AMADO POV
Napakasaya para sa akin na simulan ang araw ang araw na ito.
Masaya ako dahil pareho kami ng nararamdaman ni Sonya para sa isat isa.
Ngunit ako'y nangangamba sa sinabi ni ina na bawal akong umibig sa babaeng tagarito. 'Di ko alam kung anong ibig sabihin ni ina. Bakit ayaw niya? Anong pinagkaiba ng babaeng tagarito sa mga babae sa Espanya?
Hindi ko alam kung kailan ko masasabi kay ina ang tungkol sa amin ni Sonya lalo na at aking nahihinuha na maaari s'yang tumutol sa amin dahil sa mga sinabi niyang iyon.
Kung tumutol man si ina ay gagawin ko ang lahat para ipaglaban ang pagmamahal ko kay Sonya lalo na at handa rin n'ya akong ipaglaban.
Alam kung isa lamang itong pagsubok para sa aming dalawa.
Narito ako sa aking silid at iginuguhit ang muka ni Sonya. Napakaganda talaga niya at napakabait pa. Hindi ako nagkamali na minahal ko s'ya.
Tok! Tok!
"Ginoong Amado! Pinapatawag na po kayo ng inyong ina para sa pananghalian," dinig ko sabi ni Nanay Melda ang punong katulong dito ni ina.
"Pupunta na ho ako," sabi ko at itinabi ang mga ginamit ko sa pagguhit. Isiningit ko naman sa isang libro ang aking iginuhit at inilagay sa isang kahon. Hindi ito maaaring makita ni ina.
Bumaba na ako roon at nakita si ina na nakaupo na sa kanyang upuan.
"Halika na hijo. Tayo'y managhalian na," pag-aaya sa akin ni ina.
Kumain kami at maraming ikinuwento sa akin si ina habang kumain. Napakasaya talaga niyang kausap. Ang nais ko lamang ay matanggap n'ya ang sa amin ni Sonya.
"Hijo. Samahan mo akong mamasyal sa may talon mamaya. Kaytagal na nating 'di nakakapamasyal na tayong dalawa lamang," nakangiti nitong sabi. Napakaganda nang kanyang mga ngiti na mahahalina ka ring ngumiti.
"Kung iyon ay iyong gusto ina," nakangiti ring sagot. Marami pa rin kaming napagkwentuhan bago makatapos sa pagkain.
Pagdating ng hapon ay nagpunta nga kami ni ina sa may talon. Napakaganda ng lugar na ito. Napakasariwa ng hangin. Nais kong dalhin si Sonya dito upang makita n'ya ang ganda ng lugar na ito. Bagay ito sa isang napakagandang Binibini.
Naupo kami ni ina sa sapin na inilatag namin sa damo.
"Napakaganda dito, hindi ba?" tanong sa akin ni ina.
"Opo ni ina. Napakasarap sa pakiramdam ng sariwang hangin," sagot ko naman at dinama ang sariwang hangin.
"Amado, marami akong pangarap sa iyo," panimula ni ina. Tahimik naman akong nakinig sa mga sinasabi niya. "Sinabi ko sa iyong huwag kang iibig ng mga babaeng tagarito dahil, marami sa mga babae dito ay hindi nakapag aral. Mahirap at walang magandang kinabukasan a---------
"Ina, hindi naman lahat ng tagarito ay walang pinag aralan. Ang iba naman ay nagsusumikap para makapagtapos sila. 'Di ko kayo maintindihan," pagpuputol ko sa sasabihin n'ya.
"Anak, makinig ka. Oo, meron ngang iba diyan na nag aaral ngunit wala parin silang magandang kinabukasan lalo na at nandito lamang sila. Pagbubukid lamang ang tanging alam. Kung ang tagaEspanya ang iyong magiging kabiyak, tiyak na may maganda kang kinabukasan. Mayayaman sila at may mga pinag-aralan," paliwanag pa rin ni ina pero 'di ko pa rin makuha ang ipinupunto niya.
"'Di ko pa rin kayo maintindihan ina. Anong kinalaman nang kayamanan sa taong mamahalin ko. Kung magmamahal man ako ina, ay iyong taong talagang mahal ko, hindi dahil sa yaman na meron s'ya," inis na sabi ko kay ina pero naroon pa rin ang pagrespeto ko sa kanya. Tumayo na ako at aalis na sana.
"Sundin mo ang sinabi ko Amado. Dahil 'di ako makakapayag na isang hampas lupa ang magiging kabiyak mo. Magdurusa ang babaeng iyon," may halong pagbabantang sabi niya. Umalis na ako dun at umuwi sa aming bahay. Nagkulong ako sa aking silid at hindi na lumabas hanggang kinagabihan kahit pa tinawag ako ni ina para sa hapunan.
Kung ganun ang gagawin ni ina, hindi ako makakapayag. Hindi siya ang magdidikta kung sino ang taong mamahalin ko. Ako ang pipili ng babaeng mamahalin ko dahil puso ko ito. Ako nangmamay ari nito. Ako ang magmamahal at hindi sila
Vote and comment.
KAMU SEDANG MEMBACA
The Bully meet the Amazona (COMPLETED)
Teen FictionSamantha, isang exchange student sa RBU. Maganda, matalino ngunit may pagka-amazona. S'ya ay kinatatakutan sa kanyang school dahil sa pagiging Amazona. Malaki ang ginampanan ng pagiging exchange student n'ya sa takbo ng buhay n'ya. Dito s'ya nagkaro...