JOSH POVHello guyss!! Wazzup!!
Isang linggo na ang nakakalipas simula nung bumalik si Claire sa SJU. Sa totoo lang naiinis ako sa sarili ko, kasi ko man lang nasabi ang nararamdaman ko sa kanya. Alam kong 'di pa s'ya ready pumasok sa isang relationship pero atleast nasabi ko sa kanya, 'diba? Pero hindi eh, napakatorpe ko kasi.
Nakakainis naman oh.
"Hoy! Tulala ka na naman dyan. Iniisip mo na naman si Sam, noh?" biglang sabi ni Seth habang kumakain kami dito sa kubo. Dito na kasi kumain kasi nagluto ako kaninang umaga. Ang aga ko kasing pumasok eh.
"Naku dre. Magkikita din naman kayo sa Friday, 'diba? Kasi pupunta tayo sa Tagaytay," sabi naman ni Edward.
"'Yun nga eh. 'Di ako makakapunta," malungkot kong sabi. Paano kasi, bakit kailangan pa akong makilala nun?
"Bakit naman?" takang tanong nila. Kasama nga rin pala namin si Scar. Lagi naman
"May pupuntahan din kasi kami. Birthday party din kasi 'yun at kaibigan 'yun ni lolo. Tapos 'yung celebrant ay gusto daw akong makilala. Kung bakit kasi kailangan pa akong makilala? Eh ano naman kung makilala niya ako?" teklamo ko sa kanila.
"'Yan ang mahirap dre"
"'Di ka ba pwedeng tumanggi?" tanong ni Scar.
"'Yun na nga ang problema. 'Di ako pwedeng tumanggi dahil magagalit sa akin si lolo at saka ngayon pa lang ako ipapakilala sa kaibigan n'ya kaya baka magalit 'yun," sabi ko naman at tinapos na ang pagkain.
"Problema nga 'yan," sang ayon ni Scar.
Kung pwede lang talaga akong tumanggi kay lolo matagal ko nang ginawa.
"Nasabi mo na ba kaya Sam?" tanong ulit ni Scar.
"Hindi pa," sagot ko. 'Di ko nga s'ya makontak kasi nahihiya ako.
"Ay sabihin mo na. Baka umasa pa 'yun na makakasama ka tapos wala ka sa friday kapag pupunta na tayo," sabi ni Scar kaya nag aalala naman ako dun. Anong sasabihin ko sa kanya?
"Mamaya tatawagan ko s'ya," nasabi ko na lang. 'Di ko alam kung magagawa ko.
"Sige, balik na tayo dun sa room," sabi ni Edward at mabilis na lumabas. Nahihiwagaan na talaga ako sa lalaking 'yun. Simula kasi nung bumalik si Claire ay parang lagi na s'yang excited pumasok. Tapos 'pag 'di namin s'ya kasama laging nasa roof top. 'Di nga namin alam kung anong ginagawa n'ya dun. Ewan ba kung may problema lang talaga s'ya pero masaya naman s'ya eh. Ewan ko dun sa lalaking 'yun. Nababaliw na ata o baka naman.... May minimeet s'ya dun. Aha! Hmmmmm, 'yan ang aking aalamin.
Nakabalik na kami sa room. Kita sa muka ni Edward na masaya s'ya. Ngingiti ngiti pa s'ya habang nagsusulat kami.
Tsk! Tsk! Kaya siguro lagi s'yang umiiwas kapag tinatanong namin kung anong ginagawa n'ya sa roof top. Lagi n'yang iniiba ang usapan.
Aalamin ko talaga 'yan. Kung sino ang kadate n'ya dun. Hahaha.
Mabilis lumipas ang oras kaya uwian na. Hinintay ko munang makaalis si Edward bago kinausap 'yung dalawa.
"Guyss may napapansin ba kayo kay Edward?" tanong ko sa kanila.
"Oo, parang lagi s'yang masaya. Tapos lagi s'yang pumupunta sa roof top at laging nakangiti pagbalik n'ya," sagot ni Scar.
''At lagi n'yang iniiba ang usapan kapag tinatanong s'ya tungkol sa pagpunta sa roof top," sagot naman ni Seth. Mabuti naman at 'di lang ako ang nakakapansin.
"Bakit mo naman natanong?" tanong ni Scar sa akin.
"Ahmmm guyss, 'diba gusto nyo rin naman malaman kung anong ginagawa n'ya o kung sino ang kinikita n'ya sa roof top?" tanong ko.
KAMU SEDANG MEMBACA
The Bully meet the Amazona (COMPLETED)
Genç KurguSamantha, isang exchange student sa RBU. Maganda, matalino ngunit may pagka-amazona. S'ya ay kinatatakutan sa kanyang school dahil sa pagiging Amazona. Malaki ang ginampanan ng pagiging exchange student n'ya sa takbo ng buhay n'ya. Dito s'ya nagkaro...