Epilouge

1.2K 67 14
                                    

SAM POV

"Sam!!! Sobrang ganda mo talaga," sabi ni Scar habang nandito kami sa kwarto ko at nag-aayos. Inaayusan ako ng dalawang bakla na kinuha ni mommy para mag-ayos sa amin.

Ngayon na ang kasal namin ni Josh. Hindi pa rin ako makapaniwala na nagkakatotoo na ang lahat ng eto. Hindi ko akalaing ang kasalang ito ay hindi lang dahil sa hiling ni lola kundi dahil mahal namin ang isa't-isa.

"Oo nga Sam. Sure akong matutulala 'yang si Josh sa ganda mo. Dati ka ng maganda pero lalo kang gumanda," puri naman ni Crys sa akin. Nakaayos na silang dalawa. Si Crys ang magiging maid of honor ko at si Edward naman ang best man. Oo. Pumayag sila. Actually, sila rin naman ang nagdecide. Haha.

"Sam, I have a good news for you. 'Diba humingi ako ng two invitations. I gave that to Nassy and Zainna. Attend sila ng kasal mo," masayang sabi ni Crys.

"Talaga? Masaya akong makaka-attend sila ng kasal ko. Sayang at hindi man lang kami nagkasama bago ako ikasal."

"Okay lang 'yun. Pwede pa naman tayong magbonding kahit kasal ka na. Si Nassy rin naman eh kasal na tapos si Zainna, ayun patravel travel lang kasama ang boyfriend n'yang Korean. Ay naku Scarlet, ipapakilala kita sa kanila, siguradong magkakasundo rin kayo. Pare pareho kayong mga kalog," masayang sabi ni Crys. Napakasaya ko at muli kaming magkikita kita. Ang tagal kong walang balita sa kanila.

"Ano Sam, ready ka na ba?" tanong sa akin ni Crys. Nandito na kami sa tapat ng simbahan. Nasa loob pa rin kami ng kotse.

"Kinakabahan ako Crys," sabi ko sa kanya. Nakakakaba naman kasi eh.

"'Wag mong sabihing ngayon ka pa aatras. Bibigwasan kita diyan," sabi niya sa akin. Grabe naman 'toh. Kinakabahan lang aatras na agad. Hindi ba pwedeng kinakabahan lang.

"Hindi 'noh. Kinakabahan lang ako. Grabe ka," sabi ko sa kanya pero tinawanan lang n'ya ako.

"Halika na. Magsisimula na." Tinulungan n'ya akong makababa sa kotse. Nagpapasukan na ang mga bisita kaya inihanda ko na ang sarili ko. Inalalayan pa ako ni Crys na pumunta sa tapat ng pinto ng simbahan.

"Mag ready ka na. Papasok na ako," sabi niya at pumasok na sa loob ng simbahan. This is it. Ikakasal na ako. Wala na itong atrasan.

Mayamaya pa ay binuksan na ang pinto ng simbahan. Kita ko ang masasayang muka ng mga taong dumalo sa kasal namin. Sinalubong ako ni Dad at Mom at sabay kaming naglakad papunta sa altar kung nasaan ang lalaking pakakasalan ko. Nakasuot ng damit pangkasal at nakangiting nakatingin sa akin. Mayamaya lang ay magiging kabiyak ko na s'ya at tagawaging asawa ko.

"Congratulations princess. Naiiyak ako kasi hindi na ikaw ang baby namin. Ikakasal ka na," naiiyak na sabi ni Mom.

"Ako parin naman ang princess n'yo mom, kaya lang kailangan ng magpakasal ng princess at s'ya na ang magiging queen ng kanyang king," sabi ko sa kanila na ikinatawa nila. Para kaming mga bata dito eh.

"Basta, kahit kasal ka na, lagi ka paring dadalaw sa bahay natin"

"Opo mom. Lagi kaming dadalaw sa inyo"

"Sige na. Ibibigay ka na namin sa iyong king," sabi ni dad at niyakap ako.

"I love you mom, dad," sabi ko sa kanila.

"We love you too princess"

Humiwalay ako sa yakap nila at tumingin kay Josh.

"Ikaw na ang bahala sa princess namin hah," umiiyak na sabi ni mom at niyakap si Josh.

"Ako na po ang bahala Mom," sabi niya at kinamayan naman si dad. Umalis na sina mom. Nginitian n'ya ako at pumunta na kami sa altar. Eto na talaga. Magiging Mrs. Mercado na ako.

"Samantha Claire Ascaro, hindi ako nagsisisi na nakilala kita ng araw na iyon. Nagpapasalamat pa nga ako eh, kasi nakilala at minahal kita. Nagsimula tayo sa pagiging mag-kaaway hanggang sa naging magkaibigan at nalaman natin ang kahilingan nang ating lola. At ngayon, tingnan mo nga naman, ikinakasal na tayo hindi dahil sa kahilingan ng lola natin, kundi dahil sa mahal na mahal natin ang isa't isa. I promise that I will love you and take care of you and our future children. Let me say it again. Ang pag-iibigang ito ay sinimulan ng ating lolo at lola. Ipinagpatuloy ng ating mga magulang. At ngayon tatapusin nating dalawa. I love you"

"Josh Axel Mercado, nagpapasalamat din ako kasi nakilala kita. Nagpapasalamat ako kasi minahal ko ang lalaking bully sa school dati. Alam mo bang nasaktan ako kasi bigla kang nawala na parang bula. 'Yung hindi ko alam kung saan ka hahanapin. Pero hindi ko inaasahan na babalik ka at magpopropose sa akin, at ngayon, kinakasal na tayo. I promise that I will be a good wife to you and a good mother to our future children. I will do my best to take care you. I love you too"

"I pronounce you as husband and wife. You may now kiss the  bride," anunsyo ng pari.

"Yiehhhhhh!!!!"

"Congratulations!!"

Masaya ako na ngayon, Mrs. Samantha Claire Ascaro-Mercado na talaga ako. Panibagong buhay na ang haharapin ko. At hindi na ako nag-iisa dahil may asawa na akong makakasama ko sa habang buhay. May kasama na akong haharap sa hamon ng buhay.

Ngayon, dito na nagtatapos ang kwento ng isang amazonang babae at isang bullyng lalaki na nain love sa isa't isa.

Sa buhay, minsan hindi natin alam na ang taong ayaw natin ay s'ya na pala ang taong makakasama natin sa buhay. Magkalayo man at hindi magkita ng ilang araw o taon, kung kayo talaga ang para sa isa't isa, muli't muli kayong magtatagpo.

                             The End
Thank you for reading!
Lab lots!

The Bully meet the Amazona (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang