SONYA POV
Maaga akong nagising at napakagaan ng aking pakiramdam. Paggising ko pa lamang at naisip ko na ang mga nangyari kagabi----
"Mahal na mahal rin kita aking Sonya"
Buong buo na ang araw ko. 'Di na nawala sa aking mga labi ang ngiti habang nagsisimula ng maghanda ng umagahan.
"Ikaw ang tangi kong iniibig
Ikaw ang aking mahal magpakailan man
Dito sa aking puso
Wala nang papalit sa isang katulad mo
Kahit na magpakailan pa man,
Ikaw ang iibigin ko.
Ikaw lamang ang s'yang lahat para sa'kin.
Ikaw lamang ang s'yang mamahalin.
Ikaw lang ang s'yang tanging nagbibigay sigla
Ang buhay ko ngayo'y may halaga."Masayang kanta ko habang nag-iintindi.
"Oh Ate, mukang napakaganda ng gising mo," sabi ni bunso.
"Napakaganda talaga," nakangiti kong sagot.
"Halata nga," pabulong na sabi nito.
"hmmmmmhmmmm"
"Magandang umaga sa inyo," masayang bati ko sa kanila pagkalabas nila mula sa kanilang silid.
"Oh anak, mukang napakaganda ng gising mo ha," nakangiting sabi ni inay.
"Oo nga anak. Ayos na ayos ka ngayon kahit sa bukid lang naman ang punta natin," sabat naman ni itay.
"Tama po kayo inay, itay. Kanina nga po ay ngiting ngiti si Ate habang nag-aayos ng ating almusal," sabat naman ni bunso.
"Ano ba kayo? Masama bang maging masaya?" nakangiti pa ring tanong ko sa kanila.
"Hindi naman Ate, ngunit para bang may hindi ka sinasabi samin tungkol sa iyo. May iniibig ka na ba ate?" tanong ni Leandro.
"Hah?"
"Nabingingi ka ba ate? Ang tanong ko, kung may iniibig ka na ba?" tanong n'ya ulit.
"A-ano bang pinagsasabi n'yo diyan. Wala kaya." 'Di makatingin sa kanila na sabi ko.
"Uyy! si Ate," panunukso sa akin ng mga kapatid ko.
"Tigilan n'yo na ang Ate n'yo. Kumain na tayo at maaga pa tayong aalis," saway ni inay sa kanila.
Lumipas ang maghapon at heto ako naghahanda para sa pagkikita namin ni Amado.
Suot ko ang paborito kong saya na bulaklakin. Ipinusod ko naman ng maayos ang aking buhok.
"Oh anak, saan ang punta mo at nakaayos ka ng ganyan?" tanong ni inay sa akin pagkalabas ko sa aking silid.
"Wala naman po inay. Dito lamang naman po ako sa bahay," sagot ko sa kanya. Mahirap magsinungaling ngunit para kay Amado gagawin ko.
"Alam ko na inay kung bakit nag-aayos na si ate ngayon," sabi ni Leandro.
"Bakit naman?" tanong ni inay sa kanya.
"Kasi ang Ate, umiibig na," panunukso nito sa akin.
"Ano ka ba? Inay, hindi po totoo iyan," sabi ko sa kanila.
"Sus! Ang ate Sonya," sabi pa nito.
"Ewan ko sa'yo. Inay pupunta po muna ako sa ilog," paalam ko kay inay.
"Oh sige. Umuwi ka ng maaga," sabi ni inay kaya umalis na ako. Habang papunta roon ay tumitingin ako sa paligid baka may makakita sa akin.
Maayos naman akong nakarating sa ilog at naroon na si Amado sa may puno. Nakaharap s'ya sa bundok kaya 'di n'ya makikitang nakarating na ako.
"Magandang araw," bati ko pagkalapit ko sa kanya. Napalingon naman ito sa akin at agad na napangiti. Tumayo ito bago sumagot.
"Magandang araw din, aking Sinta," nakangiting sabi n'ya. Inalalayan naman n'ya akong umupo sa damo.
"Kamusta naman ang araw mo aking Binibini?" tanong niya sa akin.
"Maayos naman, pagod lang sa pagtatrabaho sa bukid Ikaw kamusta ang araw mo?" balik na tanong ko sa kanya.
"Ayos naman lalo na ngayon na nakita na kita at nakasama," nakangiting sagot nito. 'Di ko naman mapigilan ang humanga sa kanya.
"Kanina ka pa ba naghihintay dito?" tanong ko na lang.
"Hindi naman, kararating ko lang ng ikaw ay dumating. Nagdala ako ng pagkain para sa atin," sabi niya at inilabas ang isang basket na puno ng pagkain.
Tinulungan ko s'yang ayusin ang mga pagkain namin. Marami ang mga ito. May mga prutas at ilang mga ķakanin.
"Hindi ba nakahalata ang iyong ina kung saan mo dadalhin ang mga pagkaing ito?" tanong ko sa kanya. Madami kasi.
"Wala si ina, nasa bayan sila kasama ang mga kasambahay. Mamimili sila kaya nakapagdala ako ng mga ito," sagot niya at binigyan ako ng kakanin. "Kain ka"
"Salamat. Saan ka naman kumuha nitong mga kakanin?" tanong ko ulit sa kanya habang kumakain kami.
"Nabili ko ang mga iyan sa isang ale na naglalako kanina," sagot niya. 'Di na ako muling nagtanong. Nagpatuloy kami sa pagkain at habang kumakain ay nagkukuwentuhan kami tungkol sa mga karanasan niya sa Espanya.
Mabilis lumipas ang oras at gabi na nang nagpaalam kami sa isa't isa.
"Kailangan na nating umuwi. Baka pareho na tayong hinahanap ng mga magulang natin," sabi ko sa kanya.
"Sige, mag-iingat ka sa iyong pag-uwi," sabi nito at tinulungan ko siyang ayusin ang mga pinagkainan namin.
"Mag-iingat ka rin"
"Mahal kita"
"Mahal din kita aking Sinta," nakangiting sabi nito at pareho na naming nilisan ang lugar na iyon.
Napakasaya ko dahil narasanan ko ang umibig at mahalin ng taong mahal ko. Ngunit naroon parin ang pangamba sa mga isiping maaaring may humadlang. Maaaring may ayaw. Ngunit ganun man ang naiisip ko nangingibabaw parin ang puso kong kaysaya sapagkat handa akong ipaglaban ng taong mahal ko
Vote and comment.
KAMU SEDANG MEMBACA
The Bully meet the Amazona (COMPLETED)
Teen FictionSamantha, isang exchange student sa RBU. Maganda, matalino ngunit may pagka-amazona. S'ya ay kinatatakutan sa kanyang school dahil sa pagiging Amazona. Malaki ang ginampanan ng pagiging exchange student n'ya sa takbo ng buhay n'ya. Dito s'ya nagkaro...