Chapter 47: Talk

556 30 2
                                    

SAM POV

"Excited na talaga ako sa kasal ng mga anak natin, balae," ngiting ngiting sabi ni mom may tita. Sila kasi  ni tita ang magkasama. Balae? What the heck?

Nandito na kami sa labas ng restaurant at walang tigil parin ang kwentuhan nilang dalawa about sa kasal namin.

"Ako rin. Kung pwede nga lang na mas maaga na eh. Excited talaga ako para sa dalawang bata. Excited na rin akong maging magbalae tayo," sabi naman ni tita.

Nahuhuli kami ni Josh na maglakad. Nakikinig lang kami sa usapan nila. Partner partner ka nga eh. Si lola and Sir Amado ang magkasama. Tapos sina dad at Tito. At s'yempre, ang mga excited naming mommies na wala ng ibang sinabi kundi kasal, kasal.

"Anak, ikaw na ang maghatid kay Sam para makapagbonding naman kayo. Hihihi," kinikilig na sabi ni tita. Tumango na lang si Josh.

"Sige na, mag-iingat kayo," paalala ni Lola sa amin. Magkasabay sila ni Sir Amado dahil mag-uusap pa daw sila. Hindi ko talaga akalain na may ganun silang nakaraan tapos dinmay pa kami.

"Mag-iingat din ho kayo. Josh ingatan mo uyang princess ko," sabi naman ni Mom may Josh

"'Wag ho kayong mag alala tita, ako na po ang  bahala sa kanya. Ihahatid ko po s'ya  nang maayos," nakangiting sabi nito at tumingin sa akin.

"Aww. Ang sweet talaga ng anak ko," nakangiting sabi ni tita at niyakap ang anak. "Mag iingat kayo hah," Nakipagbeso s'ya sa akin at kanya kanya na ng alis.

Pinagbuksan naman ako ng kotse ni Josh. Agad akong sumakay at nagpasalamat. Umikot s'ya sa driver's seat saka binuhay ang makina. Nakakabinging katahimikan ang namayani sa pagitan namin. Ayaw ko namang magsalita dahil 'di ko alam ang sasabihin ko.

Payag kaya talaga s'ya na ikasal kami? Hindi ba s'ya tutol?

"Ahmmm. Talaga bang pumapayag ka sa kasal na ito?" tanong niya sa akin kaya napatingin ako sa kanya. Buti naman s'ya na ang unang nagsalita.

"Ahmmm. Sa totoo lang, hindi talaga," pag-amin ko.

"Halata nga. Mukang napipilitan ka lang eh," natatawang sabi niya.

"Eh ikaw ba? Pumapayag ka ba sa kasal?" balik na tanong ko sa kanya.

"Ayaw ko rin pero, gusto ni lolo eh at tsaka minsan lang humiling sa akin si lolo eh,"sagot niya.

"Kahilingan ng lolo mo? Susundin mo 'yun kahit 'di mo sure kong magiging masaya ka ba?" tanong ko. Susundin n'ya porke hiling ng lolo n'ya? Paano kung 'di maging maayos ang kalabasan at pagsisihan n'ya sa huli.

"Eh Ikaw, bakit pumayag ka?"

"Anong pumayag? 'Di kaya ako pumayag," tutol ko agad. Eh hindi naman talaga ako pumayag eh.

"Eh bakit sumang-ayon ka na magdate tayo sa bakasyon?" tanong na naman n'ya.

"Halata namang napipilitan lang ako kanina, -diba?" sagot ko kaya natawa naman s'ya.

"Pumayag ka parin naman. Gusto mo lang talaga akong makadate. May pangiti ngiti ka pa nga kanina eh," nakangiting sabi nito na parang nang-aasar.

"Hindi kaya. May iniisip lang ako kaya napangiti ako kanina. Eh ikaw ba? Payag ka sa date na 'yun?" tanong ko sa kanya.

"Oo naman," deritsong sagot n'ya.

"Hah?" gulat na tanong ko. Hindi ko kasi inaasahan na 'yun ang isasagot niya. Alam naman n'yang ayaw ko tapos papayag s'ya sa date na 'yun.

"Eh bakit hindi ako papayag? Eh magkaibigan naman tayo, 'diba? Pwede naman nating tawaging friendly date lang." Oo nga naman, magkaibigan kami. Pwede na din 'yung friendly date. Pero ayaw ko pa rin, hindi ko alam ginagawa dun. Sa nabasa ko pwede kayong kumain, magpunta sa kung saan tapos pwede ding manood ng sine. Eh hindi naman ako mahilig dun

The Bully meet the Amazona (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang