SAM POV
"Bye Mom. Bye Dad. Bye yaya," paalam ko sa kanila at deritso sa kotse ko. Malelate na kasi ako sa usapan namin.
"Mag iingat ka anak. I-congratulate mo na rin sila para sa amin," sabi ni daddy. Nagwave lang sila at nagbusina lang ako. Hayss!
Hello new life.
Ilang minutes din akong nagdrive para makarating sa isang restaurant kung saan kami magkikita. Magkasabay lang kami ni Seth na dumating.
"Hello Sam. Ganda mo lalo ah," pambobola n'ya. Tsk! Napakabolero talaga.
"Congratulations nga pala. Nakagraduate rin sa wakas," masaya kong sabi sa kanya.
"Oo nga eh. Sa wakas," nakangiti nyang sabi pero ramdam ko ang lungkot sa boses n'ya.
"Is there a problem?" I ask him. Umiling lang s'ya at pumasok sa loob.
"Samm!!!" Sabay na sabi ni Scar at Crys ng makita ako. Ang dalawa talagang ito. Niyakap nila ako.
"Masyadong namiss n'yo ako," nakangiting sabi ko sa kanila.
"Miss na miss," sagot ni Scar. Naupo na kami sa table at nagsimula na silang magtingin sa menu.
"Congratulations nga pala guys, graduate na tayo," bati ko sa kanilang lahat at binigay ang mga gifts ko sa kanila.
"Thank you Sam. May gifts ka pa talaga eh," sabi ni Scar na binuksan na ang gift ko sa kanya.
"Wow!" manghang sabi n'ya habang nilalabas ang isang sling bag na hello kitty. Favorite n'ya eh.
"Thank you Sam. Alam na alam mo talaga ang favorite ko?" pagpapasalamat n'ya.
Teka!
Bakit wala pa si Josh? Bakit ang tagal naman n'ya.
"Guyss. Bakit nga pala wala pa si Josh. Ngayon lang ata siya nalate," sabi ko sa kanila habang tinitingnan ang mga nasa menu.
"Ahmmm, 'yun na nga ang sasabihin namin sa'yo Sam eh," sabi ni Scar. Bakit may problema ba? Mat nangyari ba sa kanya?
"Bakit? Anong meron kay Josh?" kunot-noong tanong ko sa kanila. Nagkatinginan naman sila na parang nagtutudyuhanan kung sino ang magsasabi. Ano ba talagang problema? "Guyss! Ano ba talaga ang sasabihin nyo?" tanong kong muli sa kanila.
"Ganito kasi Sam. Si Josh, ayyyyyy." Ano ba naman ang lalaking ito? 'Di na lang sasabihin kung anong sasabihin. Kinakabahan ako sa kanya eh.
"Ano ba talaga? Isa pang tanong kukutusan ko kayo," kunwaring inis na sabi ko. Pero nakakainis na talaga.
"Ano kasi? Ahmmm si Josh, umalis," nakangiwing sabi ni Scar.
Umalis?
Si Josh, umalis?
Bakit?
"Teka! Bakit s'ya umalis?" natatarantang tanong ko. Hindi ko alam. Kasi kagabi pinag-isipan kong mabuti 'yung about sa kasal and my decision is I will marry him for my family, for lola. Pero anong itong nangyayaring ito? S'ya na ba ang gumawa ng paraan para 'di matuloy ang kasal namin?
"Ahmm, ang sabi ng tita n'ya ay dahil sa lolo n'ya. Kailangan daw ipagamot abroad," sagot naman ni Seth.
Si Sir Amado?
Bakit magpapagamot?
Okay naman s'ya ah. Malakas naman ang katawan n'ya noong huli naming kita. Actually, nagkita kami the day before our graduation. Tapos ngayon malalaman kong umalis sila dahul ipapagamot s'ya. Alam kaya ito ni Lola.
KAMU SEDANG MEMBACA
The Bully meet the Amazona (COMPLETED)
Novela JuvenilSamantha, isang exchange student sa RBU. Maganda, matalino ngunit may pagka-amazona. S'ya ay kinatatakutan sa kanyang school dahil sa pagiging Amazona. Malaki ang ginampanan ng pagiging exchange student n'ya sa takbo ng buhay n'ya. Dito s'ya nagkaro...