AMADO POV
"Oh Amado, saan ang iyong lakad?" tanong ni ina ng pababa na ako ng hagdan.
"Diyan lang ho sa labas, magpapahangin," sagot ko naman at inayos ang suot kong kamiseta.
"Amado anak, isa lang ang tagubilin ko sa iyo. 'Wag kang magkakagusto sa mga babae dito sa lugar natin. Hindi naman sa ayaw ko sa kanila ngunit mas maganda kung iyong mga anak ng gobernador o iyong mga babaeng taga Espanya ang magustuhan mo. Mas magiging maganda ang buhay nyo," sabi ni ina sa akin. Napatigil naman ako dahil sa sinabing iyon ni ina.
Iniisip ko iyon habang papunta ako sa lugar kung saan kami unang nagkita ni Sonya.
Magsisimula pa lamang ako ngunit parang may humahadlang na agad. Ayaw ko mang isipin ngunit iyon talaga ang pumapasok sa isipan ko.
Kinakabahan rin ako dahil 'di ko alam kung darating ba si Sonya o hindi.
Naupo ako sa lilim ng puno at kung anu-ano ang pumapasok sa utak ko tulad ng,
Bakit ayaw ni ina sa mga babae dito para sa akin?
Bakit kailangang anak ng goberbador o mga babae sa Espanya ang maaari kong magustuhan?
Ilang minuto na ako na naghihintay dito. Malapit ng magalas-siete ngunit wala parin siya. Kinakabahan na ako.
Paano kung hindi kami pareho ng nararamdaman?
Paano kung hanggang kaibigan lang talaga ang kaya n'yang ibigay sa akin?
Nakapikit naman akong sumandal sa puno.
Umaasa akong pupunta ka dito, Binibining Sonya.
Umaasa ako.
7:00 p.m.
Pupunta s'ya. Maghihintay ako.
Palakad lakad ako sa harap ng puno at 'di mapakali.
7:30
Darating ka pa ba Binibini?
Kung ito ang iyong sagot, sge tatanggapin ko.
Marahil nga ay 'di tayo pareho ng nararamdaman. Marahil hanggang dito na lang tayong dalawa.
Malungkot akong tumayo mula sa pagkakaupo ko sa lilim ng puno.
Masakit man ngunit tinatanggap ko ang kinahantungan ng pag-ibig kong ito sa iyo.
Naglakad na ako paalis ng may tumawag sa akin.
"Ginoong Amado!" Tinig ng isang babae na alam kung si Sonya.
Napangiti naman ako dahil doon at masayang humarap.
Salamat!
SONYA POV
Malapit na nang magalas-siete ngunit narito parin ako sa aking silid at nag-iisip.
'Di ko alam kung pupunta ba ako o hindi.
Oo, may pagtingin na ako sa kanya pero 'di ko alam kung tama ba ito o hindi. Mayaman s'ya at mahirap ako. Sa panahon ngayon katayuan sa buhay ang basehan ng mga tao para sa dalawang taong nagmamahalan. Ayaw ko mang pagbasehan ang mga iyon ngunit maaring maraming humadlang sa pag iibigan ito.
7:30 p.m.
Nalilito na ako. Nagdadalawang isip.
Gusto ng puso ko ngunit tutol ang isip.
Mahal ko s'ya ngunit--------
Bahala na! Pupunta ako roon. Ang mahalaga malaman n'ya ang nararamdaman ko. Pakikinggan ko na muna ang puso ko ngayon.
Dali dali kong kinuha ang lampara at maingat na lumabas sa aming bahay.
Dali dali akong pumunta sa may bukid kung nasaan ang punong mangga na tinutukoy niyang lugar kung saan kami unang nagkita.
Pagkarating ko dun ay may nakita akong tao na papaalis na roon.
"Ginoong Amado!" tawag ko sa kanya.
Humarap s'ya at kahit may kadiliman ay kita ko sa muka ang saya.
Dali dali naman itong lumapit sa akin at niyakap ako.
"Maraming salamat!" masayang sabi nito. Kahit sa kanyang boses ay ramdam ang saya.
Bumitaw ako sa pagkakayakap niya at humarap ng maayos.
"Gusto kong malaman mo na mahal rin kita. Alam kong maraming tututol sa pagmamahalan natin, ngunit gagawin ko ang makakaya ko upang ipaglaban ang pag-iibigang ito," sabi ko sa kanya na nakatingin deritso sa mga mata niya para malaman n'yang sinsero ako sa sinasabi ko.
"Mahal na mahal rin kita. Sabay nating ipaglalaban ang pagmamahalan natin," seryosong sabi nito habang hawak ang mga kamay ko. Niyakap ko naman s'ya ng mahigpit.
Bahala na, basta mahal ko s'ya. Minsan lang akong umibig.
Umupo kami sa lilim ng puno habang nakasandal ako sa kanya at magkadaop ang aming mga kamay.
"May isang kahilingan ako sa iyo," sabi ko sa kanya at bahagyang tumingin.
"Ano iyon? Gagawin ko para sa iyo aking sinta," sabi niya. Napakasarap pakinggan "aking sinta".
"Maaaring bang huwag na muna nating ipaalam sa iba ang tungkol sa atin?" tanong ko sa kanya.
"Iyan rin sana ang ipapakiusap ko. May sinabi kasi ang ina na bawal akong umibig sa babaeng tagarito. Kung iyan ang gusto mo, gagawin natin," sabi n'ya. Napatigil naman ako dahil sa sinabi n'yang iyon.
Bawal s'yang umiibig sa babaeng tagarito.
Ibig sabihin, tutol ang kanyang ina sa amin.
"Ngunit 'wag kang mag aalala, kung malaman man nila ay gagawa ako ng paraan upang 'di nila tayo mapaghiwalay. Sabay natin ipaglalaban ang pagmamahalang ito. Mahal na mahal kita," sabi niya at yinakap ako ng mahigpit.
"Mahal na mahal rin kita," sabi ko sa kanya.
Ilang minuto pa rin kaming nagtagal doon bago nagpaalam sa isa't isa.
"Umuwi na tayo Sonya," sabi niya.
"Sige mag-iingat ka," sabi ko naman.
"Magkita tayong muli sa ilog bukas ng hapon. Hihintayin kita," sabi nito sa akin at hinalikan ang likod ng aking kamay.
"Darating ako," nakangiting sabi ko.
"Mahal na mahal kita"
"Mahal na mahal rin kita aking Sonya"
'Di ko mapigilan ang kilig na aking nadarama.
Nakangiti naman akong nakatulog.
Minsan lang akong magmahal at handa akong gawin ang lahat upang ipaglaban ito. Hindi ako susuko hangga't kaya ko.
Vote and comment.
KAMU SEDANG MEMBACA
The Bully meet the Amazona (COMPLETED)
Teen FictionSamantha, isang exchange student sa RBU. Maganda, matalino ngunit may pagka-amazona. S'ya ay kinatatakutan sa kanyang school dahil sa pagiging Amazona. Malaki ang ginampanan ng pagiging exchange student n'ya sa takbo ng buhay n'ya. Dito s'ya nagkaro...