Chapter 11: Crown

1K 41 0
                                    

SAM POV

Hi guysss morning! Friday na ngayon. Ang bilis ng araw 'no? Nandito ako sa tambayan ng tatlong ugok na 'to kasama si Scar. Aalis kasi kami mamaya at pupuntang mall para bumili ng crown para sa King and Queen sa masquerade ball. Noong mga nakaraang araw ay busy kami lagi para dun sa acquaintance na 'yun.

Oo, tinulungan namin sila. Namilit eh. Nagplano na kami para dun and ang magiging theme nang ball ay masquerade.

Ganto kasi ang manyayari sa ball, 'di kami ang pipili ng magiging partner namin. All boys are inside the gym and nakastraight line sa dalawang gilid ng red carpet. And kaming girls ay nasa labas and hindi din namin alam ang pagkakasunod sunod nila. Then papasok kami, ang nasa unang line na girl is tatapat dun sa nasa unang boy sa right then sa left and so on. Swerte mo if makatapat mo ang gusto mong partner. Your partner will be your first dance but you can dance who ever you want after you dance with your partner. At alam n'yo kung sino nagsuggest n'yan? Eh 'di ang sanggano na 'yun. Daming arte. Pero okay narin 'yun para may bago akong makilala, 'di ba? And ang ibang gagawin is hintayin n'yo na lang sa ball. Katamad mag-explain. Hehehe.

"Guys, tara na," sabi ni Seth. Naging friends ko na sila pero minsan aso't pusa parin kami ni Axel. Ewan ko ba, ang dami naming bagay na 'di napapagkasunduan, tulad na lang nung Wednesday.



FLASHBACK

Nandito kami sa gym para tingnan kung ano ba ang dapat naming gawin dito para sa ball.

"Guys, alam n'yo dapat maglagay tayo ng isang mahabang table d'yan sa may stage for the teachers and for dean," suggest ni Scarlet.

"Yeah! Para kita nila lahat,"sang-ayon naman ni Edward.

"Dito sa pinakagitna ang red carpet para maganda," sabi uli ni Scar. Tumango naman kami dahil maganda naman ang suggestion n'ya.

"Tapos ang mga table is dun sa mga gilid lang para malawak ang dance floor," sabi ko at sumang-ayon sila.

"Ehh ang buffet, saan natin ilalagay?" tanong ni Edward.

"I think dun na lang s'ya sa isang side na 'yun," sabi ko at tinuro ang isang side malapit sa may pinto. Tumango tango naman sila.

"No! Dapat dun sa isang gilid na 'yun," sabi ni Axel sabay turo dun sa side malapit sa stage.

"Nope! Mas maganda s'ya dun para 'di masikip dun sa may stage kasi dun dadaan ang mga teachers," sabi ko at kumunot naman ang noo niya.

"Dapat dun 'yun, then dyan sa tabi na iyan ang ibang mga tables," sabi n'ya.

"Mas maganda nga dun," inis na sabi ko sabay turo dun sa side na 'yun. Mas maganda kasi sa side na ito.

"No, doon dapat," inis n'yang sabi.

"Dun!"

"Sinabi na ngang doon, 'di ba?" Ang tigas naman ng ulo ng lalaking ito.

"Sinabi na ngang dun 'di ba? Mas maganda dun." Nagagalit na talaga ako.

"Dun nga. Ako ang masusunod," matigas n'yang sabi. Nakakainis na talaga.

"Sinabing dun nga, 'di ba?! Bakit ba ayaw mong maniwala!" pasigaw kong sabi. Nakakainis na eh.

"Eh sa dun ang gusto ko eh!" galit n'yang sabi. S'ya pa talaga ang nagagalit. Ang galing.

"Sinabi ko na 'di bang mas----"

"Bwisit ka!"

"Mas bwisit ka!"

"TOMBOY!"

"BAKLA!"

The Bully meet the Amazona (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang