Chapter 49: The Real Story

558 25 0
                                    

SCAR POV

Haysss. Ang ganda ganda talaga ng gising ko. Kita n'yo bang napanaginipan ko si Seth. Tapos  dun sa panaginip ko ay kinasal daw kami. Beach wedding daw kasi 'yun naman talaga ang gusto ko. Ang saya saya ko talaga. Iba na talaga ang tama ko sa kanya. Hehe. Pati sa panaginip ko nakikita ko sya.

"HOY!"

"Ay si Seth ko," nasabi ko sa gulat. Huli na para bawiin ang sinabi ko dahil narinig na ito ni Edward. Isa namang mapanuksong tingin ang nakuha ko sa kanya.

"Oyyy!!! Iniisip n'ya si Seth," panunukso nito sa akin at sinusundot pa ang tagiliran ko.

"Ano ka ba? Manahimik ka nga. Kita mong nagbabasa 'yung tao eh," sagot ko sa kanya. Sabihin pa nito kay Seth na may gusto ako dun.

"Nagbabasa? Kaya pala kanina ka pa nakatulala diyan. Haha." Kita mo 'toh pinagtatawanan pa ako.

"Ewan ko sa'yo. Magbasa ka na nga lang diyan," sabi ko sa kanya. Eto naman kasing si Seth, pumasok pasok pa sa panaginip ko 'yan tuloy, 'di ako makapagconcentrate sa pag-aaral ko.

"Oy! Alam mo na ba kung paano nagkakilala 'yung dalawa mong manliligaw?" tanong ni Edward. Kita mo 'toh, kalalaking tao napakachismoso.

"Hindi ko alam kaya magbasa ka na lang diyan," pagtataray ko sa kanya kaya  naman nanahimik na s'ya. Teka bakit kaya wala na naman 'yung dalawa? Saan ba talaga nagpupunta 'yun?

"Oy Edward, nasan na naman 'yung dalawa?" tanong ko sa kanya.

"Hindi ko rin alam. Magbasa ka na lang din diyan," pagtataray din nito. Tingnan mo 'toh? Hmmm, sarap mong kutusan.

"Sige alis muna ako," paalam ko sa kanya. Pupunta lang ako sa library para humiram ng libro para sa isang  subject namin.

"San ka pupunta?" tanong n'ya sa akin.

"Sa library lang," sagot ko.

"Teka sama ako," sabi n'ya at agad na tumayo.

"'Wag na. Andyan na si Crys oh," sabi ko at ininguso ang papalapit na si Crys. Napangiti naman ang loko.

"Sige. Kita na lang tayo mamaya sa room," nakangiting sabi niya at inayos ang damit n'ya na medyo gusot na. Tsk! Tsk!

Umalis na ako dun. 'Di ko na inintay na makarating si Crys. Sininyasan ko na lang s'ya na aalis na ako. Tumango naman ito.

Hayss. Sobrang excited na talaga akong grumaduate. Hehehe.

"Akala mo ba hindi ko malalaman ang ginagawa mong ito." Napatigil ako sa pagbabasa ng may marinig akong nagsasalita. Sino kaya 'yun? 'Di ba nila alam na bawal mag ingay sa library? Grabe naman 'yung mga 'yun. College na eh. Tsk! Tsk!

"Eh ano naman ngayon. Siguguraduhin ko talagang magbabayad ka sa ginawa mo sa amin ni Jessa." Mukang galit na sabi noong isang lalaki. Nai-ingayan na ako sa kanila eh. Tumayo ako para hanapin ang boses na iyon para sawayin. Wala naman sila dito sa loob ng library.

"Talaga bang pati childhood bestfriend mo, gagamitin mo para lang makaganti. Your pathetic," sarkastikong sabi uli nang naunang nagsalita kanina. Teka nga. May kaboses s'ya eh

"Pathetic na kung pathetic, pero hindi ako titigil hangga't 'di mo nararanasan lahat ng naranasan ko ng mawala si Jessa. Pasalamat ka nga dahil 'di pa ako ganun kasama para tuluyan na si Scarlet eh. Pasalamat at mahal ko rin ang kaibigan ko." Teka! Pangalan ko 'yun ah. Familiar talaga ang mga boses nila at bakit kasama ako sa usapan nila. Pasalamat dahil hindi pa s'ya ganun kasama. Bakit papatayin rin n'ya ba ako dahil lang dun sa babaeng 'yun. Ay sino ba kasi 'yun. 

The Bully meet the Amazona (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang