Chapter 33: THE HISTORY: Biik

407 17 0
                                    

AMADO POV

Narito ako sa balkonahe na aking silid habang pinagmamasdan ang napakagandang buwan. Kaysarap nitong titigan.

Habang nakatingin sa buwan ay biglang pumasok sa aking isipan ang muka ni Sonya habang kumakanta.

Napakaganda talaga ng boses niya.  Kasing ganda niya.

Hindi ko alam ang nangyayari ngunit para bang naririnig kong muli ang kanyang boses na masayang umaawit.

Napakasarap sa tenga ng kanyang malambing na tinig. Ano ba itong nangyayari sa akin?

Naisipan kong bumaba sa hardin dahil 'di ako makatulog. Sadyang kay raming pumapasok sa aking isipan at isa na doon si Sonya.

Sa lalim ng aking pag-iisip ay 'di ko na namalayan na nasa labas na pala ako ng aming bakuran. Nandito ako sa daan na tanging liwanag mula sa buwan ang aking ilaw. Ganun na ba kalalim ang aking iniisip at 'di ko namalayan kung nasaan na ako.

Tutal nandito na rin lamang ako sa labas ay naisipan kong pumunta sa puno ng mangga kung saan una kong nakita si Sonya.

Naglakad na ako paroon ng,

KLLLSSSKKKK!!!!

Bigla akong napalingon dahil sa kaluskos na iyon.

Wala naman kahit ano kaya nagpatuloy na lang uli ako sa paglalakad ng may nagkluskos uli.

KLLLSSSKKK!!!

Napalingon akong muli at isang hayop ang paparating sa akin. 'Di ko alam kung anong gagawin ko. Kung tatakbo o ano.

Papalapit na s'ya. Naistatwa na lang ako sa aking kinatatayuan.

Patuloy parin sa paglapit ang hayop at ng makalapit ay bigla itong umiwas at nagpatuloy sa pagtakbo. Nawala naman ang kaba ko dahil doon.

Sinundan ko ito ng tingin ng biglang may nagsalita sa likod ko.

"Magandang gabi, Ginoo. May nakita ka bang isang hayop na dumaan dito." Halos mapatalon ako sa gulat ng may nagsalita sa likod ko. Pinilit kong inaaninag ang muka n'ya.

"Binibing Sonya?" tanong ko na inaaninag pa rin ang muka n'ya. Napatingin rin naman ito sa akin.

"Ginoong Amado?" tanong rin niya. Ang pagkakataon nga naman. Iniiisip ko lan s'ya kanina, tapos ngayon nandito na s'ya.

"Ikaw nga, Binibini," sabi ko. "Anong ginagawa mo dito sa ganitong oras?" tanong ko. Napakalalim na ng gabi.

"Nakawala kasi ang aming biik kaya kami ngayon ay naghahanap," hinihingal na sagot nito.

"Ganun ba? Sige, tutulungan na kita"

"Maraming salamat, Ginoo," pagpapasalaat niya at nagsimula na kaming maghanap.

"Booo!!" tawag n'ya dun sa biik.

"Hindi ba pwedeng bukas na ninyo hanapin? Malalim na ang gabi," tanong ko sa kanya at tumitingin tingin sa paligid.

"Kailangang mahanap namin iyon dahil baka makasira iyon ng pananim dito sa hacienda," sagot niya.

"Bakit 'di tayo magpunta doon sa may maisan? Baka nandoon iyon," suhestyon ko.

"Sige. Tara"

Nagpunta kami sa may maisan at nakita nga namin doon ang biik na nakahiga. Mukang napagod siguro sa kakatakbo.

"Maghintay ka lang dito, Ginoo. Ako na ang kukuha sa kanyan" mahina niyang sabi kaya tumango  na lang ako. Dahan dahan naman siyang lumalapit sa natutulog na biik.

"Huli ka," masayang sabi n'ya ng mahuli niya ang biik.

"Nahuli ko na s'ya, Ginoo. Maraming salamat sa pagtulong sa akin na hanapin ang biik namin," pagpapasalamat nya ng naglalakad na kami pabalik.

"Walang anuman Binibini. Ihahatid na kita sa inyo. Masyadong gabi na para sa iyo," presinta ko sa kanya.

"Naku, hindi na Ginoo. Malapit na rin naman ang aming bahay. Bumalik ka na rin sa inyo baka hinahanap ka na ni Donya Esmeralda," tanggi n'ya sa akin.

"Sige, ikaw ang bahala. Dun na lang tayo maghiwalay sa pinagkakitaan natin kanina"

"Sige, kung iyon ang iyong nais," sagot niya.

"Salamat," sabi ko sa kanya.

"Ginoong Amado, maaari ba akong magtanong sa iyo?" tanong niya sa akin.

"Oo naman. Ano ba iyon?" tanong ko sa kanya.

"Alam na ba ng iyong ina ang ginawa kong pagtataray sa iyo noong isang araw?" nahihiya niyang tanong.

"Hindi pa naman. Hindi ko naman sinsabi. Bakit mo naitanong?"

"Baka kasi magalit ang iyong ina kapag nalaman niya iyon," nakatungo niyang sagot.

"Naku 'wag kang mag alala, Binibini. Jindi ganung klaseng tao ang aking ina," natatawa kong sabi.

"Hindi mo naman maiaalis sa isang katulad kong trabahador lamang ninyo ang ganoong isipin," sabi n'ya.  Oo nga naman.

"Ganito na lang. Para 'di ka na mag-alala, 'di ko na lang sasabihin kay ina ang tungkol sa bagay na iyon?" nakangiting sabi ko sa kanya kaya gulat na napatingin s'ya sa akin.

"Talaga ba Ginoo? Naku, maraming salamat," masayang sabi nito at bahagya pang yumuko.

"Walang anuman, Binibini. Narito na tayo Binibining Sonya. Mag-iingat ka sa pag-uwi mo," sabi ko sa kanya.

"Maraming salamat Ginoo Amado. Mag-iingat ka rin," sabi nito at umalis na. Ako naman ay nag lakad na rin pauwi ng bahay. Tulog na ang lahat ng ako'y makarating kaya maingat akong nagtungo papunta sa aking silid.







SONYA POV

Nakarating na ako sa bahay at nandun narin sila.

"Oh, buti at nahanap mo iyan," sabi ni itay na nagkakape.

"Oo nga po eh," sagot ko at inilagay na sa kulungan ang biik.

"San mo iyan nahanap??" tanong ni inay sa akin.

"Sa may maisan po. Mabuti nga po at tinulungan ako ni Ginoong Amado sa paghahanap dito," sagot ko habang papalapit sa kanila. Kita naman ang pagtataka sa mga muka nila.

"Ginoong Amado?? Iyan ba iyong anak ni Donya Esmeralda?" nagtatakang tanong ni inay sa akin.

"Opo inay," sagot ko.

"Magkaibigan na pala kayo," sabi pa ni itay.

"Opo. Nagkausap po kami kahapon sa may ilog at humingi na rin po ako ng pasensya dahil din sa nangyari noong isang araw. Hindi pa naman n'ya nasasabi at 'di na rin naman daw babangitin pa kay Donya Esmeralda," paliwanag ko sa kanila.

"Mabuti naman kung ganun. Halina kayo at tayo ay matulog na dahil maaga pa tayo bukas"

Sa 'di malamang dahilan ay nakangiti akong natulog

Vote and comment.

The Bully meet the Amazona (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang