SONYA POV
"Isang napakagandang umaga sa lahat," bati ko habang nakadungaw sa aming bintana at sininghot ang sariwang hangin.
Ilang araw na rin kaming nagkikita ni Ginoong Amado sa may mangga o kaya naman sa may ilog. Naging magkaibigan na rin kami at sobra niyang saya kasama. Napakaginoo pa.
Aaminin ko, may paghanga ako sa kanya. Sino ba namang Binibini ang hindi hahanga sa kanya. Talentado, matalino, maginoo, gwapo at napakasayang kasama.
Ngayong araw ay pupunta kami sa kanilang mansion upang tumulong para sa paghahanda sa kaarawan ni Donya Esmeralda bukas.
"Ate, pwede kaya kaming sumama ni bunso sa inyo nina itay at inay? Wala naman kaming pasok," tanong ni Leandro.
"Kay inay ninyo itanong. 'Di ko rin alam kung papayagan kayo," sagot ko sa kanila habang hinahalo ang niluluto ko.
"Papayag ang mga iyon kung ikaw ang magsasabi, Ate," sagot naman ni bunso.
"Sige, sasabihin ko basta tutulong kayo dun," sabi ko sa kanila.
"Opo ate," masaya nilang sabi.
Natapos kaming kumain at pinayagan nga nina inay ang dalawa na sumama sa amin.
Nagkita kita muna kami ng mga kasamahan namin sa kubo at saka kami sabay sabay na nagpunta sa mansion. Alasais na ng umaga ng kami ay makarating doon.
May ilang tao na rin ang naroon upang mag-ayos. Parang fiesta ang handaang ito dahil marami ang pupunta. S'yempre, napakayaman ni Donya Esmeralda.
Nagkanya kanya na kami ng gawain. Sina itay ay naroon sa mga nagkakatay ng baboy. Sina inay ay nasa loob ng mansion upang mag-linis. At kami namang magkakapatid ay narito sa labas kung saan gaganapin ang pagdiriwang ng kaarawan ni Donya Esmeralda. Kasama namin rito ang ilang pang mga babae. Nag-aayos kami ng garden at nilalagyan ng mga dekorasyon.
"Uy Sonya, kamusta ka na? Tagal na nating 'di nagkikita ah?" Napalingon naman ako kay Emelda ng magsalita ito.
"Ito ayos naman. Ikaw kamusta ka na? Kamusta ang pag aaral?" tanong ko rin pabalik.
"Ay ito, sa wakas ay makakatapos na rin at magiging guro na," masaya n'yang sagot. Kung nagpatuloy ako sa pag-aaral marahil ay magtatapos na rin ako.
"Ikaw? Kailan ka babalik sa pag aaral?" tanong uli niya.
"Hindi ko pa alam. Pero susubukan ko sa sunod na taon," sagot ko.
"Oh sige na, papasok na ako sa loob. Aayusin ko pa kasi itong mga bulaklak na ilalagay sa vase," pagpapaalam n'ya.
"Sige," maikling sagot ko.
Ipinagpatuloy ko na lang ang pag-aayos. Habang naglalagay ako mga dekorasyon sa santan na ito ay napatingin ako sa itaas ng bahay kung saan naroon ang silid ni Ginoong Amado. Nakita ko siya sa balkonahe ng kanyang silid habang tumitingin sa mga nagtatrabaho. Nadako ang tingin niya sa akin kaya nginitian n'ya ako. Ngumiti rin naman ako pabalik. Napakagandang pagmasdan ng kanyang mga ngiti.
"Malapit na malapit na talaga kayo sa isa't isa ate," sabi ni bunso.
"Oo nga ate. Baka naman magkagusto ka sa kanya," sabi naman ni Leandro.
"Ano ka ba naman Leandro. Ano bang pinagsasabi mo? Magkaibigan lang kami ni Amado," sagot ko sa kanya.
"Talaga ate? 'Di ka magkakagusto sa kanya. Sa gwapong iyan ni Ginoong Amado ay imposibleng hindi ka humanga sa kanya," sabi pa niya habang nakatingin kay Amado na nakangiti paring nakatingin sa mga nagtatrabaho.
"S'yempre, humahanga rin naman ako sa kanya pero hanggang doon na lang iyon," sagot ko sa kanila at lumipat ng pwesto.
"Napakagwapo talaga ng anak ni Donya Esmeralda"
"Oo nga. Napakaswerte ng babaeng magugustuhan niyan"
Bulungan ng mga babaeng narito habang sumusulyap kay Amado.
"Sonya!" Napalingon naman ako ng may tumawag sa pangalan ko.
"Ano iyon?" tanong ko kay Emelda.
"Halika rito. Sabi ng iyong ina ay tulungan mo raw ako sa pag-aayos ng mga bulaklak roon. Mahusay ka raw kasi roon," nakangiti n'yang sabi kaya sumama naman ako sa kanya.
Nagsimula na kaming mag-ayos ng mga bulaklak.
"Sonya nakita mo na ba ang anak ni Donya Esmeralda?" mahinang tanong niya sa akin.
"Oo naman. Bakit mo naitanong?" tanong ko pa sa kanya.
"Anong masasabi mo sa kanya?" ngiting ngiting sabi nito.
"Anong masasabi ko sa kanya? Ahmmm, mabait, maginoo, masayang kasama," sagot ko naman at pinagpatuloy ang ginagawa.
"Teka, kung makapagsalita ka parang nagkasama na kayo ah?" nagtatakang tanong nito.
"Ganito kasi--" sabi ko at tumingin tingin muna sa paligid. "Magkaibigan na kami ni Ginoong Amado," pabulong na sabi ko.
"Talaga?" gulat na gulat na tanong nito kaya tumango naman ako.
"Napakaswerte mo naman. Sana ako rin. Hehe," sabi niya. Mayamaya pa ay napatingin kami sa taong pababa ng hagdan at nakita namin si Amado na pababa. Siniko naman ako ng mahina ni Emelda at parang kinikilig.
"Magandang araw mga Binibini," nakangiting sabi nito. Tumingin muna s'ya kay Emelda bago sa akin.
"Magandang araw rin Ginoo" nakangiting sagot rin namin.
Nagpatuloy naman siya papuntang kusina
"Hoy! Iba ang ngiti niya sa iyo ah. Anong meron sa inyong dalawa?" tanong nito sa akin
"Uy ano ka ba? Magkaibigan lang talaga kami," nakangiting sagot ko.
"Talaga? Eh Bakit iba ang tinginan at ngitian n'yo?" pangungulit niya.
"Anong iba? Pinagsasabi mo?" tanong ko sa kanya.
"Ewan ko sa'yo. Heheh ang gwapo talaga n'ya," kinikilig n'yang sabi.
Natapos ang maghapon at tuwing nagkakasalubong kami ni Amado ay nginingitian n'ya ako na sinusuklian ko rin naman ng ngiti. Lagi naman akong kinukulit ni Emelda kung kaibigan ko lang ba daw talaga si Ginoong Amado. At paulit ulit rin ang sagot ko na magkaibigan lang kami.
Hanggang kaibigan nga lang ba?
Vote and comment.
KAMU SEDANG MEMBACA
The Bully meet the Amazona (COMPLETED)
Genç KurguSamantha, isang exchange student sa RBU. Maganda, matalino ngunit may pagka-amazona. S'ya ay kinatatakutan sa kanyang school dahil sa pagiging Amazona. Malaki ang ginampanan ng pagiging exchange student n'ya sa takbo ng buhay n'ya. Dito s'ya nagkaro...