Chapter 43: THE HISTORY: Ang Pagpapaalis

323 18 0
                                    

SONYA POV

"Hindi ko na alam ang nangyayari. Bakit nagkakaganito ang mga pananim natin?" Iyak ni Aling Ester. Ang iba rin mga kasamahan namin ay nag-iiyakan na rin.

Sino ba naman ang hindi maiiyak sa nangyayaring ito?

Halos dalawang linggo ng may sumisira sa mga pananim namin. Kung sa mga nagdaang araw ay tanim lang ang nasisira ngayon, pati ang mga hayop ay napepeste na rin.

Nasabi ko na ito kay Amado ng minsang nagkita kami at sabi niya ay tutulong siya sa amin.

At isa pa iyon sa inaalala ko. Hindi na kami halos makapagkita dahil bantay sarado siya sa kanila. May mga gwardya na nakabantay sa kanilang mansyon kaya 'di s'ya makaalis ng basta basta.

Tutol na tutol talaga si Donya Esmeralda sa aming dalawa.

"Psssst! Pssst!"

Naalintana ang aking pag-iisip ng biglang may sumitsit

"Sonya!" mahinang sigaw ng nasa labas kaya agad kong binuksan ang bintana ng aking silid dahil alam kung si Amado iyon.

"Anong ginagawa mo diyan?" mahinang tanong ko sa kanya na nakatago sa isang halaman malapit sa bintana ng aking silid.

"Narito ako para makita ka" nakangiting sabi niya sa akin kaya napangiti na rin ako.

"Halika, pumasok ka na sa loob. Sa pinto ka na dumaan," nakangiti pa ring sabi ko kaya nagtaka naman s'ya.

"Per-----------Sige na."

Nag-aalala siguro s'ya dahil hindi pa niya alam, na alam na nina inay ang tungkol sa amin.

Lumabas ako ng silid at agad na pinagbuksan siya ng pinto at baka mamaya may makakita pa sa kanya na ibang tao.

"Baka makita nila ako," nag-aalalang sabi n'ya. Ngumiti na lamang ako sa kanya at pinaupo s'ya sa sopa namin.

"Inay, itay! May bisita ho ako," nakangiting tawag ko kay na inay at itay. Sabay naman silang lumabas pati na rin sina Leandro.

Agad namang napatayo si Amado ng makita sina itay. Napangiti naman ako dahil dun.

"Inay, itay, s'ya po si Amado..Amado, ito naman ang aking inay at itay tsaka mga kapatid ko," pagpapakilala ko sa kanila.

"M-magandang gabi po," magalang na sabi niya at inabot ang kamay nina itay at inay para magmano.

"Magandang gabi rin naman," sabi ni itay. "Maupo ka"

Naupo naman kami. Naupo ako sa tabi ni Amado. Sina inay naman ay magkatabi na nasa harap namin at nasa gilid naman ang dalawa kong kapatid na may nanunuksong tingin.

"Alam na namin ang tungkol sa inyo ng anak ko," panimula ni itay. Napatingin naman sya sa akin kaya nakangiting tumango ako.

"Hindi ko kukuwestyonin ang pagmamahal mo sa anak ko dahil alam kong mahal ka rin ng anak ko. Alam ko na rin ang nangyari sa inyo noong nakaraang linggo at sana naman ay hindi makasira sa anak ko ang mga pagbabantang iyon, ng iyong ina," seryosong sabi ni itay.

"'Wag ho kayong mag alala, paulit ulit ko pong kinakausap ang aking ina tungkol sa bagay na ito," magalang n'yang sagot.

"Mabuti naman. Ngunit itong nangyayari sa bukid ay talagang nakakabahala na, parang sinasadya na ang nangyayaring pagkapeste ng mga hayop at ang pagkakamatay ng mga halaman. 'Wag mo sanang mamasamain ito, ngunit iniisip ko na baka isa ito sa mga paraan ng iyong ina para pahirapan kami."

"'Wag ho kayong mag alala, hindi ko naman ho kayo masisisi na pag-isipan ng ganyan ang aking ina, pero para mapalagay kayo ay kakausapin ko si ina," sagot niya.

The Bully meet the Amazona (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang