Chapter 42: THE HISTORY: Ang Pagpapahirap

286 21 0
                                    

SONYA POV

"Tao po! Tao po!"

Ano ba naman yan? Ke aga aga naman. Di pa nga pumuputok ang araw eh

"Tao po! Tao po!" Sigaw na naman ng kung sino

Binuksan ko ang pinto at nagulat sa nakita ko. Isang matandang babae na medyo mataba. Sa tingin ko ay nasa 50's na sya. Amoy na amoy ko rin ang kanyang matapang na pabango na tulad ng kanyang mukang sopistikadang nakatingin sa akin

Sino ba kasi toh?

"Magandang umaga ho. Sino ho sila? Ano hong kailangan?" Magalang na tanong ko kahit inaantok pa ako

"Nasaan ang iyong magulang?" Taas kilay na tanong niyo

"Nasa loob ho. Halika ho kayo tatawagin ko sa kanila" nakangiting sabi ko at pinapasok sa aming munting bahay. Kita ko naman ang paglibot ng mata nito sa aming bahay. Tiningnan muna nito ang sopa bago umupo.

Maayos ho yan. Hindi yan gigiba pag naupo ka.

Umalis ako dun at nagpunta kay na inay at itay

"Sino iyong kumatok?" Tanong ni inay pagkapasok ko pa lamang sa kanilang silid

"Hindi ko ho kilala. Hinahanap ho kayo" sagot ko sa kanilang dalawa. Sabay kaming nagtungo sa sala para harapin iyong bisita

"Aling Merna!" Nakangiting sabi ni inay

"Magandang umaga ho" bati nina itay ngunit tiningnan lang sila nito. Grabe naman toh

"Alam naman siguro ninyo kung anong dahilan ko kung bakit ako nandito" mataray na sabi nito. Bakit nga ba sya nandito?

"Ahmmmm.... Aling Menra.....ipagpapatawad nyo ho ngunit wala pa kaming pera sa ngaun... pero wag ho kayong mag alala malapit naman na po ang anihan kaya makakapagbayad na kami sa inyo" sagot ni itay. Aling utang ang mga iyon. Ang alam ko eh wala na silang utang

"Iyan rin ang sabi nyo nung nakaraan? Baka naman ako ay pinagtataguan nyo lamang?" Mataray na tanong nito

"N-naku! Hindi po. Wala lang talaga kaming pera sa ngayon. Wag ho kayong mag alala hahanap po kami ng pera para makapagbayad na agad kami sa inyo" sambit ni itay. Tiningnan naman sya nitong babae at bumuntong hininga

"Oh sige. Ngunit kailangan nyong makapagbayad sa lalong madaling panahon kung hindi........ iyong bahay nyo ang kukunin ko". Pare pareho kaming nagulat sa sinabi niya. Bahay namin?

"Naku! Wag naman hong ganun" sabi ni inay. Ki5a ko ang takot sa kanilang mga mata. Naaawa ako sa kanila. Bakut ba nangyayari ito sa amin

Umalis na si Aling Merna. Isang malakas na buntong hininga naman ang oinakawalan ni itay.

"Magkano ho ba ang utang nyo kay Aling Merna, itay?" Tanong ko

"Limang libo" sagot ko ni itay at bumuntong hininga ulit.

Saan kami kukuha ng ganung kalaking pera. Halos kasya na yun para sa pangmatrikula ko sa paaralan

"Itay. Bakit naman ho tayo nagkaroon ng ganoong kalaking utang?" Tanong ko sa kanila. Bumuntong hininga naman uli sya bago sumagot

"Naalala nyo pa ba nung nagkasakit si Leandro at nadala sa ospital... Sa kanya kami humiram ng iyong inay ng pera para mailabas sya sa ospital" malungkot na sagot ni itay

"Eh ilang buwan na ho iyon, diba?" Tanong ni Leandro

"Oo nga, pero hanggang ngayon ay hindi parin namin nababayaran... Iyong naipon naman namin ay nagastos na rin kaya wala kaming makuhaan ng pera... Wag kayong mag aalala dahil hindi makukuha ang bahay na ito sa atin. Makakapagbayad tayo kay Laing Merna" sagot ni itay. Malaking problema ito sa amin

The Bully meet the Amazona (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang