SAM POV
Today is friday. Yeah, four days na ang nakakalipas noong natalo ko si Josh sa basketball na 'di tumupad sa usapan. Gago kasi eh. At ang malala pa ay sa loob ng apat na iyon para kamalasan ang nangyari sa akin na alam ko mang kagagawan ng lalaking ito. Nangigigil talaga ako.
Tuesday.
Tinapunan ako nina Andrea ng itlog, pero 'di ako nagpatalo. Hinagisan ko din s'ya ng itlog at 'yon shoot sa bibig. Ew! Lansa! Kadiri!
Wednesday.
Tinalakid ako ni Josh kaya sinampal ko. Nakakainis na eh kaya ayon, galit na galit si Andrea. Bakit ko daw ginawa 'yon sa King nila kaya sinabunutan ako. S'yempre 'di ako papatalo, sinabunutan ko rin s'ya.
Thursday.
Nilagyan nina Josh ng mantika ang sahig ng cr kaya nadulas ako kaya ang sakit ng likod ko ngayon dahil napatama sa dingding. Nagpatingin na nga ako sa doktor baka nabali ang spinal cord pero wala naman daw dahil kung meron lulumpuhin ko ang gagong 'yon. Purwisyo s'ya sa buhay ko.
"Ohh, food mo. Ayus ka lang ba talaga?" nag-aalala pa ring tanong n'ya. Si Scar na ang bumili ng pagkain namin dahil nananakit talaga ang likod ko kapag lakad ako ng lakad.
"Oo, okay lang ako at tsaka nagpacheck up na ako. Okay naman daw, walang malalang nangyari" sagot ko naman at nilantakan ang food ko. Kitang kita ko dito sina Josh na nagtatawanan. Siguro ako ang pinagtatawanan nila. Nalaman ko na sila ang may gawa noong sa c.r. ay gawa don sa nerd na nandun din sa c.r. na iyon. Nakita na DAW niya at sinabihan na lang ako na huwag ko daw sasabihin doon sa tatlo at ayaw niya daw ng gulo. Ako di naman, ayaw ko ng gulo pero sadyang may saltik talaga ang tatlo na iyon Lalo na iyong so Mercado. Nakakakita talaga ang lalaking iyon.
"Mabuti naman kung ganun. Umiwas ka na lang kasi sa kanila," sabi n'ya. Nandito pa pala ang bruhang 'to.
"Paano ako iiwas kung kaklase natin ang mga ugok na 'yon?" sabi ko at napa-irap.
"Oo nga 'no. Hehehe," sabi n'ya habang nagkakamot ng batok.
"Punta muna ako sa cr ahh," sabi ko at tumayo na.
"Samahan na kita."
"'Wag na, kaya ko naman."
"Mag-ingat ka," nag-aalala n'yang sabi. Ang swerte ko talaga sa kanya. Mabait na ay maaalalahanin pa.
"Oo na, tsaka sila ang mag-ingat sa akin," natatawa kong sabi kaya natawa na rin s'ya.
Umalis na ako sa papunta sa cr. Tiningnan ko muna ang sahig bago ako pumasok. S'yempre, baka may oil na naman na nakalagay.
Mukang wala naman silang plano sa 'kin dito kaya pumasok na ako. Ginawa ko na ang gagawin ko dun at nagpunta sa sink para maghilamos. Ang sakit pa rin ng likod ko. Siraulo kasi ang lalaking 'yon. 'Pag ako ang nakaganti sa kanila, 'di lang ganto ang aabutin nila. Makalabas na nga. Nakakabwisit!Bakit ba ang malas-malas ko ngayon? At bakit ba hindi na sila nagsasawa sa gingawa nila sa akin?
"A-arayyy!!" May pumalo ka sa likod ko at dahil sa sakit nagdidilim na ang paningin ko. Bago ako tuluyang mawalan ng malay ay nakita ko pa sina Andrea at tuwang-tuwa sila. Talagang 'di na nagsawa ang babaeng ito.
"Hahaha. Humanda ka bitch." Ang mga huling salitang narinig ko sa kanila baho nawala n ng malay.
SCARLET POV
Anong oras na pero wala pa rin si Sam. Baka nauna na 'yon sa room malapit na rin kasi magtime. Pero sure naman akong babalikan n'ya ako dito para sabay kaming pumasok eh. Magsasabi naman iyon kung mauuna na siya sa room. Hindi naman kasi nang-iiwan ang isang 'yon. Pagdating ko sa room ay nandun na lahat pati sina Josh pero wala pa rin si Sam. Sinasabi ko na nga ba eh. Saan na ba nag-susuot ang babaeng iyon? Dumating na ang prof namin pero wala pa rin s'ya. Kinakabahan na ako baka kung ano ng nangyari kay Sam.
KAMU SEDANG MEMBACA
The Bully meet the Amazona (COMPLETED)
Teen FictionSamantha, isang exchange student sa RBU. Maganda, matalino ngunit may pagka-amazona. S'ya ay kinatatakutan sa kanyang school dahil sa pagiging Amazona. Malaki ang ginampanan ng pagiging exchange student n'ya sa takbo ng buhay n'ya. Dito s'ya nagkaro...