Alam n'yo, nabwibwisit talaga ako sa Josh na 'yon. Bagay lang sa kanya iyong nangyari kahapon. Tsk!
Parang tinatamad nga akong pumasok, baka makita ko na naman ang hinayupak na 'yon. Talagang naiinis ako dun. Nakakakulo ng dugo. Kailangan ko kaya hindi makikita ang lalaking iyon. Sana talaga hindi kami nagkita ngayong araw. Pero, magkaklase kami. Tsk! Bakit kasi having kaklase ko pa iyon.
Pagkarating ko sa school agad kong pinark ang car ko at pupunta muna ako sa garden, maaga pa naman at tsaka baka nandon sa room ang sangganong 'yon. Ako talaga ay nabubusit sa lalaking y-----
Bwisit naman oh. Ke-aga-aga ay nadapa agad ako. Bwisit talaga. Malas kasi ng lalaking iyon. Dahil sa kaniya magiging lampa ako kapag naiisip ko siya. Naisip ko lang s'ya ay nagkandamalas malas na ako.
"'Di ka ba tumitingin sa dinadaan mo, hah?" mataray na tanong ng babaeng nakabunggo ko. Kaaga-aga yata ay mabwibwisit na naman ako.
'Hala lagot s'ya kay Queen'
'Sure akong 'di patatahimikin ni Queen 'yan at lalo na kapag nalaman niya ang ginawa n'ya kay King'
So ito pala ang queen nila. Tiningnan ko ang babae. Natatawa na lang ako sa muka ng Queen DAW nila. Eh bakit mukang clown? Tinaasan naman n'ya ako ng kilay. Mataray na pala ang clown ngayon. Akala ko ay masayahin ang clown.
"Ahmmm, sorry miss, 'di ko sinasadya," sabi ko sa kanya ng mahinahon dahil wala akong panahon para pumatol sa mga clown. Baka maging si Joker ito. Natatawa na lang talaga ako sa mga naiisip ko.
"Sorry? Bakit, kaya bang tanggalin ng sorry mo ang dumi sa blouse ko, hah?" mataray n'yang sabi. Bwisit naman itong clown na ito. Ayaw ko talaga ng away pero parang away na ang lumalapit sa 'kin ehh. Tsk!
"Alam ko miss na 'di matatagtag ng sorry ang mantsa sa damit mo dahil hindi naman ako tanga. Nagsosorry ako dahil alam ko na may mali ako," mahinahon kong sabi dahil ayaw kong magalit. 'Wag na s'yang dumagdag sa inis ko. Pagbubuhulin ko sila ng lalaking iyon.
"'Yun naman pala. Eh bakit 'di ka kasi tumabi sa dinadaan ko? Eh di hindi mo sana nadumihan 'tong blouse ko na galing pang Japan," galit n'yang sabi. Pake kong saan galing iyan, damit pa rin naman walang pinagbago. Tsk! Tsk! Bakit ganuto ang mga utak ng mga estudyante dito? Porque't mga rich kid.
"Nagsorry na nga ako Miss, 'di ba? Eh kung hindi ka rin baliw, eh 'di sana tumabi ka kanina nung mababangga kita eh kita mo namang 'di ako nakatingin sa dinadaan ko. At isa pa, wala akong pake kung saan pang lupalop ng mundo galing ang damit na 'yan dahil kahit balibaliktarin mo ang mundo, damit pa rin 'yan," nagtitimpi kong sabi. Ang yabang, kaya ko ring bumili niyan. Isupalpal ko sa kanya ang damit na iyan eh.
"Nakakainis ka ng babae ka ah. 'Di mo ba ako kilala, hah?" galit n'yang tanong sa 'kin. Eto na naman po tayo sa 'hindi mo ba ako kilala?' Bakit? Kailangan ba lahat sila kilala ko? Eh sa dami nila, baka masira ang ulo ko kapag kinilala kong silang lahat.
"Tsk! I. DON'T. CARE. MISS. kung sino ka man," mataray kong sabi. Eh sino ba namang hindi magtataray kapag ganito ang kausap mo? Bilib na ako sa inyo kapag nakausap n'yo ng matino ang babaeng ito. May binulong naman sa kanya ang isa n'yang katabi na daw mong sinabugan ng make up sa muka.
"So your the exchange student here, kaya 'di mo ko kilala? So magpapakilala ako sa iyo. Ako si Andrea Pauline Servando, the queen of this school and the future girlfriend of Josh Axel Mercado," sabi n'ya sa muka ko. Pwe! Talsik laway eh. Alam n'yo nakakatawa s'ya.
Queen?
Hindi naman mukang queen eh. Mukang clown, iyon ang tama.
Future girlfriend of that Sanggano?
KAMU SEDANG MEMBACA
The Bully meet the Amazona (COMPLETED)
Teen FictionSamantha, isang exchange student sa RBU. Maganda, matalino ngunit may pagka-amazona. S'ya ay kinatatakutan sa kanyang school dahil sa pagiging Amazona. Malaki ang ginampanan ng pagiging exchange student n'ya sa takbo ng buhay n'ya. Dito s'ya nagkaro...