Tunog ng alarm clock ang gumising sa akin kinaumagahan. Haysss. Kahit inaantok pa ay bumangon na ako para hindi ako malate.
"Morning Ya," bati ko sa kanya habang humihikab pa. Humalik ako sa pisngi nito.
"Oh hija, mukhang maganda ang gising mo ah. Kamusta naman dun sa bago mong school?" nakangiti n'yang tanong at hinainan ako ng breakfast. Oo nga pala, hindi ko pa nasasabi kay yaya.
"Ayos naman Ya. At may good news ako," excited kong sabi. Excited na akong sabihin kay yaya.
"Ano naman 'yun?" taka n'yang tanong. Minsan lang kasi ako magsabi ng good news sa kanya eh. Ang lagi ko kasing sinasabi kapag tinatanong n'ya ng ganun ay wala pa ring nakikipagkaibigan sa akin.
"MAY FRIEND NA ULI AKO YAYA!!!" masaya kong sigaw ko at niyakap s'ya. Sobrang tuwa ko kasi may kaibigan na ako. Hindi na ako loner tulad ng dati.
"Talaga?" gulat na tanong niya. Hindi makapaniwala sa sinabi ko. Sino ba naman kasing maniniwala agad eh Ilan talk na akong walang kaibigan.
"Opo yaya, 'di ko nga ini-expect na may makikipagkaibigan sa 'kin. Akala ko nga na lalayuan n'ya ako dahil baka matakot s'ya sa akin pero hindi. Kaya sobrang saya ko po yaya," masaya kong paliwanag sa kanya. Niyakap ko si yaya kaya natatawa s'ya sa inaasta ko.
"Masaya ako para sa'yo. Sigurado ako matutuwa ang mga magulang mo. Papuntahin mo s'ya dito sa Sabado para makilala ko naman ang bago mong kaibigan," sabi sa 'kin ni yaya. I'm so happy. Niyakap ko ulit siya at naupo a para kumain.
"Opo yaya, sasabihin ko po sa kanya. Sigurado pong matutuwa 'yun," nakangiti kong sabi at nagpatuloy na sa pagkain.
"Oh s'ya, bilisan mo na diyan at baka mahuli na ikaw sa klase mo," pagpapaalaala ni yaya.
"Ayy oo nga pala. Sige po Ya." Dali-dali kong kinuha ang mga gamit ko at sumakay na sa car ko. May 15 minutes pa ako para makarating sa school. Pagkarating ko ay pinark ko agad ang car at dali-daling naglakad papunta sa room ko. Maunti na rin ang nasa labas dahil malapit na ang time. Tumatakbo na ako para hindi ako malate.
Dali-dali na ako dahil medyo malayo pa ako sa room. S'yempre, ayaw ko namang malate kasi hindi na ako nakapasok kahapon sa first subject namin.
Pero sa kasama ko yata ang malas ngayon. Nadapa ako dahil natalakid ako sa paang nakaharang sa daan. Ay bwisit naman oh. Bakit ba may nakaharang na paa sa daan? Kung kanino mang paa iyon ay sana maputol na para hindi na nakahara sa daan
Aray ko po! Ang sakit ng tuhod ko. Iyon kasi ang unang tumama sa akin. Tapos ang palad ko ah may gasgas na rin. Ang sakit, may dugo pa nga. Bwisit kasi.
'Hahhaha 'yan kasi tatanga tanga'
'Maganda nga, baduy naman'
Nagtatawanan ang mga estudyante na nakakita sa pagkadapa ko. Bakit ang dami pa ring estudyante dito eh time na? Tumayo ako habang pinapagpagan ang damit ko. Nadumihan tuloy ang damit ko. Nakaputi pa naman ako ngayon. Bwisit kasi ang kung kanino mang paa iyon. Parang gusto kong manakap ngayon.
"Miss, 'di ka ba tumitingin sa dinadaanan mo, ha? Tingnan mo nga ang ginawa mo sa sapatos ko, dinumihan mo," sabi nitong lalaking ito habang nakatungo at pinupunasan ang sapatos n'ya. Napasinghal ako dahil sa sinabi ng lalaking ito. Wow! As in wow talaga. Eh gago pala itong lalaking ito eh. Ako na nga iyong tinalakid, ako pa iyong may kasalanan kung bakit nadumihan ang sapatos n'ya. May sugat na nga't lahat ako, nagreklamo ba ako? Huminga ako ng malalim at seryosong tumingin sa kanya. Hmm. Okay. May hitsura din pala ang lalaking ito. Pero wala akong pake kung ganito naman kagaspang ang ugali.
"Ahh, nadumihan ba? Patingin nga," sabi ko sa kanya at tiningnan ang sapatos n'ya. Maganda ang sapatos n'ya, mukang mamahalin. Mayaman ito.
"Hmmm," sinusuri ko ang sapatos n'ya. Tumango-tango ako habang nakatingin sa sapatos niya. Napangisi ako saka inapakan ang sapatos n'ya. Iyan ang bagay diyan. Napangisi ako dahil sa ginawa ko. Ako pa ang aartehan n'ya. Magdusa ka ngayon.
KAMU SEDANG MEMBACA
The Bully meet the Amazona (COMPLETED)
Fiksi RemajaSamantha, isang exchange student sa RBU. Maganda, matalino ngunit may pagka-amazona. S'ya ay kinatatakutan sa kanyang school dahil sa pagiging Amazona. Malaki ang ginampanan ng pagiging exchange student n'ya sa takbo ng buhay n'ya. Dito s'ya nagkaro...