Chapter 7: Be with them

1.1K 51 2
                                    

SAM POV

Naghahanda na ako para pumunta sa bahay nina Scar. Kagabi pagkagising ko ay pinayagan na din akong makalabas at sinabi kong 'wag na nilang sabihin kay na Mom at Dad. Mga over acting pa naman ang mga 'yon. Maayos na ang pakiramdam ko kaya makakagala na ako kina Scar.

"Yaya, alis na po ako," sabi ko at nagkiss sa cheeks n'ya.

"Sige, mag-i-ingat ka baka mabinat ka," paalala nito sa'kin.

"Bye," sabi ko at sumakay na sa car ko.

Dadaan muna ako sa grocery para bumili ng pasalubong ko sa kanila. Nasabi na ni Scar ang kalagayan nila kaya naisipan ko na bilhan s'ya nung mga gamit na hello kitty. Pa-thank you ko na rin dahil naging best friend ko s'ya. Pagkatapos ko ay nagmaneho na ako. Alam ko naman na kung saan sila nakatira pero ang 'di ko alam ay kung saan mismo ang bahay nila. Magtatanong na nga lang ako. Bumaba ako para magtanong dun sa mga babaeng nandun sa may tindahan, siguro mga kasing edad ko lang ang mga ito.

"Hi," nakangiti kong bati sa kanila at bahagyang nagwave sa kanila.

"Hello," bati din nung isa at nginitian din naman ako nong iba.

"Ahmm, pwede bang magtanong?"

"Yeah, of course," nakangiting sabi nung isa, iyong katabi nong bumati sa akin.

"Saan ba ang bahay ni Scarlet Santos?" tanong ko.

"Ahhh, si Scalet. Dun oh. Lumiko ka d'yan tapos iyog bahay na maraming tanim," turo noong babae.

"Salamat," sabi ko at nagbow ng konti.

"Okay lang," sabi nung bumati sa akin.

Sumakay  na ako at nagmaneho. Mabilis ko namang natunton kung saan sila nakatira. Sila lang kasi ang mAh pinakmaraking tanim sa bakuran Pinark ko ang kotse ko sa tapat ng isang puno.

"Tao po! Scarlet!" pagtawag ko. Lumabas naman si Scarlet at tuwang-tuwa ng makita ako.

"Oh my gosh!! Sam!!" sigaw nito at sinalubong ako ng yakap. Akala mo ay isang dekada kaming hindi nagkita. Kakakita lang kaya namin kahapon.

"Grabe ah, parang isang taong 'di nagkita," nakangiti kong sabi. Ang higpit makayakap eh.

"Namiss lang kita. Okay ka na ba? Wala na bang masakit sa iyo?" puno ng pag-aalalang tanong nito.

"Okay na ako. 'Wag ka ng mag-alala."

"Tara, papakilala kita kay na Nanay," excited n'yang sabi at hinila ako papasok ng bahay nila. Naabutan namin ang Nanay n'ya na nagluluto.

"Nay, Tay," tawag niya sa mga magulang n'ya. Lumingon naman ang mga ito at nginitian ako kaya nginitian ko rin sila.

"Ito nga po pala si Samantha. Sam, si Nanay, Tatay, Samuel, Smael at Stella," pagpapakilala n'ya sa 'kin sa pamilya nya. Cute nila.

"Magandang araw po," magalang kong sabi at nagmano naman sa parents n'ya.

"Hay, napakagandang bata," nakangiting sabi nang Tatay ni Scar.

"Oo nga po," segunda naman ni Stella.

"S-salamat po." Hehe. Nakakahiya. Ganuto rin siguro itong naramdaman ni scar noong sinabihan siya ng ganyan ni yaya.

"Oh siya sige, d'yan muna kayo sa sala at tatapusin lang namin ito," sabi ng Nanay n'ya kaya umupo kami ni Scar dun sa sofa nila. Maliit lang itong bahay nila pero maayos naman at malinis.

"Hly Sam, nagdala ka ba ng damit?" biglang tanong ni Scar.

"Oo, excited na nga akong maligo sa ilog eh. Tagal ko na rin kasing hindi nakakaligo dun," masaya kong sabi sa kanya.

"Sige, d'yan ka muna. Kung may gusto ka, magsabi ka na lang sa kanila," nakangiting sabi n'ya.

"Hindi na, dun na lang ako sa labas. Titingnan ko ang mga halaman n'yo," sagot at tumango lang s'ya.

Lumabas ako at tiningnan ang mga halaman. Skl, favorite flower ko is rose at ang daming rose dito.

"Hi ate." Napalingon ako ng may biglang nagsalita sa likuran ko at nakita ko naman si Stella na nakangiti kaya ngitian ko rin s'ya.

"Hello," nakangiting bati ko sa kanya.

"Mahilig po ba kayo sa rose?" tanong n'ya. Napatingin naman ako sa rose na hawak pero 'di ko pinipitas.

"Oo eh,"

"Gusto n'yo po ba pitasin ko para sa 'yo?" magiliw na tanong niya.

"Mamayang hapon na lang pagpapaalis na ako," sagot ko.

"Sige po, kung iyon ang gusto mo. Tara na po sa loob naghahain na po sila," pag-aaya n'ya sa akin kaya sumama na ako sa kanya.

Pumasok na kami at kumain na. Pagkatapos nun ay nagpaalam na ang parents ni Scar dahil may pupuntahan daw.

"Scarlet, ikaw na ang bahala d'yan sa kaibigan mo hah? At mag-iingat kayo sa ilog," paalala ng Nanay ni Scar. "Sam, maraming salamat dun sa mga binigay mo ah," sabi n'ya ulit at nginitian ako. Naibigay ko na kasi sa kanila ang mga pinamili ko para sa kanila. Tuwang-tuwa nga si Scar.

"Tara na, punta na tayo sa ilog," excited kong sabi.

"Oy kayo, mag-intindi na kayo at ihahanda ko lang ang pansit na dadalhin natin," utos niya sa mga kapatid. Sana all may kapatid. Ang saya siguro ng magkaroon ng kapatid.

"Sige po," nakangiti nilang sagot at kanya kanyang nagsi-alisan. Sumunod naman ako sa kanya at tinulungan s'ya.

"Ahmm Scar, malayo ba ang ilog dito?" tanong ko sa kanya ng sumunod ako papuntang kusina.

"Medyo," sagot naman nito at nilagay na sa basket ang lagayan ng pansit.

"Tara na," aya n'ya sa 'kin kaya lumabas na kami.

"Huyyyy!! Tara na!!" sigaw n'ya sa mga kapatid n'ya. Ang ingay pala talaga n'ya. Haha.

"Nandyan na po!!!" sagot naman nila. Sumakay na kami sa sasakyan ko at umalis na.

"Ate Sam, iyo ba talaga ito?" tanong ni Samuel habang iniikot ang paningin sa loob ng sasakyan ko.

"Oo," nakangiti kong sagot at nagsimula ng magmaneho.

"Alam mo ate Sam, perstaym naming makasakay sa gantong sasakyan," masayang sabi ni Stella.

"Oo nga po. Sa taxi nga 'di pa kami nakakasakay kasi mahal pamasahe don," sabi naman ni Smael.

"Ate lagi kang punta dito para lagi kaming makasakay sa ganito," sabi ni Stella. Hehehe. Ang ganda ng batang ito. Napangiti ako sa sinabi niya.

"Ano ba Stella? Tumigil ka ng d'yan," saway naman ni Scarlet sa kanya. Natawa na lang ako sa kanila. Ang saya nilang magkakapatid. Sana magkameron din na ako ng bunso. Nakarating na kami at excited na akong maligo. Ang tagal ko na rin kasing hindi naliligo. I was grade 10, the last time I went to the river.

"Yey! Makakaligo na ulit ako sa ilog," masayang sabi ni Stella. Nagtawanan naman kami. Nilatag na namin ang banig na dala namin at nilagay dkn ang mga pagkain saka lumusong sa ilog para maligo na

"Yiehhh!!! Lamigggg!!!" sigaw ko dahil ang lamig tubig pero masarap sa katawan.

"Hahahahaha," tinawanan naman nila ako at sinabuyan ng tubig.

"No! 'Wag! Malamig," sabi ko at nagtatakbo pero sinasabuyan pa rin nila ako kaya bumawi na rin ako at sinabuyan rin sila ng tubig.

Pinuno ng tawanan namin ang buong lugar. Ang sarap maligo. One of the best moment.

"Tara, kain muna tayo. Ginutom ako dun. Hahaha," natatawang sabi ni Scar.

Hingal naman kaming umupo dun sa damuhan,baka kasi mabasa ang banig.

"Kuha na kayo," sabi ni Scar at binigyan ako ng pinggan at tinidor. Kinuha ko na rin sa sasakyan ang dala kung junk foods at chocolate. Tuwang-tuwa naman sila.

Vote and comment.

The Bully meet the Amazona (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang