Chapter 36: THE HISTORY: Ang Pagtatapat

319 15 0
                                    

SONYA POV

Tinanghali na ako ng gising dahil 'di agad ako nakatulog dahil sa mga salitang iyon.

Para sa akin, ikaw ang pinakamagandang Binibini ngayong gabi

Para sa akin, ikaw ang pinakamagandang Binibini ngayong gabi

Ayan na naman s'ya.

"Oh anak, anong problema at ke aga aga ay parang kay lalim na ng iniisip mo," tanong ni itay sa akin na kumuha ng kape para magtimpla.

"Oo nga anak. Kagabi ka pa simula nung bumalik ka galing sa pagsasayaw ninyo ni Ginoong Amado," dagdag naman ni inay na tumabi kay itay.

"Wala ho ito, may iniisip lang ho ako," sagot ko sa kanila.

"Kung may problema ka ay magsabi ka lamang at baka may maitutulong kami," sabi ni inay.

"Opo. 'Wag nyo po akong alalahanin, may iniisip lang ho talaga ako," sagot ko at naghanda na ng almusal.

Hindi kami magtatrabaho ngayon sa bukid dahil ibinigay na ito ni Donya Esmeralda para makapagpahinga kami.

Pagkatapos naming mag-agahan ay naglinis na ako ng bahay. Nagdilig ng mga halaman at kung ano ano pang gawain. Tanghali na ako nakatapos.

"Inay pupunta ho ako sa ilog para maglaba," pagpapaalam ko sa kanila.

"Oh sige, magiingat ka," paalala naman ni inay.

Pumunta na ako sa ilog at pagkarating ko ay sinimulan ko na ang maglaba.

Kumakanta ako habang naglalaba para mas mabilis kong matapos. Parang nawawala kasi ang pagod ko kapag kumakanta.

"Napakahusay mo talagang umawit Binibining Sonya." Gulat naman akong napalingon ng may magsalita sa likuran ko.

"Ginoong Amado!" gulat na sabi ko.

"Magandang araw sa iyo, Binibini," nakangiting bati nito at umupo sa gilid ng ilog.

"Magandang araw din, Ginoo," sagot ko sa kanya. Lagi na lang ba s'yang makikinig kapag  kumakanta ako dito sa ilog.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya habang ipinagpatuloy ang ginagawa.

"Wala naman. Gusto ko lang makita ang magandang tanawin dito," sagot n'ya na nakatingin sa akin at ng nakita n'yang nakatingin ako sa kanya ay tumingin s'ya sa ilog. Ilang linggo ko na rin palang nakakasama ang lalaking ito.

Ipinagpatuloy ko ang ginagawa ko at hindi na muna s'ya pinansin. Naiisip ko na naman ang mga sinabi n'ya sa akin at ang mga mata n'yang nakatitig sa akin ng gabing iyon.

Haysstt! Ano bang nangyayari sa akin.

"Ayos ka lang ba Binibini?" biglang tanong nitong katabi ko. Nandito pa nga pala ito.

"Oo, ayos lang ako," sagot ko naman at tinapos na ang ginagawa ko. Tinulungan naman n'ya akong ibilad ang mga nilabhan ko.

Nagtigil muna kami dito sa ilog. Nasa gilid kami ng puno na malapit sa ilog. Magkatabi kaming nakaupo habang nakasandal sa puno.

Walang umiimik sa amin. Nagpapakiramdaman sa isa't isa. Mayamaya ay nagsalita rin s'ya.

"Binibini, ako'y may nais sabihin sa iyo," sabi nito at nag indian sit sa harapan ko.

"Ano naman iyon?" tanong ko sa kanya at umayos sa pagkakaupo.

"'Wag ka sanang mabibigla. Alam kung ilang Linggo pa lang simula ng tayo'y magkakilala ngunit hindi ko napigilan ang sarili ko na humanga at magkagusto sa iyo. Alam kong napakabilis ng mga pangayayari pero totoo ang sinasabi ko mahal na kita, Sonya. Maaari ba kitang ligawan?" Gulat na gulat ako sa mga pinagsasabi niya. Hindi agad ako nakaimik dahil sa pagkabigla. Kitang kita naman sa muka n'ya na seryoso s'ya ngunit 'di ko talaga alam kung anong isasagot ko sa kanya.

"Alam kong nabigla kita. Maaari mong sabihin sa akin kung hindi tayo pareho ng nararamdaman, tatanggapin ko. Mamayang gabi magkita tayo sa lugar kung saan tayo unang nagkita at dun ko malalaman ang iyong sagot. Aalis na ako Binibini. Hihintayin ko ang iyong sagot," sabi nito at umalis na.

Nakahinga naman ako ng maluwag ng umalis s'ya.

S'ya, nagkagusto sa akin?

Mahal n'ya ako?

Nanaginip ba ako?

Anong gagawin ko?

Oo. Nagkakagusto na rin ako sa kanya pero 'di ko alam ang dapat kung gawin.

Paano kung 'di pumayag sina inay at itay?

Paano kung tutol pala si Donya Esmeralda?

Anong gagawin ko??

Nakaupo lang ako sa lilim ng punong iyon. Nag-iisip ng dapat gawin, ng dapat sabihin.

Dahil sa kakaisip ay 'di ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lamang ako ay dapit hapon na.

Pininaw ko ang mga nilabhan ko at dalidaling umuwi sa amin

"Oh anak bakit ang tagal mo naman doon sa ilog?" tanong ni inay.

"Hinintay ko na pong matuyo itong mga damit at saka nakatulog rin ho ako roon," sagot at sinimulan ng tiklupin ang mga damit.

Pagkatapos doon ay nag-intindi na ako ng panghapunan namin. Pilit kung inaabala ang sarili ko upang mawala sa aking isipan ang mga isiping iyon.

Pagkatapos ng hapunan ay pumasok na ako sa aking silid at bumalik na naman ako sa pag -iisip tungkol sa bagay na iyon.

'Di ko alam kung pupunta ba ako roon o hindi

Vote and comment.

The Bully meet the Amazona (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang