Chapter 29: Announcement

650 28 2
                                    

SAM POV

Napapansin ko rin talaga ang sinasabi ni Scar. 'Di ko alam kung anong meron sa kanila. Wala namang naiikukwento si lola tungkol sa past n'ya.

Nakaupo na kami ngayon dahil may announcement daw sina lola at Sir Amado.

"Ano kayang announcement nila?" tanong ni Edward.

"Baka sasabihin nila na may relasyon sila. Haha," sagot ni Seth. Baliw talaga kahit kailan ang lalaking ito.

"Siraulo ka talaga kahit kailan," natatawang sabi ko. Pero oo nga, ano kaya ang sasabihin nila?

"Pwede ba kayong umakyat dito Samatha and Josh," tawag sa amin nina lola.

Nagkatinginan naman kami ni Axel at parehong clueless sa akyon ng dalawang matanda.

"Ahhmm, alam ko na. Baka ipapakasal na kayo. Hahaha," tumatawang sabi Seth kaya nabatukan s'ya ni Scar. Buti nga. Kung anu-ano kasi pinagsasabi.

Inalalayan naman ako ni Axel na maglakad at makaakyat sa stage.

Malawak na ngiti ang isinalubong sa amin ng dalawang matanda.

Tumabi ako kay lola at si Axel naman ay sa tabi ng lolo n'ya.

"Ang announcement na ito ay may kinalaman sa dalawang batang ito," panimula ni lola. 'Di ko alam pero kinakabahan ako. Bakit? Anong kinalaman namin dito?

"Long time ago, humiling ang babaeng minamahal  ko ng isang bagay dahil hindi kami para isa't-isa. Mahirap isipin na hindi kayo para sa isa't-isa ng taong minamahal mo. Pinangako ko sa sarili ko na kahit anong mangyari ay tutuparin ko ang pangakong iyon. Gagawin ko ang lahat para tuparin ang pangakong iyon. Ngayon  na muli na kaming nagkita gusto ko nang tuparin ang pangakong iyon," sabi ni Sir Amado na tumitingin pa kay lola. Iba talaga 'to.

"Ngayong gabi, gusto namin na  malaman n'yong lahat na kasabay ng aking birthday party ay ang engagement party ng aming apo na sina Josh Axel Mercado at Samantha Claire Ascaro," masayang sabi ni lola.

WHAT!!

CLAP! CLAP!

'Di ako makapagsalita sa sobrang  pagkagulat. 'Di ko alam, parang nakalimutan ko kung papaano magsalita.

Ano daw?

"P-pakiulat nga po," sabi ko sa kanila. 'Di ko alam kung tama ba ang narinig o nabibingi lang ako.

"Tonight is your engagement party," masayang sabi ni lola.

"L-lola," naiiyak na sabi ko. Kita naman ang saya sa muka ng mga taong narito maliban sa mga kaibigan ko na siguradong nag-aalala sa nararamdaman namin.

"L-lolo. It's just a prank, right?" naguguluhang tanong din ni Axel.

"No. It was not a prank. Alam naming nabigla kayo sa usaping ito. Ito ang pangakong gusto naming tuparin at kayong dalawa ang pangakong iyon," sagot ng lolo ni Axel.

"P-paanong kami ang pangakong  iyon?" naguguluhan pa ring tanong ko. 'Di ko alam kung panaginip lang ba ang lahat ng 'toh. Sana nga panaginip lang ito. 'Di ko lubos maisip na hindi ko man lang naranasan na magkaroon ng boyfriend tapos ngayon engage na ako at sa kaibigan ko pa. Oo, may konting pagtingin ako sa kanya pero hindi ko pa nais na palalim iyon. Tapos ngayon

"Iha, iho makinig kayo. Magkasintahan kami ng lola n'yo noon, ngunit dahil sa magkaibang katayuan sa buhay ay hindi  pinayagan ang relasyon namin. Hiniling n'ya sa pamamagitan ng isang sulat na ang aming magiging apo ay ipapakasal at sila ang magpapatuloy ng pagmamahalang meron kami noon," kwento ng lolo ni Axel.

So  ganun na lang 'yun. Matagal na pala 'yun. Bakit kailangan pa nilang gawin ito?

"Sa ngayon, 'wag n'yo na munang isipin ang bagay na ito. Mag enjoy na lang kayong dalawa," sabi ni lola at pinayagan na kaming umalis. Lutang ako dahil sa mga pinagsasabi nila.
'Di ko alam na nakarating na pala kami sa mesa namin.

"Sam, okay lang?" tanong ni Scar pero 'di ko s'ya magawang pansinin dahil inuukupa ng mga salitang iyon ang aking isipan.

"Guysss, cr muna ako," paalam ko sa kanila.

"Sige, samahan ka na namin," nag-aalalang sabi ni Crys.

Pumunta kami sa cr at parehas silang nakaalalay sa akin.

Pagdating sa cr ay tuluyan ng tumulo ang luha ko.

"Tahan na Sam," sabi sa akin ni Scar habang yakap ako.

"'Di ko alam. Anong gagawin ko? Bakit nila ito ginagawa?" sunod sunod kong tanong.

"Bakit? Huhuhu." Iyak lang ako iyak sa kanila. Hinahayaan lang naman nila ako.

"Kayo ang pangakong iyon"

"Stop crying Sammy, talk to them later. Baka may pwede pang gawin para 'di na ituloy  'yun.  And your grandma said that don't think about it now," sabi sa akin ni Crys habang pina-pat ang likod ko.







JOSH POV

'Di ko alam ang gagawin ko.

Oo may gusto ako kay Claire pero ayokong maging  kami sa ganitong paraan. Dahil lang dun, gagawin nila ito. Napakatagal na panahon na niyon. Bakit kailangan pa nilang gawin ito?

"Dre ayos ka lang?" tanong ni Edward.

"Ano ka ba naman Edward. S'yempre ayos lang sa kanya 'yun, eh may gusto s'ya kay Sam eh," biglang sabi ni Seth. Oo gusto ko si Claire pero hindi sa ganitong paraan.

"Siraulo ka talaga kahit kailan, ano? S'yempre, mas maganda parin kung parehas silang may gusto sa isat isa. Malay ba natin kung may gusto ba si Sam kay Josh," sabi  naman Edward.

'Yun na nga eh. 'Di ko alam kung may gusto rin ba sa akin si Claire.

"Oo nga noh. Eh 'di sabihin mo kay lolo mo na 'wag ng ituloy ang kasal n'yo," suggest ni Seth. Pwede naman 'yun pero 'di ko alam kung paano ko sasabihin kay lolo.

Umob-ub na lang ako sa mesa. Nakakainis naman kasi. Bakit kailangang mangyari pa ito?

"Ok lang ba talaga dre?" tanong ulit ni Esward kaya tumango na lang ako.

Ngayon, 'di ko alam kung papaano ko s'ya haharapin.

Natatakot ako. At sinabi ko sa kanya ang nararamdaman ko, 'di ko alam pero natatakot ako.

Pleasseee help me.







SCAR POV

'Di ako makapaniwala na mangyayari ito. Akala ko noong unang panahon lang nangyayari ang mga ganito pero hindi pala. At ang mas masama pa, eh sa mga kaibigan ko pa nangyari.

Oo, gusto ko sila para sa isat isa. Pero ayoko sa ganitong paraan.

Kasalanan ito nang mga matatanda noong una eh. Kung pinayagan na lang sana nila sina Mam Sonya at Sir Amado na magmahalan noon, eh 'di sana ito mangyayari ngayon. Naku po naman. Tsk! Tsk!

Vote and comment

The Bully meet the Amazona (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang