SAM POV
Maaga akong gumising ngayon. Haysss naiinis parin ako kay Andrea. Talagang dun pa s'ya pumasok, eh sa dami ng school dito. Tsk!
Papansin talaga kahit kailan. Talagang sinabi pa talaga na ako dahilan n'ya kaya dito s'ya pumasok. Kapal ng muka.
Makapag ayos na nga lang kesa isipin ko pa ang babaitang 'yun.
Mabilis akong nag ayos at pumunta na sa school. Sana naman ay 'di makaisip ng kabalbalan ang babaeng 'yun at huwag akong guluhin. Nakakasakit s'ya ng ulo. Nakakainis!
Pagkarating ko sa school ay pinark ko agad ang car ko at naglakad na papuntang school. Tahimik naman nung dumaan ako sa hall kagaya ng dati. 'Di katulad kahapon na puro bulungan. Buti naman at tumahimik na sila. Nakakarindi kasi.
Matiwasay naman akong nakarating sa room at walang sagabal na babaeng ipokrita ang nakasalubong.
Mabilis lumipas ang 2 hours kaya ngayon ay break time na namin. Kagaya ng dati ay mag isa parin akong pupunta sa canteen at mag-iisnack.
'Ang ganda talaga niya'
'Ngayon ko lang nakita na ang ganda n'ya pala'
'Muka kasi s'yang mataray dati. Pero ngayon ang amo ng muka n'ya'
'Kung dito din sana napasok si Crystal. Sila sigurong dalawa ang queen ng school na 'toh'
Bigla naman akong napatingin sa mga babaeng nag uusap kaya nagulat sila.
"Sorry," sabi nila at yumuko pa.
"Nah, it's okay. Pwede bang magtanong?" nakangiting tanong ko sa kanila. Nagulat naman sila, para bang 'di nila inaasahan na kakausapin ko sila. Tsk!
"Oo naman," nakangiti nilang sagot.
"Ahmmm, sino nga pala ang ka-exchange student ko?" tanong ko sa kanila. 'Di man lang kasi sinabi sa akin at nakalimutan ko rin namang itanong kina Scar.
"Ah 'yun ba. Hehehe. Si Crystal Aliejha Monticello," sagot nila. Napatulala naman ako sa sinabi nila. 'Di ako pwedeng magkamali.
S'ya 'yun. Alam kong s'ya 'yun dahil nararamdaman ko rin.
"Sam, ok ka lang?" Napatingin naman ako sa kanila at ngumiti na lang.
"Salamat," sabi ko at umalis na. Tulala ako habang papunta sa canteen. Iniisip ko kung s'ya ba talaga 'yun. Posible. Malay ko ba na bumalik na sila sa. Kailangan ko silang makita. Gusto ko silang makita. Marami ako-----------------
BOGGSSHHH!!!!
Aray ko po! Tsk! Kamalasmalasan naman oh.
"Ano ba? 'Di ka ba tumitingin sa dinadaanan mo hah?!" Napatingin naman ako sa nabangga ko at sa sobrang malas ko ay si Andrea pa talaga. Basa na ang damit n'ya. May dala siguro s'yang tubig kanina o something na pwedeng makabasa sa kanya. Tsk! Bakit ba ako nag eexplain.
"Pasensya na," sabi ko dahil alam kong ako ang may mali.
"So ganun na lang 'yun? Alam mo bang napakamahal nito na mas mahal pa sa buhay mo? Hah?" 'Yan naman tayo sa mas mahal pa sa buhay ko eh. Parehas sila ni A---- Nevermind. Namimiss ko lang sila. Lalo na 'yung lokong 'yun. Tsk! Tsk!
"Nagsorry na nga, 'diba? Kasi 'di nga ko sinasadya," pigil ang inis na sabi ko sa kanya. Pero dahil ipinaglahi yata sa kung anong elemento ang babaeng ito ay 'di pa tumigil. Bwisit talaga.
"Anong tingin mo sa'kin maniniwala sayo? Baka namam gumaganti ka lang dahil dun sa nangyari sa may cr," natatawa n'yang sabi. 'Di ako katulad mong immature.
KAMU SEDANG MEMBACA
The Bully meet the Amazona (COMPLETED)
Dla nastolatkówSamantha, isang exchange student sa RBU. Maganda, matalino ngunit may pagka-amazona. S'ya ay kinatatakutan sa kanyang school dahil sa pagiging Amazona. Malaki ang ginampanan ng pagiging exchange student n'ya sa takbo ng buhay n'ya. Dito s'ya nagkaro...