Chapter 17: Acquaintance Party

793 35 0
                                    

SAM POV

Excited na ako dahil nga first time kong umattend sa ganitong party. Dati kasi ay wala akong kagana-ganang magsasali sa mga ganito. Maigi pang gumawa na lang mga project ko at maghapong magbasa sa kwarto ko. Pero ngayon kakaiba ang nararamdaman ko, Excited ako. Dahil siguro, may makakasama ako ngayon. May dahilan ako para umattend sa party na iyon.

Tok! Tok!

"Come in," sagot ko dun sa kumatok. Pumasok naman si mom at malawak ang ngiting lumapit sa akin.

"Hi baby," bati ni mom.

"Hi mom,'' sagot ko naman. Suot ko na ngayon ang gown ko.

"You look so beautiful in your gown. Ang galing ko talagang pumili. hehehe," nakangiting sabi ni mom.

"Thank you mom," malambing kong sabi at niyapos s'ya. Kahit na ganito ang edad ko ay di nawala ang closeness ko sa parents ko at pagiging malambing sa kanila. Di na mawala eh.

Tok! Tok!

"Come in," sabi ni mom at pumasok naman si Cherry. Remember him? S'ya 'yung manager dun sa boutique ni mom.

"Nandyan ka na pala," sabi ni mom

"Good evening gorgeous ladies," nakangiti nitong sabi.

"Good evening," bati ni mom.

"Good evening," sabi ko naman.

"Simulan ko na po madam ang pag aayos sa anak n'yo. Hmmmm, mukang di na kailangan ayusan to Madam, napakaganda na," nakangiti n'yang sabi. Natawa naman kami dun ni mom.

"Kanino pa ba magmamana?" pag mamayabang ni mom.

"Eh 'di sa napakagandang ina," sagot naman nito kaya nagtawanan kami.

Makalipas ang ilang minuto ay natapos na ang pag aayos sa akin.

"Perfect!" bulalas ni chery at manghang nakatingin sa akin. "Napakaganda mo talaga."

"Thank you," naiilang na sabi ko.

"Mauna na ako madam. Enjoy your party Ms. Beautiful," nakangiting sabi nito.

"Ok. Thank you very much," pagpapasalamat ni mom.

"Your welcome madam," sabi nito at tuluyan ng umalis.

"Napakaganda mo talaga baby," nakangiting sabi ni mom habang pinagmamasdan ako.

"Thank you mommy. Mom kailangan ko ng umalis baka malate ako," sabi ko.

"Ok baby," sabi n'ya at inalalayan akong makababa sa hagdan. Inihatid n'ya ako sa kotse at inalalayang makapasok. Wala si dad ngayon dahil may dinner meeting siya. Nakatamuso nga kanina dahil di n'ya daw ako makikitang suot ko ito.

"Bye mom," sabi ko at nagwave pa.

"Enjoy the party baby," masaya parin nyang sabi.

"I will mom, bye," nakangiti ko ring sabi.

Nga pala gusto kong i-discribe itong suot kong gown. Color black s'ya na may small diamonds as palamuti n'ya. Tube na may strap sa magkabilang balikat. At ang hills ko naman ay ganun din kulay black na small diamonds na palamuti.

After a few minutes ay nakarating na ako sa school. Mula dito sa loob ng kotse ay kita ang mga students na papasok sa school habang suot ang kanilang magagarang kasuotan. Napakagandang tinggnan.

Naglakad na ako sa may gym at kita ko mula sa labas ang mga babaeng students na nakasuot ng magaganda. Wala ka nang makikitang mga lalaki sa labas marahil ay nasa loob na lahat. Hinanap ko namam si Scar at agad ko naman s'yang nakita

The Bully meet the Amazona (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang