SCAR POV
Nag-aayos na kaming tatlo dito para sa party. Kinakabahan ako dahil ngayon pa lang ako aattend sa ganito kagarang birthday party. Kita n'yo naman, sa beach ang party. Oh 'diba, pangmayaman.
"Sam, kinakabahan talaga ako," sabi ko kay Sam.
"Ano ka ba? 'Wag kang kabahan. Magbibigay ka lang ng wish tapos ibibigay mo lang 'yang gift mo"
"Eh pano kung 'di n'ya magustuhan itong regalo ko?" tanong ko at tiningnan ang isang paper bag na may lamang isang pares ng hikaw.
"Ano ka ba naman Scar? Kakasabi ko lang sa'yo kanina na hindi ganong tao si lola. Kahit anong ibigay maaappreciate n'ya 'yun," dagdag n'ya pa.
Eh kinakabahan parin ako. S'yempre, hindi ko pa namemeet ang lola n'ya, ngayon palang.
Nakasuot na ako ng white dress. Tapos si Sam at Crys ay nakawhite dress din. Off shoulder kay Sam. Kay Crys naman ay sleeveless tapos ang sa akin ay may konting sleeve s'ya. Nakakatuwa nga eh parehas na naman kaming nakawhite.
"Halika ka nga dito Scar. Aayusan kita para naman hindi ka manliit sa sarili mo. Tsaka 'di lang naman ikaw ang kinakabahan," nakangiti n'yang sabi Crys.
"Thank you," sincere kong sabi. Ang bait n'ya talaga.
"Stop that, wala pa akong ginagawa. Sit here," sabi n'ya sa akin at pinaupo ako sa harap ng salamin.
Sinimulan na n'yang ayusan ang buhok. Nakabraid ito paikot na parang crown. Sunod naman ay nilagyan ng powder ang muka tapos lipstick. 'Yung light lang.
"Oh ayan, ang ganda mo lalo. Bagay sayo ang simple lang," nakangiti n'yang sabi. Tama naman s'ya . Maganda nga.
"Thank you talaga," sabi ko sa kanya at niyakap s'ya.
"Stop the drama. Baka magulo iyang ayos ko sa'yo," natatawa n'yang sabi. Niyakap n'ya din muna ako bago bumitaw.
"Sammy, come here. I know magpapaayos ka rin," tawag sa n'ya kay Sam.
"Buti alam mo. Hahaha," sagot ni Sam.
Inayusan na n'ya si Sam. Simpleng pony tail lang ang ginawa n'ya kay Sam at light make up lang din tulad ng sa akin.
Pagkatapos ayusan si Sam ay si Crys naman ang nag-ayos. Messy bun ang ayos n'ya. At sobrang ganda n'ya.
"Tara, malapit ng magsimula ang party," aya sa amin ni Sam.
Paglabas namin ay saktong paglabas din nang dalawang lalaki. At kagaya kagaya kanina ay mga nakaputi din sila.
"Hindi na coincidence ito. Sinasadya na," sabi ko.
"Edward nasa langit na ba tayo? Bakit nakakakita ako ng mga anghel," parang tangang sabi ni Seth. Lakas talaga ng saltik.
"Oo nga. Baka nasa langit na nga tayo," sakay naman ni Edward sa trip ni Seth.
"Crazy!" natatawang sabi ni Crys.
"Ano namang trip n'yo at nakaputi na naman kayo?" tanong ko sa kanila.
"Ahmmm. Ako, ito lang 'yung meron ako eh," sagot ni Edward.
"Ako din, eto lang ang meron ako, " sagot naman ni Seth. Naka white polo sila tapos black jeans and white shoes. Terno nga sila. Shemay ang gwapo nya. Erase, erase.
"Ano namang trip mo naman at may sunglasses ka pa, eh gabi naman?" tanong ko ng mapansin ko ang sunglasses na nakasabit sa bulsa ng polo ni Seth.
"Wala lang. Pang porma lang," mayabang nyang sagot. He's crazy.
"Crazy!" nasabi ko na lang at inirapan s'ya. Baliw talaga kahit kailan.
KAMU SEDANG MEMBACA
The Bully meet the Amazona (COMPLETED)
Teen FictionSamantha, isang exchange student sa RBU. Maganda, matalino ngunit may pagka-amazona. S'ya ay kinatatakutan sa kanyang school dahil sa pagiging Amazona. Malaki ang ginampanan ng pagiging exchange student n'ya sa takbo ng buhay n'ya. Dito s'ya nagkaro...