha. Sabi ko kasi sa 'yo, ilayo mo. 'Yan tuloy ang nangyari," natatawang sabi ni yaya.
"Paano kasing sibuyas na ito, sinaktan n'ya ako. Break na tayong sibuyas ka. Hahaha, kahit 'di naman tayo," natatawa kong sabi. Nababaliw na yata ako at pati sibuyas ay kinakausap ko na.
"Ikaw talagang bata ka. S'ya, bilisan mo na diyan at ang saging naman ang balatan mo," natatawang sabi ni yaya. Maigi pa iyong saying na lang ang binalatan ko.
"Tinatawanan pa ako ni yaya eh," nakangusong sabi ko pumunta dun sa mga saging at sinimulang gayatin.
"Buti pa 'tong saging yaya, 'di ako sinasaktan," sabi ko at natawa naman ito.
Pagkatapos naming magluto ay kinuha ko ang cp ko sa room ko at tinext na kung nasaan na si Scarlet baka kung saan saan na 'yon napunta. Hahaha.
SAM:
Scar nasan ka na???SCAR:
Nandito sa labas ng vilage n'yo,
kakatapos ko lang mag fill up ng kung
anu-ano. Grabe kasi ang higpit ng
guard n'yo.SAM:
Ngayon lang naman 'yan. Sa sunod
pipirma ka na lang. Geh intayin na
lang kita sa labas ng bahay namin.Malapit lang ang bahay namin sa gate ng village kaya alam kong masali lang siyang nakakapunta dito.
"Yaya!! Sa labas muna po ako. Iintayin ko po ang friend ko!!" sigaw ko at tumakbo na palabas. Kita ko na mula dito ang bulto ni Scar na papalapit kaya kinawayan ko s'ya at kunaway rin naman s'ya papabalik.
"Sammmmmmm!!!" sigaw niya at tumakbo na at niyakap ako pagkalapit. Ang higpit. Wagas kung makahanap.
"'Di mo naman sinabi na napakahigpit pala dito at napakaganda pa ng mga bahay," hingal n'yang sabi kaya natawa naman ako. Pumasok na kami at sinaraduhan ang gate.
"Sam, ang ganda naman ng bahay n'yo, ay hindi pala 'to bahay kasi mansion na 'to," manghang sabi n'ya habang minamasdan ang kabuuan ng bahay namin. Kitang-kita ang pagkamangha sa mga mata niya.
KAMU SEDANG MEMBACA
The Bully meet the Amazona (COMPLETED)
Novela JuvenilSamantha, isang exchange student sa RBU. Maganda, matalino ngunit may pagka-amazona. S'ya ay kinatatakutan sa kanyang school dahil sa pagiging Amazona. Malaki ang ginampanan ng pagiging exchange student n'ya sa takbo ng buhay n'ya. Dito s'ya nagkaro...