Chapter 45: What's Your Plan?

590 29 0
                                    

SAM POV

Hanggang ngayon ay hindi parin mai-alis sa aking isipan ang mga nalaman ko nang umagang iyon sa Tagaytay. Hanggang ngayon ay naiisip ko pa rin ang mga iyon.

Bakit kailangan pang magkaroon ng ganoong pangako?

Naiintindihan ko naman na talagang minahal nila ang isa't isa noon. Pero bakit kailangan pang gawin namin ito? Hindi ba pwedeng kalimutan na lang nila iyon. Tutal matagal na panahon na naman iyon. At saka hindi na uso sa panahon ngayon ang mga fix marriage.

Nakakainis naman oh.

"So, anong plano mo?" tanong sa akin ni Scar. Kasama ko kasi s'ya ngayon dito sa kwarto. Pinapunta ko talaga s'ya dahil gusto ko ng makakausap dahil litong lito na ako. Si Crys ay wala dahil may mga requirements daw s'yang kailangang tapusin. Hingi nga s'ya ng hingi ng sorry dahil 'di daw n'ya ako madadamayan. Sabi ko, okay lang dahil nandito naman si Scar.

"Di ko alam," iiling iling na sagot ko at nahiga sa kama.

"Pero alam mo? Nakakaawa din silang dalawa. Alam mo 'yung, mahal mahal n'yo ang isa't-isa pero hindi kayo pwede. Tapos mismong magulang ni Sir Amado ang ayaw sa kanila. Nakakaawa sila. Ang lungkot ng lovestory nila," sabi ni Scar na tumabi sa sa akin sa pagkakahiga. Ikinuwento ko rin kasi sa kanya 'yung ikinuwento ni lola sa akin.

Isang linggo na ang nakakalipas simula ng malaman ko iyon. At isang linggo na rin akong 'di makapagconcentrate sa school. Bigla na lang kasing pumapasok sa isip ko. Hindi ko rin kinokontak iyong tatlong lalaki lalo na si Josh. Eh ano namang sasabihin ko?

"Bakit hindi kayo mag-usap ni Josh?"

"Eh ano naman sasabihin ko? At tsaka hindi pa nga ako magkakaboyfriend tapos ganitong malalaman ko na engage na pala ako. Tapos sa kaibigan ka pa," reklamo ko.

Kaibigan nga lang ba talaga? Tanong ng utak ko.

"Eh natanong mo ba s'ya, kung kaibigan lang ba ang turing n'ya sa'yo?"

"Hindi. Pero, Hindi naman s'ya nagpaparamdam kaya sigurado akong magkaibigan lang kami," sagot ko. Kasi 'yun naman talaga ang totoo. Totoo nga ba talaga? Haysst!

"Sure ka ba?" taas kilay na tanong nito. Napaisip naman uli ako doon.

"O- hin- Ewan ko! Hindi ko alam," naguguluhang sabi ko at napakamot na lang sa ulo. Natatawa naman s'ya dahil doon kaya kinunutan ko s'ya ng noo.

"Oh, kita mo na. Kahit sa sarili mo hindi mo alam kung magkaibigan lang ba talaga kayo ni Josh. Masyado ka kasing manhid."

"Pakiulit nga nang huli mong sinabi. 'Di ko kasi masyadong narinig," sabi ko sa kanya dahil binulong n'ya iyong huling sinabi n'ya.

"Naku, 'wag na. Wala lang 'yun," sabi n'ya saka tumayo at kinuha ang apple sa mesa ko.

"'Di ko alam kung gagawin ko dahil sa engagement na 'yun. Tsaka alam mo naman 'diba na wala pa akong planong pumasok sa mga relasyon. Tapos ito, engage na ako tapos ang malala pa eh ang kasal ay pagkagraduate namin. Eh 3 weeks na lang eh na lang gagraduate na tayo," reklamo ko uli. Nafufrustate na talaga ako.

"Okay lang 'yun. Kayong dalawa naman ni Josh ang ikakasal eh. Eh di bye-bye sa pagiging single mo. Hahah. Tsaka 'diba sabi mo, magkaibigan kayong dalawa kaya alam n'yo na ang ugali ng isa't-isa"

"Kahit na. Madami akong plano pagkagraduate  ko. Marami pa akong gustong gawin bago mag settle down"

"Eh 'di kausapin mo uli ang lola mo. Sabihin mo na 'wag na ituloy ang kasal o kaya sabihin mong bigyan ka ng ilang years bago nagpakasal," suggestion niya. Pero ayaw ko parin.

"Ayaw ko parin. Paano kung bigyan nga nila ako ng ilang years, pero ikakasal pa rin ako kay Josh. Paano kung hindi ko talaga s'ya mahal sa time na 'yun? Matutulad ba ako sa kanila na ikinasal sa taong 'di naman nila mahal?" Bwisit kasi na engagement 'yan.

"Oo nga noh? May point ka rin naman. Ayaw ko ring makasal sa taong 'di ko naman mahal. Pero sa inyong dalawa ni Josh hindi malabong magustuhan n'yo ang isat isa. Heheh." May gusto nga pero hindi ganun kalala.

"Nakakainis ka rin, 'noh? Bakit ba parang gusto mo ring ikasal kami ni Josh, hah?" tanong ko sa kanya. Kanina pa s'ya eh. Sasang-ayon s'ya sa akin tapos mayamaya papayag na ikasal kami.

"Eh kasi naman, bagay kayo eh. Heheh," parang kinikilig na sabi niya.

"Anong bagay? Ikaw talaga imbis na tulungan mo akong mag isip kung anu-ano pa ang sinasabi mo diyan"

"Eh sa bagay nga kayo eh, hehe," ulit n'ya pa kaya binato ko s'ya ng unan na agad naman n'yang nasalo. Tinawanan naman nya ako. Nakakainis.

"Tumigil ka na nga. Ewan ko sa'yo, kapag sa inyong dalawa nangyari 'toh, ni Seth"

"Okay lang. Heheh. Matagal ko naman na s'yang crush. Hehehe," kinikilig n'yang sabi kaya nabato ko na naman s'ya ng unan. Grabe naman 'toh.

"Kainis ka talaga," reklamo ko sa kanya. Talagang gustong gusto n'ya pang makasal sila ni Seth. Sabagay mukang may gusto din naman sa kanya si Seth. S'werte nitong dalawang ito.

"Bakit ba hindi kayo mag-usap ni Josh o kaya naman mag date kayo tapos pag -usapan n'yo 'yung tungkol doon," suggestion nya. Ok naman pero, DATE??!!

"Ano? Tawagan ko na ba s'ya tapos sabihin kong date kayo?" may halong pang aasar na tanong niya kaya kinunutan ko s'ya ng noo. Baliw talaga kahit kailan.
L

"'Wag! Ayaw ko pa s'yang makita. Nahihiya ako at tsaka 'di ko alam sasabihin ko kapag nagkita kami"

"So, what's your plan?"

Ano ng bang plano  ko? May Plano ba ako?

Wala. Nganga

Vote and coment.

The Bully meet the Amazona (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang