AMADO POV
"Tok! Tok!"
"Ginoong Amado, kakain na raw po kayo, sabi ni Donya Esmeralda," dinig kong sabi ni Aling Gina.
"Sabihin n'yo hong wala akong gana," sabi ko habang nakahiga sa aking kama. Naiinis ako.
Bakit ba ayaw na ayaw n'ya kay Sonya at isa pa, pinahiya n'ya ito sa harap ng pamilya n'ya.
"Amado! Anak. Lumabas ka na riyan at kakain na," dinig kong sabi ni ina pagkalipas ng ilang minuto.
"Wala nga ho akong ganang kumain. Umalis na ho kayo," may halong inis na sabi ko. Isinubsob ko na lamang muka ko sa aking una at tinakpan ang tenga.
Kailangan kong makita si Sonya. Kailangan ko s'yang makausap. Mababaliw na ako kakaisip dito. Kailangan kong makatakas sa mga gwardiya ni ina.
Bahagya kong binuksan ang bintana at sinilip ang mga gwardiya. Ang dalawa ay nasa may pinto ng mansion. May dalawa rin na nasa may tarangkahan at may isang naglilibot. Makakaalis ako dito at itong naglilibot lamang ang kailangan kong iwasan.
Ikinandado ko ang pinto ng aking silid at dahan dahang umakyat sa bintana papunta sa unang palapag ng aming bahay. Maingat ako sa paglalakad ng ako ay makababa na. Hindi nila ako maaring makita. Umakyat ako sa pader namin sa likod bahay at nagpapasalamat na walang nakakita sa akin. Kailangan kong pumunta sa bahay nila.
Naglakad ako papunta sa kanila. Nakangiti at masaya dahil nakaalis ako ng mansion namin ng walang nakakakita.
"Sonya! Sonya!" tawag ko sa kanya ng nasa tapat na ako ng kanilang bahay. Nakasarado kasi at napakatahimik.
"Sonya! Nariyan ba kayo?" tawag kong muli at kinatok na ang pinto. Hindi ko alam pero may sumilay na kaba sa akin.
"Sonya!"
"Ginoong Amado!" Napalingon ako ng may tumawag sa akin. Isang may katandaang lalaki ang tumawag sa akin. Hindi ko naman siya kilala kaya hindi ko alam kung papaano magsasalita.
"Sina Sonya ho ba ang hinahanap mo?" nakangiting tanong nito kaya tumango ako.
"Naku! Kagabi pa ho sila umalis. Lilipat na raw po sila ng tirahan," sagot nito. Laglag pangang humarap ako sa kanilang bahay. Hindi ko alam kung gagawin o sasabihin.
Umalis?
Lilipat ng tirahan?
Bakit? Iniwan n'ya na ba ako?
Hindi ko na napigilan ang pagdaloy ng mga luha sa aking pisngi. Bakit? Bakit ka umalis, Sonya?
Umiiyak akong umalis sa kanilang bahay. Hindi ko alam kung saan ako pupunta o sinong pupuntahan ko para hanapin sila.
Para akong baliw na naglalakad habang umiiyak.
Isang lugar, isang lugar ang gusto kong puntahan sa mga oras na ito. Isang lugar lamang.
Pinahid ko ang aking mga luha at naglakad sa lugar kung saan ko s'ya unang nakilala. Sa puno ng mangga na nasa bukid.
Naupo ako at sumandal sa puno ng mangga at inaalala ang mga masasayang sandali naming dalawa doon.
Saganang dumaloy muli ang mga luha sa aking pisngi. Bakit Sonya? Bakit?
Tumingala ako para mapigilan ang pag-iyak nang mapansin ko ang isang bote na nakapatong sa sanga kung saan n'ya ako nakita.
Inabot ko iyon at sabay sa pag-alis ko noon ay ang pagkahulog ng isang larawan. Ang larawan ng aking minamahal. Tumulo na naman ang aking luha. Tiningnan ko ang bote at may papel na nakapilot doon.
KAMU SEDANG MEMBACA
The Bully meet the Amazona (COMPLETED)
Teen FictionSamantha, isang exchange student sa RBU. Maganda, matalino ngunit may pagka-amazona. S'ya ay kinatatakutan sa kanyang school dahil sa pagiging Amazona. Malaki ang ginampanan ng pagiging exchange student n'ya sa takbo ng buhay n'ya. Dito s'ya nagkaro...